41(Moving Closer)

5.5K 92 10
                                    

JHO

"Dapat ganto para sweet." sabe ko. "Then mag sway sway ka lang ng ganto. Left, right. Left, right.Pero mabagal lang,ha.Tas tingin ka sa kanya....."

Pag angat ko ng tingin ay saktong nagkasalubong agad ang mga mata namen. At narinig ko na naman yung DUG DUG THINGY na yun, nakakasanayan ko na nga eh.Para bang lage ko na itong naririnig,ang matindi pa dyan mga bes hanggang sa panaginip ko naririnig ko yun. Hay naku naman,di na ko tinatantanan ng DUG DUG na yan!

( Amin na kase....)

Wala po akong aaminin, sorry!

(Ang taray naman this girl! hahahaha....)

"Then....?" si bea na nakatingin pa rin sa kin at naghihintay ng next kong sasabihin.

"Uhm......Di ba nga,sabe ko slowly lang tas---"

"Left and right, left and right. Tas tingin ako sa mata niya...." putol ni bea sa kin. "Sinabe mo na sa kin yan kanina. So....Whats next?"

Naulit ko ba yung sinabe ko? Nubayan? Nalipad na kase yung isip ko.

"U-uhm......" parang nalunok ko si dila, di ako makapagsalita.

"Tingin sa mata at.......ganto?....." malamyos na sabe ni beatriz at hinapit pa ako palapit sa kanya.

Halos magkadikit na magkadikit na kame sa ginawa nya, Kinurot ko sya pero ang loko tinawanan lang ako. Tahimik kameng nag sway sway ng mabagal, kung saan saan ako tumitingin para lang di ko masalubong ang mga mata neto pero kung minsan di rin ako makatiis at napapa angat ako ng tingin, sa una di kame magkasalubungan ng tingin kase pag alam kong titingin na sya ay saka ako mag iiba ng tingin. Ilang ulit nangyayare yun pero netong huli ay di na naiwasan pa.

Kahit may kadiliman at kahit pa merong munting liwanag na mula sa sala ang pumapasok dito at tanging mga scented candles lang ang nagbibigay liwanag dito sa dining area ay kita ko ang mukha netong seryosong nakatingin sa kin, mga matang ilang linggo ng nagpapalunod sa kin at ang kanyang labe..... ang labe nyang......Nakakapag palunok sa kin ng laway sa everytime na makikita ko.....Tulad ngayon, na halos nabubunggo na yun ng noo ko.

"Beh....." si bea.

"Hmm....?" himig ko pero umiiwas ako ng tingin, baka meron na namang mangyare eh. Jusko lord!

"Pano kung umamin na ko sa feelings ko?.....You think maiintindihan nya ako?" si bea na patuloy pa rin kameng mabagal na nag sway sway.

"A-aamin ka na?" gulat kong ulit. (Ba't ang bilis naman yata?) "Di mo pa nga pinakikilala sa kin yung babae mo tas ngayon aamin ka na sa kanya?" may himig pagtatampo kong sabe. "Unfair naman."

Narinig kong mahina itong tumawa kaya huminto ako at tumingin sa kanya. "Wala kang balak talagang ipakilala sa kin yang babae mo 'no!"

Naka smile pa rin sya sa kin kaya lalo akong nainis kaya ginawa ko pinalo ko sya ng pinalo. Naaasar ako sa batang ito.

"Makikilala mo rin sya sa tamang panahon." si bea ng mahuli nya ang dalawa kong kamay na pinang papalo ko sa kanya and this time inilagay nya ito sa likuran nya kaya ngayon ang ayos namen ay halos nakayakap na ko sa kanya. "And pag nakilala mo na sya SANA tanggapin mo pa rin ako......... bilang AKO."

Napakunot noo ako sa huli nyang sinabe,mej na iintriga ako sa sinabe nya,magtatanong pa sana ako ng inilagay nya ang isa nyang daliri sa labe ko para pigilan akong magsalita.

"Shhh...." si bea. "Balik tayo sa pag tu-tutor mo sa kin para sa perfect date ko." tas kinindatan ako.

Wala na kong nagawa pa, kung ano ano pang mga tips ang sinabe ko sa kanya para maging maganda at "perfect daw" ang date nya with her very anonymous girl. Hmp!

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now