38

5.9K 99 5
                                    

JIA

Nauna ng bumalik sa manila ang coaching staff at babalikan na lang kame ng sinakyan nameng bus bukas ng hapon.Kaya lulubusin na namen ang bakasyon na ito. Minsanan lang mangyare na makasama mo ang ibang players sa ibat ibang university na nakakalaban mo dati, napaka refreshing lang kase sanay na kame sa mga teammates namen kaya isang malaking hamon sa bawat isa sa min na magsama sama para sa competition at masasabe kong nag jell naman kame as a team habang on going ang U23.

Naghahanda na kame kase magkakaroon kame ng bonfire later at syempre pag gantong nasa beach ay di mawawala ang inuman. Walwal na naman mamaya for sure.

"Ju,nakita mo ba si bea?" si jho na kabababa lang galing sa room nila.

"Ah, umalis may binili yata sa bayan." simpleng sagot ko.

"Sya lang?" tas umupo sa tabe ko.

"Kasama sina ate tin at si ej, nagpasama sila kay kuya julio." ako.

"Tsss.... si ej na naman...." si jho.

Nang lingunin ko sya ay nakabusangot na ito kaya napatawa ako. "Anong mukha yan?"

Pero lalo lang syang sumimangot kaya natawa na kong lalo. "Ano bang problema mo kay laure?"

"Wala." si jho.

"Wala pero pag nalaman mong magkasama sila ng beh beh mo ay para kang nag susuper saiyan sa inis." ako.

"Ang lakas kaseng makapang harot yun kay beatriz tas yung damulag na yun ay like na like naman. Nakakalimutan na ako pag magkasama sila." parang bata nyang sabe tas napa pout pa.

"Sigurado ka? Nakakalimutan ka ni bea?" ako at mataman ko syang tiningnan. "Eh, ikaw nga lage ang nasa isipan nun."

"Ano yun?" si jho. Ibinulong ko na lang yung huli baka mayare ako kay de leon.😅

"Wala!" ako. "Alam mo bang may boyfriend na si ej, kaya wala ka dapat ipangamba."

"Ano ba yang pinagsasabe mo ju?" tas pekeng tumawa.

"Ay naku jho, kung di ko lang alam na di ka napatol sa "kanila" iisipin kong......" pabitin kong sabe at matamang tiningnan ulit sya.

"Iisipin mong........ Ano?" si jho.

Umayos ako ng upo at pinaharap ko sya sa kin. Tamang tama naman na kame lang ang andito sa upuan sa labas ng villa. Ang iba kase nasa sala or nasa mga room nila at nagpapakondisyon dahil mamaya mapapalaban sila.

Going back sa min ni jho, nagtataka nya akong tiningnan ng pinaharap ko nga sya sa kin. Ako naman ay binabasa ko ang ekspresyon netong kaharapan ko,gusto ko lang makumpirma kung yung hinala ko ay totoo or hinala lang talaga.

"Jia---"

"Magsabe ka nga ng totoo sa kin.....Yung totoo talaga ha. Di kita ija-judge promise......" nahihiya man akong itanong sa kanya pero kelangan kong malaman kase naguguluhan na ako sa kanya---actually sa kanilang dalawa pala. "I-ikaw ba........may gusto ka ba kay bea?" binilisan ko na lang para di nakakahiya sa kanya.

Naghihintay ako ng sagot pero parang nag loading sa kanya yung tanong ko kase di nakaimik si jho pero nakatingin lang sa kin tas napansin kong nagiba ang itsura nya from "super saiyan" face to confused look. So.......Parang gets ko na ngayon kaya ganyan sya kay laure at kung pano sya kay bea.😊

"O-okay......Kahit di mi na lang sagutin." confirmed!😊😍

Napahinto ako kase biglang natawa si jho as in tawa talaga. Malutong at malakas pa kaya napakunot noo ako.

"Ano ba ju? Ako? Ako talaga ha?" si jho sa pagitan ng pagtawa nya.
"So ang gusto mong itanong talaga sa kin ay......" tas huminto saglit sa pagtawa. "Kung nahuhulog na ko kay bea? sa BEH-STFRIEND ko?" tas muling natawa. "Jia naman.....Di ba nga sabe ko na sa inyo na di ako pumapatol sa "kanila" saka yung sa min ni beatriz ay pure friendship lang talaga. #Friendshipgoals nga ang mantra namen ng batang yun. And alam naman ni beatriz at malinaw sa kanya yun, may rules nga kame di ba na "walang talo talo". At eto pa ha, may ibang gusto yun. May pinupormahan na kaya ang damulag na yun kaya 100% akong di ako type non."

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now