53

4.7K 106 35
                                    

JHO


Di ko na kinumpronta si beatriz pagkauwi nya sa dorm, at least umuwi sya di ba, kahit late nga lang.....Basta inuwian nya pa rin ako. CHOS!😉


Naghintay ako kung sasabihin ba nya sa kin yun pero inabot na ng kinabukasan ay wala syang sinabe. Naghintay ulit ako pero natapos na ulit ang araw pero wala syang naikwento.


( As if naman, ikukwento nya sayo yun no! Di po tanga si bea para ilagay ang sarili nya sa alanganin.😕 )


Oo nga no. Ay naku naman, nakakatanga naman pala yung naisip kong yun. Ano na lang kaya?.....hmm....itanong ko na ang kung okay na ba yung "project" ni maki na ginawa nyang alibi para makapagdate sila nung janna'ng yun.


( At pagkatapos ano? Masasaktan ka lang sa sasabihin nya, kase alam mong magsisinungaling sya sayo. Naku girl, para ka ngang TANGA. Tigilan mo nga yang ka shungahan mo. Tss.....)


Hays.....Pababayaan ko na lang muna sa ngayon at makikikiramdam na lang ako sa kanya sa mga susunod na araw.🙁


The next day ay napansin kong di umalis ng dorm si bea, always din itong nakadikit sa kin(ulit), bumalik na yung dating clingy at super sweet na si beatriz sa kin. Na kala mo nawawala ako kung makahanap sa kin ay wagas! Parang one week or two na yata?.....🤔🤔🤔 na walang ibang pinupuntahan si beatriz kundi sa dorm, school, gym lang......Di rin kame nag oovernight sa kanila, ewan ko dun kung bakit ayaw umuwi sa kanila.....Basta ang sabe lang nya ay gusto daw nya akong masolo. Andyan daw kase si kuya loel, makikihati lang daw yun ng oras na para lang daw sana  sa min dapat.


( Hmm.....may pagka selosa at possessive din ang behbeh mo.....)


Halos bantay sarado nya nga ako everytime na nasa paligid namen si marci, natutuwa ako na balik sya sa dating gawi nya sa kin. Kinikilig nga ako eh, yun nga lang patago para di masyadong halata sa team,heheheh....😊


Andito ako ngayon sa national bookstore kase may binili lang ako for my project ng makasalubong ko si maki. Onteng chikahan muna bago nya ako inayang magmeryenda. Wala naman akong next class na kaya pumayag na rin ako saka 3 pm pa lang naman at maya pang 6pm yung training namen, magbobonding muna kame ni maki.😁


Nag mcdo na lang kame tutal meryenda lang naman, ako sana ang magbabayad kaso inunahan na ko ni maki kaya wala na kong nagawa, sya naman daw kase yung nag aya.


"Tama talaga si bea....." si maki ng makahanap kame ng pwesto. "May pagkamahiyain ka nga talaga."


"Nagkukwento sa inyo sa beatriz tungkol sa kin?!" ako ng makaupo na kaharapan nya.


"Always!" si maki na biglang tumawa. "Anlakas kaya ng tama nyan sayo!" nilaglag talaga yung kaibigan, nangiti ako ng marinig yun.
"Asuuuusssss......yung ganyang ngitian eh......mukhang---"


"Alam ba ni beatriz na magkasama tayo ngayon?" bigla ko na lang tanong dahil mukhang maha-hot seat ako neto kung di ako gagawa ng way para iwasan yung ganong usapan. May sekretong malupet kameng itinatago ng damulag kaya dapat ingat ingat din.😇😉


"Hindi pa." si maki. "Pero mamaya lang malalaman din nya. Tara, picture tayo jho." aya nya sa kin saka biglang umikot sa pwesto ko tas umupo sa tabe ko. Inakbayan nya ako saka itinaas ang phone nya kaya napatingin din ako dun saka napangiti na rin. "Ayan! Tas itu-tweet ko na to."


Napailing na lang ako habang pinanonood ko sya sa ginagawa nya. Magkaibigan nga sila ni beatriz, parehong pilya din nya si maki, ewan ko na lang si cel. Siguro ganon din yun, ay ang lala siguro pag magkakasama ang tatlo.😁


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now