42

5.5K 109 6
                                    

BEA

"Thanks for the libre, bei!" si ponggay na may malapad na ngitian habang papalabas kame ng starbucks.

Nagmake face lang ako sa kanya pero lalong humagalpak ng tawa ang baliw na 'to. Sinamaan ko naman sya ng tingin at nauna ng naglakad sa kanya.

"Huy! bea!" si ponggay na alam kong nakasunod lang sa kin. "Pikon lang ang beh." ng maabutan nya ako at umangkla sa braso ko.

Muli sinamaan ko sya ng tingin. "Dont call me beh okay?" tas inirapan ko sya at pilit na inaalis ang braso nya sa braso ko.

"Ay sorry!" si ponggay. "Wala nga pala akong "rights" na tawagin kang BEH kase nga po "exclusive" lang pala sa inyo yan ni jhow jhow."

"Buti alam mo." bulong ko tas naglakad muli.

"Alam mo ang sungit sungit mo ngayon, meron ka ngayon 'no?" si ponggay pa rin.

Tsss.....Pinaalala pa talaga.

Biglang natawa si ponggay. "I knew it! hahaha....."

"Ewan ko sayo...." tas muli ko syang iniwan

"Bei wait lang."

"Ano na naman ba? May libre ka na ngang 5 days sa kin tas ano? May naisip ka namang idadagdag? Meron ka namang hihilingin?" nakakunot noo kong sabe sa kanya.

Nasa isang mall kame ngayon at inuumpisahan ko na yung ipinangako ko sa kanya kagabe.

"Hey, anong "hinihiling" ko, di ba kinausap mo ako kagabe tas ikaw mismo ang nag offer sa kin ng gantong deal." si ponggay tas nameywang pa sa harapan ko. "Dapat nga ang tawag dun ay SUHOL. Sinusuhulan mo ako para di na makarating pa sa iba yung ganap nyo kagabe ni jhow jhow."

May kalakasan netong sabe kaya napapatingin sa min yung ilang napapadaan sa pwesto namen.




*LAST NIGHT FLASHBACK*

"Ikaw bei, nang hihingi ng tips para sa mga ganto?! Isang BEA DE LEON?" umarangkada na naman ang bibig ng madaldal na ito.

"Eh, ano naman? Pelam mo ba?"ako

Pero isang makahulugang tingin sabayan pa ng nakakalokong ngiti neto sabay baling neto kay jho na kaharapan lang nya ngayon. Bigla ako kinabahan ah.

"Eh, jho kilala mo na ba kung sino yung BABAE ni beadel?" si ponggay.

Shit! Sabe ko na nga ba! Merong kadaldalan namang mangyayare ngayon at kung di ako gagawa ng paraan ay mayayare ako neto.

"Huy! Umakyat ka na nga!" sabat ko na sa kanila. "Matulog ka na para mas gumanda ka pa, okay?" tas pinandilatan ko ng mata ang madaldal na babaeng ito.

Pilit ko na syang pinatayo,buti naman sumunod ang makulit na ito. Inakbayan ko na rin habang papalabas kame ng kusina.

"Matulog ka na,ha." ako habang nalakad kame. Nasa tapat na kame ng hagdan ng tanggalin ni ponggay ang pagkakaakbay ko.

"Teka nga." tas hinarap ako matapos nyang tanggalain ang pagkakaakbay ko sa kanya. "Meron akong kukunin sa fridge kaya ako bumaba." sabe neto tas muli syang babalik sana sa kusina pero mabilis akong humarang sa daraanan nya. "Padaanin mo nga ako."

"Ano ba yun? Sige ako na kukuha, kakatukin na lang kita sa room nyo para maibigay ko sayo." ako.

Tiningnan ako mabuti ni ponggay tas maya maya pa ay ngumiti na naman ito ng nakakaloko. "Ikaw, ha, bei. Masyado ka ng obvious."

Kunyare di ko maintindihan yung sinasabe nya kaya nag pakunot noo ako. "Anong obvious?"

"Suuuuussss! Kunyare di alam pero deep inside kabado na sya." sabe pa neto.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now