77

2.9K 49 0
                                    

JHO




"Jho, tara?" si maddie ng sumungaw sa room ko sa dorm.




Tumayo ako at isinukbit ko na sa balikat ko yung gymbag ko. "Tara." nakangiti kong sagot.



Magkasabay kameng bumaba ng dorm ni maddie. Itong araw na yung nakatakda para sa muling paghaharap namen ng la salle, game 2 na ng finals and sa araneta ang punta namen. Mamaya pa namang 4pm yung game namen pero napagkasunduan ng team na maaga kameng pupunta ngayon dun, actually, 10 am pa lang ngayon. Iwas lang daw kame sa traffic and para makapanood na rin ng game ng ateneo mens vball.




Pasok rin kase sa finals ang mens eh, magche-cheer kame para makuha na nila ang championship ngayon. And we all hope na sana manalo kame later para magkaroon pa ng game 3 at malaking pag asa na maibalik sa katipunan ang korona sa womens vball.





Paglabas namen ay naghihintay na pala dun mismo sa harapan ng eliazo yung shuttle bus ng ateneo na pagdadalhan sa min sa venue ng game. Andun na ang ilan mga teammates namen, naunang umakyat si maddie at kasunod lang ako. Agad na nakahanap ng mauupuan si maddie at tumabe agad ito kay kat, nag roving ang mata ko sa loob. Mabilis na nahagip ng tingin ko yung duluhang upuan ng bus na paborito kong upuan everytime na gagamitin namen ang shuttle bus ng school.





May nauna ng nakaupo dun pero nasa kabilang sulok ito naka pwesto---si bea. Nakapwesto na sya dun, naka hoodie sya ng ateneo jacket at may pasak na earphone sa magkabila nyang tenga. Nakahilig ang ulo neto sa salaming bintana ng bus habang nakapikit at yakap yakap ang gymbag nya.




Bigla akong nag alangan na dun maupo ngayon. Muling naglibot ang mata ko sa loob, nakita kong wala pang katabe si deanna kaya lumapit na ko dun. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit eh may nagmamadaling naglakad at halos balyahin na ko. Bahagya akong naitulak ng kung sinuman yun.




"Ay sorry, jhow jhow." si ponggay.




Sya pala yung nagmamadali. Nag peace sign sya sa kin bago umupo sa tabe ni deanna. Hindi ko na magawa pang magreklamo kase baka nga dun ang pwesto ni ponggay, nahiya naman akong makiusap kay sa kanya.




Ayokong isipin nila na nag iinarte na ko ngayon at ayoko ng makatabe man lang si bea. Kahit di kame magsalita ni bea ay alam nilang may di kame pagkakaintindihan ngayon, alam nilang may pinagdadaanan kame ni bea. Nagpapasalamat naman ako kase nirespeto nila kame at di na nagtanong pa, kahit na nga yung mga makukulit at chismosa nameng teammates ay di na nagtanong at iniiwas na mapunta ang kwentuhan at biruan sa ganong topic.




"Wala kang balak umupo ate jhow?" si jules na katabe ni ana.




"Wala kang maupuan bes?" si ana.




"A-ah....D-dun ako sa dulo." sagot ko tas nagsmile sa kanila.




Naglakad na ko palapit dun at tulad ni bea ay sa kabilang dulo naman ako pumuwesto. Kinuha ko rin yung earphone ko at nagpatugtog na lang din habang nabyahe kame papuntang araneta.




Dati okupado nameng dalawa ang upuang ito at wala talagang naupo dito kundi kame lang dalawa....yun nga lang dati ay sa gitna kame uupo tas ako hihiga tas ipapagamit ni bea ang lap nya para gawin kong unan. Minsan nakasandal lang kame parehas, nakahilig yung ulo nya sa balikat ko or nakahilig ang ulo ko sa dibdib nya habang naka akbay sya sa kin buong byahe namen. At magkashare sa iisang earphone.





Ngayon, okupado pa rin naman nameng dalawa, yun nga lang.....Nasa magkabilang dulo na kame nakaupo ngayon at may napakalakeng space sa ming dalawa.🙁🙁🙁






















Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now