50(HEARTBEAT)

6K 105 22
                                    

JHO



"A-anong......A-ano yung......."


Nakakunot ang noo ng damulag na to habang nakatingin sa kin. Napangiti ako tas pin-ress ko ng todo ang magkabilang pisngi nya kaya nakanguso ngayon ang damulag ko.Na cut-an ako sa itsura nya kaya natawa ako ng mahina.


"Jho ano ba---" si bea na naguguluhan.


"Ang cute cute ng damulag ko!" at lalo ko pang nilamukos ito tas tumawa ng malakas.



"Jho?..." si bea na lalong napakunot noo.



Sumeryoso ako at tinanggal ko na ang kamay kong nasa pisngi nya. "Ang sabe ko.....May karapatan ka ng magselos...."



Nakatanga lang si beatriz sa kin kaya ang ginawa ko ay mahina kong sinapok ang noo neto, para namang natauhan ang damulag at nagpapikit pikit pa sa harapan ko.



"S-seryoso?" si beatriz na parang bangag lang ang itsura,namamaga ang mga mata tas namumula ang ilong pati mukha at halos di makausap ng matino.



Marahan kong muling hinawakan ang mga pisngi neto at pinunasan ang mga dumaloy na luha sa mga ito. "Ulitin ko pa beh?  Sabe ko may karapatan ka ng magselos.....simula ngayon." naghintay ako sa reaksyon ni beatriz pero tulala na naman. "Ay naku beatriz ha, nakakatanga ka na---"



Di ko na natapos ang sasabihin ko kase bigla nya akong kinabig palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit......tas ilang sandali pa ay narinig ko na naman ang paghikbi neto sa balikat ko. Umiiyak na naman po sya. Gusto ko syang tingnan pero lalo nya akong niyakap ng mahigpit.Hinayaan ko na lang sya at niyakap ko rin sya pabalik,pati ako ay napapaiyak na at di ko na yun mapigilan. Kusa ng lumabas muli ang mga luha ko at ang kakaibang feeling na meron ako sa kanya ay kusa ring nailalabas ko na ngayon, nagtagal kame sa ganong position. Yakap yakap namen ang isat isa ng mahigpit.



Nang mahimasmasan ay kusa na syang humiwalay sa yakapan namen na di inaalis ang kamay netong nakapatong sa mga balikat ko, pero ako, nanagiling nakayuko dahil di ko na mapigilan pa ang mga luha ko na lumabas.Namalayan ko na lang ang kamay netong nasa baba ko at dahan dahan netong iniaangat hanggang sa magtagpo na ang mga mata namen, napangiti sya.



"Bakit ba ikaw ang umiiyak ngayon?" si bea.


"Parang sya hindi no." ako at inirapan ko. Narinig ko ang pagtawa neto kaya napatingin ako agad sa kanya. Ayun nga, wala na namang mata ang damulag ko.



"Anong nakakatawa?" ako habang may pagsinghot singhot on the side.



"Ikaw.....Ako....Tayo......hahahahah.......Ang drama naten." tas inayos ayos ang buhok ko at inilagay nya sa likod ng tenga ko ang ilang strands na naligaw sa mukha ko. "Ikaw lang ang nag paiyak sa kin ng ganto,lam mo ba yun?" si bea na pinunasan naman nya ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. "Madalas mo kaya ako saktan....." pabebeng dagdag pa neto.



"Sorry...." bigla akong nakonsensya ng marinig ko yun. So dati pa pala nasasaktan ko na ang damulag ko? So....Matagal na pala yung feelings nya for me!? OMG!!! #Kiligmuch😊😘😍 "Sana pala umamin ka na dati pa di ba, para nakapag adjust ako at di kita nasasaktan." binigyan nya ako ng makahulugang tingin.



Parang nagsisi ako na sinabe ko yun sa kanya, gusto kong bawiin yun kaso hindi na eh, narinig na nya ng malinaw kaya di aya maniniwala na joke lang yun,kung yun ang i-aalibi ko. Napakagat labe na lang ako na sana di nya naintindihan yung sinabe ko pero 100% akong sure na narinig nya yun. Naku naman jhoana!🙊



"Umamin ka nga.....Inaabangan mo bang umamin ako sayo, dati pa?" si bea na ganon pa rin kung makatingin kaya napayuko ulit ako. "Siguro......Crush mo na ako dati pa!"



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now