57

3.7K 55 1
                                    

JHO

New season na naman so ibig sabihin may bago na naman kameng roommates. Di ba, nasabe ko naman sa inyo na every year ay nagpapalit palit kame para iwas umay kaya nung isang araw lang kasabay ng pagbalik muli nila ana at mich sa dorm ay ibinigay na ni jia yung mga bago nameng assign na room and roommates. And tulad ng dati ay di kame pinagsama ni beatriz sa iisang kwarto at isa lang naman ang dahilan ng bago nameng kapitana at alam nameng pareho yun ni bea, lalo pa ngayong nalaman na ng girls ang naging "relasyon" namen ilang buwan na ang nakakaraan.

Sa halip ang makakasama ko sa kwarto ang ever hyper at di nawawalan ng energy na si ponggay. At si bea naman ay si kat tolentino, wala akong nakitang violent reaction sa kanya ng pagkakataon yun di tulad dati na para itong bata na nagmamaktol. Siguro kase isa sa mga close friend din nya si kat kaya ganon, magkakabatch nga pala sila,hehehe....Or Siguro....may balak na syang iwasan ako at magandang way nga naman ang isang yun.☹

Ilang linggo na rin ang pag iwas nya sa kin at pansin kong palala ng palala yun everyday na lumilipas. Kung dati ay pasimple pa pero netong mga nakaraang araw ay lantaran na ang paglayo nya at pati na ang buong team ay pansin na nila yun. Tinatanong nila ako kung anyare sa min pero wala akong masagot kase hindi ko talaga alam.

Ang tanging naiisip ko lang na dahilan ay yung pagsisinungaling nya sa kin at yung pagseselos ko dun sa first love nya na nagbakasyon lang dito. Di ba nga may dramahan pa kame non at halos maabutan kame ng team na nagpapalitan ng mga salita. Pero kase........Ilang months na rin yun eh......almost 3 months na nga yata at yung pag iwas naman nya sa kin ay isang buwan pa lang. Kaya nga nagtataka ako.🙄🙄🙄

Kanina pa kameng tapos mag dinner pero nag paiwan ako dito sa sala kase may hinihintay ako......si beatriz, nag dahilan na nga lang ako na may kelangan akong kabisaduhin kaya ako andito (may dala dala nga akong notes eh para makatotohanan 😉😊) kase di ako maka concentrate kase andun sina ponggay, deanna at ria na trip manood ng movie at naiingayan ako dun sa tatlo. Magandang alibi para sa pasimpleng paghihintay kay damulag na hanggang ngayon ay di pa bumabalik ng dorm. Past 9 pm na ng gabe pero ang pasaway ay wala pa!

Napabalikwas ako ng biglang mag ring ang phone ko, nagkanda hulog yung dala dala kong "praps" makuha ko lang yung phone ko. Di ko na muna pinulot yun kase ang importante ay masagot ko yung call, pagkakuha ko ay napasimangot na lang ako ng yung inaasahan kong tumatawag ay hindi pala sya.☹

"Hello...." walang gana kong umpisa.

"Oh, anyare, girl?"

"Wala." ako at tumayo at nagpalakad lakad. "Oh, napatawag ka? May problema?"

"Ako, wala. Ikaw?" balik neto sa kin.

"Hay naku, Marci Juene Bacalla.....Wala akong sa mood na makipagbiruan sayo." mataray kong sabe. Tawa lang ang narinig ko sa kabilang linya kaya lalo akong nainis. "Ibababa ko na to meron akong hinihintay na---"

"Tawag?" si marci na yung nagtuloy. "Di pa rin ba umuuwi ang behbeh mo?"

Magka chat kase kame kanina lang at nasabe ko ngang umuwi sa bahay nila si beatriz at dun na nagdinner. Napabuntong hininga na lang ako at pasandal sa railings ng hagdan. "Hindi pa." ako at napanguso na lang.

Muli tawa ang narinig ko sa kabilang linya. "Labas ka nga." si marci.

Hihindi sana ako kaya lang sinabe nya yung magic word na FOODS kaya ayun napalabas ako ng di oras. Sa di nakakaalam at sa mga nakalimot na, kame ni ate ells pag foods na ang pinag uusapan ay nababago ang mood namen kaya ginamit din ng lokong ito yung magic word na yun. Wais din eh!😏

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now