80 (Hindi tayo pwede)

3.8K 74 71
                                    

JHO



Kanina pa akong nakatanga lang sa tv na kahit nakabukas ito at nasa harapan ako ngayon at nakatingin ay di naman ako nanonood talaga. Binuksan ko lang ito para may ingay akong marinig ngayon. Napakatahimik kase ng loob ng bahay ngayon.





Nagpunta ng la union sina papa at mama kanina pang umaga. Sina jaja at audrey ay wala din ngayon kahit hinabilin ako sa kanila bago umalis si papa kanina. Talagang pinagbilinan sila para lang bantayan daw ako. Di ba, parang bata lang na inihabilin sa mga yaya?






Masyadong advance kaseng isip si papa. Baka daw kase bigla akong umalis ng bahay at pumunta ng manila at makipagkita. Kahit wala syang sinabeng name ay matic na iisa lang nag nasa isipan nameng tatlo kanina. Tapos super dameng bilin sa kin lalo na ni papa, tango lang ako ng tango sa kanila at parang nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang maka alis na sila.






Ito naman si jaja ay agad na nagpaalam sa kin pagkaalis nila papa, may paslumber party daw ang barkada nya, pinayagan ko naman. May tiwala ako sa kapatid ko kaya hahayaan ko sya na makasama nya friends nya. Ang di ko inaasahan ay si audrey, ngayon din pala yung alis nila ng boyfriend papuntang pampanga naman dahil ipapakilala na rin sya sa pamilya neto dun.




Syempre, pinayagan kong umalis si jaja kaya pinayagan ko na rin si audrey. Ayaw pa nga nya sana akong iwan dahil nga maiiwan lang akong magisa ngayon. Sinabe ko na lang na makikitulog na lang ako kina tita na kalapit lang ng bahay namen dito, bakod nga lang ang pagitan eh. Kaya, sumige na sya. Ayoko namang di matuloy yung nakaplano na nila ng boyfriend nya, dahil lang sa sinabe ni papa sa kanya.




Kaasar lang kase di naman ako dalawin ng antok eh, ang haba naman kase ng tulog ko simulan nung nagbakasyon na kame. Medyo nakakabawi na rin ako ng tulog kahit papano at hinahayaan lang talaga ako nila mama na makapagpahinga ng bongga.





Pahinga nga katawan ko pero yung isipan ko naman ay naglalakbay kung san san. Busy busy-han lang. Simula nung matapos ang volleyball season ay di na kame nagpapangita ni beatriz, ewan ko kung iniiwasan nya ba ako kase halos di na nga ko umaalis sa dorm nung andun pa ko sa manila para sana kahit masulyapan ko lang sya pero di nga namamalage dun ang babaeng yun at tanging sina jules at ponggay lang ang nakakausap nya....Minsan kay maddie na lang ako nakikitsismis kung ano ng ganap sa buhay nun.





Hindi rin kase masyadong active si bea these past few weeks, lalo naman ako kase pinutol ko na ang lahat ng connection ko sa social media. Nakakadagdag kase sa stress at iisipin ko pa ang mga walang magawa at mga nagmamarunong kong mga bashers. Kaya goodbye na ko sa social media.




Sa isang banda naman ay naging pabor na rin sa kin ang ginagawa ng pasaway na yun. Ang di nya paglitaw sa kung san andun ako ay nakakadagdag ng agwat namen sa isat isa. Maganda yun, kase makakalayo ako sa kanya at mapapadali kahit papano ang pag iwas ko. Sobrang hirap kase ng lahat para sa kin....halos lahat ng puntahan ko, gawin ko ay may bakas nya....Nameng dalawa. ...




Nagsisimula na naman akong magdrama ng biglang ma ring ang phone ko. Pagkakuha ko ay agad kong nakita ang name ni nico sa screen. Sinagot ko na tutal naboboring ako ngayon at para na ring pampa antok.




Naging masaya naman yung naging takbo ng usapan namen ni nico. Tawanan, tuksuhan ang naging flow ng usapan namen. Infairness, nawala yung pagkaboring ko, yun nga lang.....di naman ako inantok. Pero okay na rin, napatawa naman nya ako at kahit papano nawala sa isipan ko ang pinoproblema ko.




Timing ang pagdating ni nico sa buhay ko ngayon, kahit alam nyang di pa ako handa sa anumang gusto nyang mangyare sa min eh matyaga syang nghihintay na kahit walang kasiguruhan na maibibigay ko sa kanya ang puso  ko. Always syang andyan para pasayahin ako tulad ngayon.....Akalain nyong napapayag nya akong mapapunta sa terrace ng bahay namen.




Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now