12 (HUWAG KA NG UMIYAK )

5.5K 85 0
                                    

BEA

May bad news ako sanyo, guys.

Hindi kame nakapasok sa semis ng SVL😟😟😟.
Natalo kame ng Arellano in 5 sets. Kaya maaga kameng nagbakasyon sa liga.
Nakakasad talaga kase alam naming ginawa namen ang makakaya namen pero ang Arellano ay sadyang gutom para semis at napakarame rin ang unforced errors ng team.

Nahiya naman kameng mga rookies kay ate ly, especially ako kase, ako ang madalas ipasok ni coach pero di ako nag perform ng maganda lalo na nung set 5.Di ko mapalo ang mga sets na ibinibigay ni jia sa kin.
Pero sinabihan naman nila ako na wag ko na lang isipin ang mga yun kase lahat naman daw kame ay nag contribute sa team sadyang pinaghandaan lang talaga kame ng Arellano.

Personal akong kinausap nila ate ly at ate den. Kaya kahit papano ay lumuwag ang loob ko.

Dahil maaga kameng "nagbakasyon" sa liga at nagkataon ding sembreak na ay pinayagan ang buong team na magsibakasyon.
Meaning, pwede kameng umuwi sa mga bahay namen! Di ba ang saya!

Kaya yung gustong umuwi sa mga province nila ay nung isang araw pa naalis.
One week lang kase ang ibinigay sa ming
break kaya susulitin na namen dahil pagkatapos nun ay balik na naman kame sa realidad! Maagang gising, walang katapusang dig,receive at spike; sakit sa katawan at higit sa lahat pagbalanse ng acads at sports.
Buhay student-athlete,hays! 😓😓😓
Pero dahil love namen ang volleyball ay kayang kaya yan!
#HEARTSTRONG💖❤💗


Nakasakay na ko sa "baby" ko dahil pauwi na ko sa bahay namen sa QC. Wala naman balak sina mom and dad na mag out of town kaya sa bahay lang ang tambay ko in one whole week! Yay! Ansaya!

Napadaan kame ni "baby" sa Moro field at may napansin akong nakaupo sa mismong gitna ng field at parang......... at parang......
si....... JHO?

( yieee....parang may bago yata akong narinig?)

Hmp! Oo na. Bago na talaga ang tawag ko sa kanya. Magmula nung nagkausap kame sa labas ng mga room namen at nag thank you sya sa pag comfort ko sa kanya nun ay medyo umokey na ang pakikitungo nya sa kin. Nag uusap naman kame pero di pa ganun katagal,parang may wall pa rin sa ming dalawa. Yun nga lang di na ganung kataas. You know what i mean, guys.

Nagtaka nga ang team nung umpisa kase nasanay na sila na madalas na magbangayan kameng dalawa kahit napaka simpleng bagay ay pinagtatalunan na namen DATI.

Nalaman na rin ng buong team tungkol sa breakup nila ni GWAPONG LOKO.

( Wala tayong magagawa. Likas na mga tsismosa ang buong team.)

Yeah, right.😓

Inihinto ko si "baby"sa gilid ng field.
Lumabas ako ng kotse at pinagmasdan ng mabuti ang nakaupong babae.
Malakas ang hinala ko na si jho yun kaya nilapitan ko na. Nung may tatlong dipa na ang layo ko dun sa babae ay kumpirmado!
Si Jho nga ang nakaupong babae dito sa field. Napatingala ako sa langit dahil biglang dumilim,to think na magfo-four pa lang ng hapon. Sigurado akong uulan mamaya.

Tuluyan akong lumapit sa kanya. Di nya ako napansin dahil napakalayo ng tingin neto at siguradong mas malayo ang narating ng isip nyan.
Napakunot ako ng mapansin Kong tumutulo ang mga luha nya sa kanyang magandang mga mata.

Tumayo ako mismo sa harapan neto kaya napa angat ang tingin neto.
Napabuntong hininga ako bago lumuhod gamit ang isang tuhod ko. Magkatitigan pa rin kame maya maya pa ay pinunasan na nya ang mga tumulong luha sa kanya gamit ang mga kamay nya.

"Hay. Bakit ka na naman umiiyak?"mahinahon kong tanong sabay hawak sa baba neto at itinaas para matingnan ko sya ng mabuti. "Pinaiyak ka na naman ba nya?" dagdag ko pa at sinimulang punasan ang mga pisngi, ang baba at ang mga mata netong may luha pa rin.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now