43

5.6K 88 8
                                    

JHO


Nag iba ako ng pwesto ko sa pagkakahiga ko,nakaramdam  kase ako ng lamig kaya pinilit kong imulat ang mata ko. Kaya naman pala ako nilalamig ngayon kase wala na akong kumot, nilingon ko ang katabe ko at ayun nga nasa halos dulo na sya ng kama ngayon at ang kumot namen ay nasa paanan na nya.


Sa sobrang kalikutan nya sigurong matulog kaya ganyan ang itsura nya. Napatingin ako sa wall clock nya at 5:30 pa lang ng umaga,napa aga ang gising ko ngayon. Siguro dahil sa nakasanayan na ng katawan ko na maagang nagigising gawa ng may training kame, actually lahat naman kame ay ganon na ang gising, may training man o wala,pero ang isang ito ay nakanganga pa hanggang ngayon at rinig ko ang hilik neto.


( malamang teh, lasing nga kagabe di ba? )


Oo nga pala 'no? Pati rin siguro si tito.🤔


Napalingon ako sa gawi ng lasing na si beatriz dahil umungol ito at bahagyang gumalaw. Napatayo ako at umikot sa kabilang side ng bed dahil nag aalala ako na baka mahulog ng tuluyan sa kama ang damulag pag lalo itong gumalaw pa kaya ang ginawa ko ay inurong ko sya papuntang gitna ng kama. Pero di naging madali kase ang bigat na pasaway na ito,ginamit ko na nga ang buong katawan ko para lang mahila sya pagitna.


"Pasaway kang bata ka."  mahina kong sabe pagkatapos ng successful kong paghila sa kanya. Napameywang na lang ako dahil sa pagod habang tinitingnan ang tulog na tulog na si bea.


Umupo ako sa gilid ng kama kung saan ang side nya. Mataman ko syang tinitigan ngayon, sa tuwing ganto ko lang sya natititigan ng malaya, ng matagal. Kase pag gising na ito ay di ko talaga magawa, nakikipagtitigan ako sa kanya pero ako na mismo ang nauunang magbaba ng tingin or mag iba na lang ng tingin.


Ewan ko ba. Simula kase nung gabeng yun......yung gabeng inatake ako ng curiousity at pagiging ogag ay di ko na magawa pang tumingin sa kanyang mga mata ng tulad ng dati. Para kaseng may nagbago.........Sa kin. Minsan iba na ang tingin ko sa kanya pati nga kung pano ko sya pakitinguhan ngayon ay alam kong may nagbago. Naging more possessive ako sa kanya ngayon compare nung dati, mabilis akong mainis pag may ibang kaharutan ang damulag na ito kahit pa nga kateammates namen ay pinagseselosan ko na.


Oh ayan ha, naamin na ako. Nagseselos ako. Pinagseselosan ko ang LAHAT ng mga kaharutan ng pasaway na ito. Gusto ko ako lang ang hinaharot nya ng ganon pero hindi eh marame kameng hinaharot nya, sabayan pa ng mga manliligaw nya. Hays!


"Erase. Erase. Erase." tas ipinilig ko ang ulo ko. "Di nga pwede di ba. Straight ka jhoana,straight ka." mariin kong paalala kay self. "Di ka pwedeng ma-ano sa bestfriend mo. Tama. BESTFRIEND MO LANG SI BEA." tas tumango pa ako. "Yung kakaibang feelings mo sa kanya ay wala lang yun, WALA. LANG. YUN. Pang sister lang yun, little sister mo lang sya,okay?" kumbinse ko pa kay self.


Nakatihaya ngayon matulog ang damulag na ito kaya inayos ko ang pagkakamot sa kanya. Di na rin sya nakanganga ngayon yun nga lang maririnig pa rin yung di kalakasan nyang hilik. Napapangiti na lang ako habang pinanonood ko syang natutulog, naramdaman kong pagbilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko at tunay nga super lakas at bilis ng tibok neto.


Nagaaalangan akong hipuin ang mukha neto baka kase magising ito. Ano na lang palusot ang sasabihin ko? Pero parang may sariling buhay ang kamay ng jhosa nyo kaya marahan ko itong ti-nouch.Mula sa buhok nya pababa sa noo nya,pababa sa kilay netong ayos na ayos.


"Ang mga matang nakakapagpalunod sa kin ng paulit ulit everytime na magkakatinginan tayo." bumaba ang kamay ko sa pisngi neto. "Ang mga pisngi na kay sarap kurutin, mala monay eh." sabe ko at mahinang natawa. "Yung ilong mong pilit mong sinasabeng pointed pero di naman kaya, pero beh nabagay sa yo." nakangiti kong sabe na kala mo gising at kausap ko.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now