34

5.4K 82 6
                                    

JHO

Nakakainis!

Para namang nangaasar talaga ang donyang yun! Ako pa talaga? Ako pa talaga ang inutusan nyang pumunta ng BEG para lang iabot sa kanya itong knee pads nya! Kung bakit naman kase iniwanan ng magaling kong "nanay" itong knee pads nya  eh alam naman nyang nilabhan nya ito kagabe at may training sila ngayong hapon.

Yes mga bes.SILA. As in sila lang mga napiling maglalaro for our country for U23.☹ Tapos na kase ang stint namen sa SVL and mga bes natalo po kame sa collegiate conference😭 Umabot pa nga kame ng game 3 pero talagang di para sa min yung korona kaya ang NU ang nag champion.

Malungkot man at masakit ang pagkatalo ng team ay magandang learning experience para sa min itong pag join namen (every year naman nasale ang ALE) at makakatulong ito sa pag pasok namen sa "mother league" ng team. And sana this time madepensahan ulit namen yung korona at manatili ito sa katipunan.

At tulad nga ng nasabe ko kanina,pinili ang ilan sa mga magagaling na volleyball players ng bansa na di pa nalagpas  ng 23 ang edad.Syempre pasok na pasok pa si phenom, gretchel soltones, jaja santiago, risa sato, ria meneses, myla pablo, tin agno,  EJ laure, jia, bea at si donya.

Kaya nga hanggang ngayon ay nasa dorm pa rin ang donya kase kasali sya team. And speaking of donya, ang sarap nya pong tanggalan ng bilbil tas ilagay ko lahat sa batok nya kase ang lakas ng trip,inutusan ba naman ako,eh ayoko ngang magpupupunta sa gym netong mga nakaraang araw pa.

(Ay why naman bes?)

Ayoko lang may makitang di kaaya aya sa paningin (ko).

(Ay sinetch etey?)

BASTA.

"Oi,momski!"

"AY ANAK KA NI BEADEL!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil nagulat talaga ako mga bes! At walang hiya talaga itong si deanna.Sya pala yung natawag sa kin sabay tapik sa balikat ko. Sa inis ko ay hinampas ko sya sa braso .

"Leche kang bata ka! Ginulat mo ko wong! Kaasar ka!" tas pinalo ko pa.

Ilag lang ng ilag si deanna habang natawa. "Ano gawa mo dito?" at  sumilip sa loob ng gym. "Ba't nasilip ka lang? Tara pasok tayo.Nood tayo ng practice nila." aya nya at di na ako hinintay na sumagot or tumango man lang kase hinila nya agad ako papasok!

Pilit naman ako kumakawala sa hawak dito sa "anak" ko pero mahigpit at halos hilahin na ako papasok.

"Di pa sila naguumpisa?" tanong ni wong kase ang mga players ay naguumpukan at sa tingin ko ay nagkukwentuhan pero ang nakatawag ng pansin ko ang dalawang nilalang na animo'y may sariling mundo at panay ang selfie na may kasama pang harutan.

Umiwas na ko ng tingin at hinanap na lang si donya na di naman ako nahirapan dahil lutang na lutang talaga sya sa iba pang nandun. Nilapitan ko na lang para di ako makaagaw ng pansin(sa iba).

"Oh donya, eto na yung pinapadala mo sa kin." ako sabay abot ng kneepads nya.

Isang matamis na ngiti ang binigay naman ni ate ells pero wala ako sa mood para makipagngitian. "Next time makes sure na dala mo na ang lahat para wala ka ng maistorbo."

"Woah! Ang sungit naman this gurl!" si donya.

Di ko na pinansin pa ang mga patutsada ni ate ella,basta sumama ang timplada ko ngayon at gusto ko ng umalis dito.

"Ahhhh.... kaya pala." ang donya at hinila ako palayo sa ibang kasama nya. "Alam mo ba,kanina pa sila ganyan."

"Huh?" napakunot noo ako.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now