33(Ambon)

6.4K 91 4
                                    

BEA

Kala ko di na kame makaalis sa ganong posisyon namen (kase ako ayoko,hehehehe....✌) kung hindi pa may pumatak na sa mukha nya kaya napaiwas sya ng tingin at ako ganundin.Nakaramdam na rin ako ng mangilan ngilang patak sa katawan ko.

"Naulan pa yata." si jho na nakatingala sa langit. "pero sabe sa weather report na 25% lang ang chance na uulan ngayon."

"Buti pa ang weather may chance....." bulong ko. "pero yung TAYO---"

"May sinasabe ka?" si jho naka kunot noo'ng nakatingin sa kin.

"Huh?" patay malisya po ako tas nagkunwaring  walang alam.

Nagkibit balikat na lang si jho at biglang tumayo si jho tas kumuha ng bato tas nag drawing ng araw kaya napakunot noo ako tas nilapitan ko sya. " Ano yan?" inosenteng tanong ko sabay turo sa din-rowing nya.

"Araw,duh." si jho tas umirap na naman sa kin. " Minsan talaga beatriz may pagka tanga ka rin 'no?"

"Anong minsan? Matagal na kaya." sagot ko naman. Sinulyapan ko si jho at napansin kong napatinging napakunot noo sya sa kin at bago pa sya maka pagtanong pa ay iniba ko na ang usapan. "Alam kong  araw yan.What im trying to say is  bakit nagdraw ka ng sun dyan?" ininguso ko pa.

"Di mo ba alam ito? sabagay rich kid ka kaya di mo alam,ito yung ginagawa namen sa batangas pag ayaw nameng matuloy ang ulan.Nagdo-draw kame ng araw sa semento or sa  lupa." si jho.

"Effective naman kaya?" ako tas muli ko syang sinulyapan.

"M-minsan." mahinang sabe nya.

Natawa ako sa isinagot nya sa kin. "Ako,meron akong alam na mas effective na way para di matuloy ang ulan and even ang ambon na 'to." mayabang kong sabe at tumingala pa sa langit na makulimlim at papalakas na ang ambon.

Tiningnan naman ako ng makahulugan ng babaeng ito.Mukhang di naniniwala sa kin kaya kelangan kong patunayan sa kanya. Huminga ako ng malalim tas pinagsalikop ko ang magkabila kong mga palad at tumingala sa langit na animo'y nagdarasal. Tas uumpisahan ko na ang pinagmamalaki kong mas EFFECTIVE na way para sa nagbabadyang pag ulan.

"Espirito ni Laida Magtalas,lapitan mo ako......Espirito ni Laida Magtalas, gabayan mo ako.....Espirito ni Laida Magtalas lapitan mo ako....." bulong ko pa.

At sinimulan ko na nga ang MOST EFFECTIVE and MOST POWERFUL way sa pagpapahinto ng ulan.....Ang famous Laida Magtala's......SUNDANCE!!!😎

Sige lang ako sa pag sa-sundance kontodo pa ang pagsasayaw ko and may pag ikot ikot pa ako.Focus na focus ako sa ginagawa ko ng mapatingin ako sa gawi ni jho na di magkamayaw sa katatawa at napaupo pa talaga sya oh. Kaya kahit di pa ako tapos ay inihinto ko na at nakakunot noo'ng hinarap ko ang super sayang si jhoana maraguinot.

"Whats funny?" ako.

" Hhahaha.....i-ikaw......hahahaha....."

Napataas tuloy ang kilay ko. Ako? Pinagtatawanan nya yung ginawa ko? "FYI lang po Miss,ito po yung sinasabe kong most ef---"

"Effective?" putol nya sa kin na ngayon ay nakabawi na sa kakatawa. " Sino ang nagturo nyan sayo?"

"Yung mga kasambahay namen, si ate lily." sagot ko naman.

"Ahhh...okay." natango tango pa.

"Why ba? Dont tell me alam mo rin ang tungkol dito?" ako.

"Uh-huh. Actually, matagal na." si jho na naguumpisa na namang matawa.

"Matagal na!?" ba't last year ko lang nalaman ito?

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now