14 (AKAP)

5.4K 77 0
                                    

BEA

Tinawagan ni jho ang family nya sa batangas to informed na dito sya sa min
magbabakasyon. Umu-o naman ang mama nya at nagbilin pa na magpakabait.
Pano ko nalaman? Simple. She make kwento kaya.

Okay naman ang naging bakasyon namen ni jho sa bahay. Mabilis nyang nakasundo sina kuya and si mom, pero kay dad medyo ilang pa sya. Sabe nga nya sa kin minsan parang ang istrikto at suplado ni dad na ikinatawa ko. Syempre dinepensahan ko si dad kase di naman  talaga.
Super bait kaya nun at cool pa. Sabe nga ni mommy halos lahat ng ugali ko at mga traits ko ay kuhang kuha ko kay dad.
Kame rin ang magkamukha talaga.
Pansin nyo ba guys?

5 days na ang lumipas at eto kame ni jho naghahanda ng mga gamit namen.
Nag text kase si ate ly na meron na kameng training bukas. Pinaaga daw ni bundit,kaya kahit sa susunod pa sana ang balik namen sa training ay no choice kame.
Back to the reality na naman po kame!
Bitin ang one week sembreak!

10 minutes before 12 midnight.
May naririnig akong humihikbi sa tabi ko.
Kung nagtataka kayo,ay opo.
Si jho nga po pa rin ang katabe kong matulog ng 5 days na.
Pinapalipat naman namen sya sa guest room kase naayos na yung gripo pero tumanggi na ito. Mas gusto na "daw" nyang katabe ako.

Nilinga ko ang katabe ko na nakatalikod naman sa kin. Pinakiramdaman ko pa ng sandali nakumpirma ko na sya talaga ang "parang" umiiyak. Kaya dahan dahan akong umupo tas kinapa ko sa dilim ang switch ng lamp shade.

"Psst... Umiiyak ka ba?"nagtanong pa ko 'no? Tanga lang, bea?

At syempre bilang sya si Jhoana Maraguinot na magaling magtago ng feelings....

( at sinungaling?)

Uy wala akong sinasabeng ganyan, ha!

(Hahahahaha.....)

Tulog ka na nga ulit. Epal mo.

Nang di pa rin sya sumagot ay tumayo na ko tas umikot sa side kung saan sya nakabaling and then in-on ko ang light.
Bigla nyang itinakip sa mukha nya ang unan na kanina lang ay yakap yakap nya.
Lumuhod ako sa tapat nya at pilit kong tinatanggal ang unan sa mukha nya.
Pero lalo lang nya ito hinihigpitan kaya ang ginawa ko isang malakas na pwersa ang ginamit ko and success natanggal ko!

Bigla naman syang nagtalukbong ng comforter. Tulad ng ginawa ko kanina hinila ko ito ng malakas kaya ayun wala na syang magawa kundi ang magtakip ng mukha gamit ang dalawa nyang palad.

"Beatriz, ano ba? Natutulog kaya yung tao."reklamo nya na kunyare naiinis.

"Kung natutulog ka, eh ba't sumasagot ka ngayon?"ako.

"Duhhh. Syempre ginugulo mo ko. Nagising
kaya ako."

"Liar."ako.

"Aba't---"

"See? Di ka pa natutulog 'no?" Ako pa rin.
"At umiiyak ka nga."

Napabalikwas kase sya nung sinabihan ko syang "liar". Huli na ng mapagtanto nyang  naka-on na pala ang light kaya kitang kita ko ang pamamaga ng mga mata nya.

Napabuntong hininga na lang ako habang
pinagmamasdan sya na ngayon ay naka iwas ng tingin sa kin. Umupo ako sa edge ng kama na medyo malapit sa kanya.
Parang alam ko na kung ano at sino ang dahilan kung bakit sya umiiyak na naman.

Sa loob ng 5 days na nandito sya sa min, na kasama ko sya ay wala akong maalala na nalungkot at lalo na umiyak sya.
At ngayon pa lang talaga. Simula kase nung huli nyang iyak ay puros ngiti at tawa ang nakikita ko sa kanya lalo na pag magkasama sila ni kuya.

Pero ngayon, bumalik na naman sya sa dati na palaging umiiyak at iisang tao lang ang dahilan......

ANG GWAPONG LOKONG EX NYA.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now