67

2.9K 40 0
                                    

BEA


"Musta ang outing nyo?" tanong ko agad sa kanya ng mapag isa na kame.


Nasa dorm na kame at katatapos lang nameng magdinner, asusual pinuntahan ko sya kaagad sa room nya pagkatapos kong makapagpalit ng damit.


Naabutan ko pa nga si jia kanina dito, mukhang nagulat pa nga yata ng bigla akong pumasok, kase bigla silang natahimik for about 5 seconds, kala mo may dumaan na anghel sa katahimikan. Kung di pa ako nag snap ng fingers ng ilang ulit eh di sila matatauhan. Natawa ako sa mga hitsura nila, kala mo mga nabisto lang ang naging reaction ng mga fez nila. Hahahaha.....


Pagkalabas nga ni jia ay umupo ako sa bed nya habang sya naman eh inaasikaso yung mga dinala nya nung umalis sya.


"Okay lang naman. Masaya." simpleng sagot ni jho na di tumitingin sa kin.


Saktong may kinuha syang muli sa bag kaya napigilan ko sya na ikinabigla naman nya kaya parang kinabahan itong napatingin sa kin. Idinikit ko sa braso nya ang braso ko.


"Mukhang nagtampisaw ka talaga sa dagat ah....." ako, saka ko inalis muli ang braso ko sa kanya. "Nasunog ka ulit."


Simpleng mapang asar lang.😊😜


Agad naman akong pinalo ng baby ko. "Ang sama mo!" napa pout ito at saka tinalikuran ako.


Ako naman ay tumawa ng malakas. Ang sarap talagang asarin neto lalo na pag yung kulay nya ang pina uusapan eh napipikon agad ang jhoana ko.


"Sige tawa pa. Tawa pa more, Isabel Beatriz." si jho.


Unti unti ko ng inihinto ang pagtawa ko, alam kong mapipikon na si jho. Tinawag na ko sa buong pangalan ko eh. Kaya shut up na ko. Magagalit na si kumander.🙊


"Hindi nyo pala kasama sina ged at marge." pag iiba ko ng topic.


"A-ah o-oo eh." ai jho. "Biglaan din kase."


Tumango tango lang ako. "Si marci pala may gf na no?" tas ngumiti ako. "Akalain mo nauna pa sya kesa sa tin."


Itinigil ni jho yung ginagawa nya at nilingon ako. Kinabahan ako kase baka di nya nagustuhan yung sinabe ko.


"W-wala akong ibig sabihin dun. Nasabe ko lang k-kase---"


"2 months pa lang sila nung girl. Management yung course, hmm....maganda sya and ang cute nila together." kwento ni jho at muling itinuloy yung ginagawa.


Nakahinga naman ako ng maluwag, kala ko maaasar sya sa sinabe ko. Buti na lang talaga good mood ang baby ko.😁


Nagkwento naman sya sa mga nangyare sa kanya or mas magandang sabihin eh tanong ko sagot nya lang ang naging tema ng usapan namen. Parang ganon na nga kase magtatanong ako about dun sa lugar, sa byahe at sa mga kasama nya eh simpleng sagot lang ang sinasabe nya. Hindi naman ako naghahangad ng detalyadong kwento sa kanya sa mga pinag gagawa nila dun pero parang nakukulangan ako sa mga kwento nya sa kin. Hindi tulad ng dati na grabe sya kung magkwento, nagagalit pa yan kung di ako nakikinig( nakakatulugan ko na kase....Noon )


Parang.....Parang ano kase eh....May kakaiba akong nafefeel nowadays. Ayoko tong nararamdaman ko, parang nag iiba na si jhoana talaga. Minsan napapaisip ako kung iniiwasan nya ba ako pero agad ko naman yun iwinawaksi sa isipan ko.


Pinawalang bahala ko na lang yung mga naobserbahan ko sa kanya, tutal malaki ang tiwala ko sa kanya at sa mga pangako nya sa kin. Kaya ko pang maghintay. Onte na lang guys.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now