31

5.8K 69 0
                                    

JHO


Maganda at masarap ang tulog ko ngayon at dahil kagabe ay official na nag kabati na kame ni beatriz, ng beh ko.At ang pinaka masaya pa nyan ay magkatabe kameng natulog kagabe! Di na nya ako pinapunta pa sa guest room nila at nag insists na dito na lang daw ako sa room nya matulog, umo-o naman ako.As if naman na matutulog talaga akong mag isa sa guest room nila,kahit na sigurong di pa kame nagbati ng damulag na yun kagabe ay di talaga ako aalis dito.

Gising na ang diwa ko pero nakapikit pa rin ako,ninanamnam ko ang pagkakahiga ko sa mabango at malambot na kama ng beh  ko.Nag iba ako ng pwesto ng pagkakahiga ko,kanina kase ay nakatagilid ako at nakatalikod ako kay beatriz kaya ng bumaling ako sa kanya( take note: still nakapikit pa rin ako mga bes ) at kinapa ko kung saan nakahiga kagabe si bea ay wala na akong makapang tao kaya napadilat ako bigla at ang bumungad sa kin ay ang maayos ng higaan neto.

Napabalikwas ako tas muling tiningnan ang hinigaan ni bea kagabe.Teka nga,ibig sabihin ba neto na pinatulog lang nya ako tas ng mapagtanto na nyang tulog na ko ay lumipat sya ng room.Sa guest room kaya sya natulog? Hindi eh! kase kaninang madaling araw ay magkayakap pa kame ng damulag na yun-----

"Good morning."

Hinanap ko kung saan galing ang boses na yun. Napadako ang mata ko sa may bathroom ng room na ito.At dali dali kong tinakpan ng palad ko ang mga mata ko tas tumalikod pa.

"Beatriz, ano ba?" ako at still nakatalikod at nakatakip ang mga mata ko.🙈🙈🙈

Narinig kong natawa ang damulag na 'to.Pano ba naman mga bes,alam ko namang galing sya sa bathroom pero di ko inaasahan na lalabas syang.....naka ano lang......naka sports bra at naka boxer! Jusmiyo!

"Ang OA ng reaction,beh ha!" si bea pa rin habang natawa. " Parang di mo pa ako nakikitang nagtu-two piece. Akala ko ba naman sanay ka na, sanay ka ng makita ang kasexy-han ko." banat ni bea kaya alam ko na talagang balik na kame sa dati.

OA ba? Ang OA ba talaga ng reaction ko? Oo madalas ko nga syang makitang naka two piece pag nag a-outing ang team at napunta kame sa beach.Dapat sanay na ko makita ang katawan netong batang eto pero bakit nga ba ako nagtakip ng mata at ngayon nakatalikod pa sa kanya?

(Bakit nga ba?)

Aba,gising ka na rin?

( Naman! so.....Anyare sa reaksyon mo sa katawan ng beh mo? )

Di ko nga rin alam eh.Ba't ba ganon ang naging reaksyon ko? 🤔
Naramdaman kong may umupo sa may likuran ko kaya nag panic ako at umusod ng bongga. Alam kong si beatriz yun at alam ko ring mang aasar na naman ang batang ito.

"Beatriz,isa!" pasigaw kong banta ng maramdaman kong umuusod sya palapit sa kin.

Tawa lang ang narinig ko sa damulag na ito at napahiga pa talaga sa bed sa sobrang tawa. "Grabe......hahahahha.....takot sa hotness ko.....hahahaha...."

Sa inis ko ay humarap ako sa kanya at kahit papano ay matitingnan ko na sya ngayon.May suot na syang short,yun nga lang ay naka sports bra pa rin ang loka,pero hamo na kesa naman yung kaninang nakita ko na nakakapang lambot ng tuhod!


Nagpagulong gulong pa sya sa bed! Ganon ba ka funny yung reaksyon ko at kung makatawa ang isang ito kala mo walang bukas! Kainis!

"Ouch!" si bea.Pinalo ko kase ang abs nya.Buti nga sayo!

"Sige,tawa pa more." ako at tumayo at lumayo ng upo sa kanya.

Umupo na rin si bea na unti unting tumitigil sa pagtawa. "Luhhh....Nabasa tuloy ang bed ko."

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now