70

4.2K 38 0
                                    

JHO


Nagising ako sa ingay ng nag aalarm na phone. Alam kong hindi sa kin yun, dahil hindi naman ako nag alarm kagabe. Panigurado, kay beatriz yun. Maaga daw kase yung alis namen at baka mapasarap ang tulog nameng dalawa at late ng magising and hindi pa naman pwede yun dahil training namen for finals yun. Ayaw nameng masermunan ng coaching staff and nakakahiya naman sa teammates namen kung mangyare yun. Kaya nga, BAWAL MA LATE.


Kahit inaantok at nananakit ang katawan ko ay pinilit kong abutin yung phone na nag iingay sa side table ng kama namen at nung makuha ko ay in-off ko na yun. Wala sa loob kong nilingon ang kabilang side ng kama at napakunot noo ako.


Wala akong katabe?!


Walang bakas ni bea ang naiwan dun. Ibig sabihin mag mula kanina eh ako lang pala ang natulog dito!?


Ibig sabihin din ba nun eh yung nang yare.....Yung ginawa namen....
ni b-beatriz......Imagination ko lang lahat ng yun!?


Napahinto ako sandali at biglang nag flashback yung "ganap" namen ni beatriz kagabe. Biglang nag init ang dalawa kong pisngi ng biglang nagsilitawan sa utak ko ng malinaw ang lahat nag naganap kagabe. Feeling ko ngayon, nagba blush ako habang nag peplay sa memory ko yung.....yung....


Mabilis kong ipinilig yung ulo ko. "Oo. Tama. Imagination ko lang yun." mariing sabe ko sa sarili ko.


Ihhh......Naman eh!.....Pero parang........pinaniniwala ko lang yung sarili ko, ban da dun.


Huminga ako ng malalim saka muli ipinilig ko ang ulo ko. Tatayo na sana ako para makapag ayos na ng sarili ko ng may gumalaw sa ilalim ng comforter. May mabigat na dumagan sa kin! Mula sa left side ng katawan ko pababa sa mga hita at binti ko. Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero may biglang yumapos sa kin ng mahigpit kasunod nun ay may narinig akong mahinang umungol at kasunod pa nun ang pangingilabot ko ng may naramdaman akong parang humihinga sa may leeg ko!


Leche! Nananaginip pa rin ba ako ngayon?! Bakit parang scene lang sa isang horror movie ang nafefeel ko ngayon?


Lakas loob kong dahan dahan ibinaba ang comforter na tumatabing sa katawan ko, hanggang sa may leeg ko at nanlake ang mata ko ng makita ko kung sino ang may kagagawan nun.....Si beatriz!


Napakunot noo at maya maya ay sinilip ko ang kabuuan ko sa ilalim ng comforter. Napanganga ako sa gulat at kasunod nun ay napa facepalm na ko.


"Bakit ko ba naisip na imagination ko lang yung nangyare!?" saka ko tinampal ng ilang ulit ang noo ko. "Tsk!.....Ano ba naman kase ang pumasok sa isipan mo, jhoana?!" Impit kong tanong sa sarili ko. "Bakit mo bang naisipan na isuko ang.....ang.....ARGH!"


Naiinis ako dahil sa kapusukan ko, bakit nagpadala ako sa init na naramdaman ko kagabe?!


Nagsisisi ba ako?


Kinapa ko sa sarili ko kung may regret akong nafefeel dahil sa nangyare sa pagitan namen ni beatriz. Pero wala. Wala akong naramdamang regret dahil ginusto ko naman na ibigay sa kanya ang lahat sa kin at dahil sobra sobra ko syang mahal.


Pinagmasdan ko na si beatriz na nakayapos sa kin ng mahigpit. Saka napabuntong hininga na lang. Dahan dahan kong inaalis ang mga braso nyang naka angkla sa katawan ko, ng magawa ko yun ay ang paghagilap naman ng mga damit ko sa lapag ang sumunod na ginawa ko.


Nagsuot muna ako ng robe dahil sa lamig, nang mapulot ko isa isa ay saka ko lang narealize na sa ming dalawa ni beatriz eh ako lang ang as in nakahubot hubad talaga. Puro sa kin lang talaga ang nakakalat sa lapag, ng lumingon ako sa kanya ay sakto namang gumalaw ito ng bahagya kaya naman natanggal ng onte yung comforter na bumabalot sa kanya. Naka sports bra pa rin ang damulag at naka boxer.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now