72

3.5K 61 25
                                    


JHO



"Hindi kaya.....Confuse ka lang talaga?"



"Confuse? Saan?" nakakunot noo kong tanong kay audrey.



Wala na kong pasok kaya maaga akong nakauwi ngayon sa dorm. Hindi na ko gumala kase wala akong gana saka sumasakit ang ulo ko sa mga isipin ko. Matutulog sana ako kaya lang di naman ako dalawin ng antok, umiikot sa isipan ko ang mga problema ko. Kelangan ko ng kausap ngayon yun nga lang nasakto namang wala sa dorm yung mga taong pwede kong hingahan netong malaki kong problema kaya chinat ko muna si audrey and eto ka video call ko sya ngayon.



Sinabe ko sa kanya ang lahat ng gumugulo ngayon sa isipan at syempre sa puso ko ngayon. Tulad ng kapatid kong si jaja, si audrey din yung nakaka alam kung anong meron sa min ni beatriz. Iilan lang sila dun sa mga pinagkatiwalaan ko sa aming open-secret relationship ng bestfriend ko---ni beatriz.



Sya rin yung nakaka alam dun sa tunay kong feelings kay nico. Kaya hindi na sya medyo gulat nung nagkwento ako about dun sa mga lihim kong date sa lalakeng yun.



"All this time confuse ka lang pala talaga dun sa feelings mo......" pabitin na sabe ni audrey.



Sumandal ako sa headboard ng kama ko at inayos ko ng mabuti ang pagkakatutok sa kin ng phone ko para magkakitaan kame ng maayos netong pinsan kong ito.



".....Feelings mo kay bea." patuloy neto.



"Huh?!" ako. "Bakit mo naman nasabe yan?"



"Baka lang kase hindi naman talaga "true love" yung nararamdaman mo kay bea. Masyado nyo lang nabigyan ng malisya yung mga pinaggagawa nyong dalawa sa isat isa. Binigyan nyo ng meaning yung pagiging sweet nyo, clingy nyo, pag aalaga nyo sa isat isa. Baka naman lahat ng mga yun ay bahagi pa rin yun bilang magbestfriend nyo tas nagkataon ding bisexual si bea kaya di mo na natansya ng maayos ang lahat....tas nagdecide na kayong may "something" kayo for each other hanggang sa nakarating na nga kayo dyan sa sitwasyong yan."



Ganon nga ba? Ganon nga ba yung mga nangyare? Hindi ko nga ba pinag isipan ng mabuti ang lahat, sumige lang ako sa agos ng mga pangyayare sa ming dalawa.



"Posible ding namimiss mo yung mga ganon. I mean, namimiss mo yung may gumagawa sayo ng mga kasweetan, nabibigyan ka ng atensyon at kung anu ano pang ginagawa ng nasa isang relasyon.....Na may boyfriend..... na naibibigay naman ni bea sayo." si audrey. "Longing ka lang dun sa feelings na yun and sa totoo lang hindi ka naman talaga inlove dyan kay bea."



Lalo akong natameme sa mga sinabeng yun ni audrey. Parang hindi ko matanggap, parang hindi naman sa ganon ang lahat sa min ni beatriz. Alam kong "meron" akong nararamdaman sa kanya pero bakit ganon? May parte sa kin na sumasang ayon sa sinabeng yun ng pinsan kong to, na baka nga naman di ko lang natansya ang lahat nung umpisa at nagkataon ding bisexual ang bestfriend ko, binigyan ko ng kulay ang dapat hindi naman sana.



"Insan, ayokong isipin mo na hindi ko gusto si bea pero kase.....May point naman si tito john eh...." parang nahihiya netong sabe. "Teh, k-kahit anong gawin nyo ni bea, hindi talaga pwede.....yung ganon...." mahina netong dugtong pero narinig ko at na gets ko yun. "Sorry, insan...."



Nag smile lang ako sa kanya ng mapait. Ayokong pilitin si audrey na intindhin kame ni bea pero di ko naman maiwasang di masaktan sa mga bagay na unti unti ng lumalantad ngayon sa harapan ko.



"Masaya ako na napapasaya ka nya, na inaalagaan ka nya, nirerespeto kahit pa nga para syang bata kung umasta, mabait kahit bully minsan. Pero yung isang bagay na talagang ipinagpapasalamat ko sa kanya ay yung naibalik nya yung dating ikaw na nawala nung mga panahong sinaktan at iniwan ka ni baham." litanya pa neto sa kabilang linya. Malungkot nya akong tinitigan. "Hindi mo ba naisip na baka....BAKA....tumatanaw ka lang ng utang na loob sa kanya? kase di ba, sya yung andyan nung mga panahong nasasaktan ka, nung panahong kelangan mo ng isang taong maiiyakan, masasandalan at mahihingahan ng mga sama ng loob mo dahil sa panlolokong ginawa sayo ni baham.....Insan, baka lang kase ganon lang lahat. Masyado ka lang malungkot at andyan sya para pasiyahin at pakiligin ka na nangyare naman. Sumige ka nung nalaman mong gusto ka nya higit pa sa pagiging mag bff nyo dahil sa gusto mong gantihan ang mga mabubuting ginawa nya sayo."



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now