54

3.9K 62 3
                                    

BEA

Nung moment na magtagpo ang mga mata namen ay bigla akong nakaramdam ng takot, takot dahil sa alam kong pagkatapos neto ay baka mawala ang lahat ng pinaghirapan ko ng ilang buwan na panunuyo kay jhoana. Gusto kong lumapit agad sa kanya at lumuhod sa harapan nya at mag sorry ng mag sorry hanggat di nya ako napapatawad.

Pero para akong nanigas sa kinatayuan ko ngayon, nanginginig din ako. Alam kong namumutla ako ngayon, panigurado yan. Huli ako sa akto mga dude, nagsinungaling na naman ako sa kanya. Pinilit kong maglakad palapit sa kanila kahit nanginginig ako, at shit lang talaga. Wala akong choice kung hindi dumaan sa pagitan nila ni jho!

Halos di ako mag angat ng tingin dahil ayokong salubungin ang mga tingin nya, Guilty ako.....Guilty ako sa pagsisinungaling kay jhoana.

"Bea, makikishare sa tin si jhoana----i mean sila ng friend nya ng table." si janna na nakangiti.

"Uh.....O-oo naman." nauutal kong sagot. Saka ko lang napansin na may kasama pala si jho, at si marci pa talaga eh no.

Kala ko ba na magpapasama sya kay deanna na maggrocery? Eh bakit si marci ngayon ang kasama nya?!

Nung nagpaalam ako kanina sa kanya ang sabe nya ay magpapasama na lang daw sya kay deanna, Eh, bakit----"

( Angal pa?.....Eh pano kung ibalik sayo ni jho yung tanong ha?......Nagsinungaling ka po sa kanya, paalala lang po.😒 )

"Upo na tayo." alok ni marci. "Jho, upo ka na rin. Punta lang ako ng counter, okay."

Kitang kita ko kung pano igiya ni marci si jho para makaupo, okay naman sana eh kaya lang di nakaligtas sa mga mata ko yung pag hawak nya sa bewang neto. Biglang nag init ang ulo ko sa nakita kong yun, ang mas ikinainis ko talaga kase ay may katagalan pa ito at itong si jhoana ay di man lang nakaramdam?

Naiwan kame tatlo,bale ang position namen ngayon ay magkatabe kame ni janna at sina marci at jho naman kaharapan namen. Wow ang galing naman di ba at kaharapan ko pa talaga si jho, ang ganda ng position namen! GRABE! GRABE!

Parehong busy sina jho at janna sa mga phone nila, kaya nakigaya rin ako kahit wala ako sa wisyo ko ngayon, panay ang sulyap ko kay jho pero di ko mahuli ang tingin neto. Halos isubsob na nya ang mukha nya sa phone nya, kung makatungo eh. Di ako mapalagay, ang awkward ng katahimikan sa aming tatlo ngayon, gusto kong magpauna ng salita or ng kwentuhan pero wala akong maisip na topic eh.

( Eh ano na lang kaya.....Hmm.....gawing topic nyo yung pagsisinungaling mo sa baby mo....ganda nyan,dude.....YARE KA TALAGA!!! Tsk! )

Shut up! tss....

Pasimple kong sinagi ng paa ko yung paa ni jho sa ilalim ng mesa namen. Napansin ko nung umpisa ay bahagya itong nagulat pero maya maya lang ay nagpatuloy ito sa kakapindut sa phone nya. Inulit ko yun at tulad kanina ay dedma ako, muli kong inulit pero this time ay wala ng makapa ang paa ko sa ilalim ng mesa, siguradong iniiwas na nya ito kaya nakaisip na naman ako ng paraan.

Nagtype ako ng message at si-nend ko yun kay jho. Alam kong nabasa nya yung message ko, kaya nagsend ulit ako pero ni isang sagot ay wala akong natanggap kahit emoticon man lang. Galit nga talaga ang baby ko kase kanina pang magkasalubong ang kilay neto.

Hanggang dumating na si marci na may dala ng food, nagsabay sabay na kameng kumain. Di ko maiwasang di mapatingin ngayon sa mga kaharapan ko na very sweet(tsss...😒) asikaso ng mabuti ni marci ang baby ko ah. Panay nga ang pabebe smile naman si jho ngayon, pero kanina kala mo di na maaayos ang pagkakasalubong ng kilay neto! Tas ngayon.......

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now