79

3.9K 62 57
                                    

MAKI



Hay! Hindi lang sampung beses na pag aaya ang ginawa ko kay bea para lang mapapayag ko ang pasaway na babaeng to. Kaloka! Wala na nga akong maisip na paraan para lang mapapayag at mapasama ko sya sa vacation trip na pinag planuhan namen ni cel.




Isang gabe lang na pagpaplano ang ginawa namen ni cel pero yung "panliligaw" namen kay bea ay inabot ng one week! Jusme! Ang hirap naman po palang ligawan ni bea. Kaya naman pala hanggang ngayon puro crush lang ang inaabot ng mga nagkakagusto sa kanya. 😁😁😁




Kung di ko pa isinangkalan yung friendship namen at tinakot ko talaga sya na kung di sya sasama sa min eh F.O na as in friendship over na talaga. Buti na lang tumalab sa kanya kase yun na lang talaga yung huling baraha ko eh. Hahahaha....




Naisipan namen kaseng magbakasyong tatlo tutal wala na kameng pasok sa school and tapos na rin naman yung volleyball season ni bea kaya nag aya na ko. Miss ko na makabonding sila ni cel eh. Matagal na kase yung huli nameng bakasyon.




Dito lang sa pinas, yun din ang gusto ni bea kaya sinunod na lang namen ni cel baka magback out pag nalaman nyang maga-out of the country kame. Kaya nagpabook na lang si cel papuntang dumaguete.




Okay naman yung pagbakasyon nameng tatlo. Masaya naman sya, kahit papano nakita nameng tumatawa si bea. Always ko ngang tinatanong kung okay sya, always din nyang sagot okay sya. Na alam naman namen parehas ni cel na na kahit andito at kasama namen sya ay hindi sya totally okay talaga at alam naman namen kung bakit.




Nakikipagtawanan at kulitan din sya pero lam mong may kulang sa mga yun. Yung ngiti nyang di na umaabot ngayon sa mga mata nya at madalas na napapatulala at minsan nahuli kong tiningnan nya yung phone nya. Simula kase nung umalis kame ay kinuha ko yung mga phone nila at inilagay ko sa isang lalagyan pati na rin yung akin. Ang balak ko kase walang gagamit ng phone habang nagbabakasyon kame. Way ko na rin ito para ilayo si bea sa mga makikita at mababasa nya sa social media. Ilalayo na muna namen sya sa mga bagay na makakapag stress sa kanya at makakapag pabroken sa kanya.





Pero sabe ko nga, nahuli kong nakuha nya yung phone nya sa pinagtataguan ko at nakita ko na naman pong nalungkot at ilang sandali na naman ay ang pagluha neto. Nilapitan ko sya na ikinabigla naman nya pero maya maya ay niyakap nya ako.




Hindi nagsalita si bea tanging ang mahina nyang pagiyak ang nagawa nya. Tiningnan ko kung ano naman yung naging dahilan para magkaganto ang isang ito.




Iniabot sa kin ni cel yung phone ni bea na nahulog na sa lapag, isang post na may kasama pang pic. Napabuntong hininga ako ng isang malupet parang gusto kong ibato yung phone eh yun mga lang di sa kin baka magalit si bea.




Ang magaling na si jho kasama yung lalakeng yun. Mukhang wala na talagang tago tago to ah. Lantaran na. Yung ngiti, yung paghawak sa bewang.....Haaiisstt!!! Naiinis ako.




Nakisama pa dun sa dalawang yun sa iisang pic sina jia and miguel tas sina ate ly at manong kiefer. Mukhang nag triple date sa golf course. Magko couple shirts pa sila oh parang pinag planuhan pa talaga.




Nakabalik kame ng manila pero sa condo ko pa rin tumuloy si bea. Nakapag paalam naman si bea sa parents nya na sa kin nga saya tutuloy. Umu-o naman si tita and binilinan lang akong bantayan si bea lalo na nasa gantong stage sya ngayon baka anong magawa neto. Nag aalala lang si tita sa kalagayan ngayon ni bea.














*PRESENT DAY*



"Hindi magandang idea na sumama pa tayo dito." pasigaw kong sabe kay cel.




Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now