1

9.8K 126 4
                                    

JHO

"HELLO GUUUUYSSS!!!"

"Nandito na naman sya."bulong ko. Napairap na lang ako ng makita ko ang pagmumukha ng taong 'to.

"Hi!!!"masaya nyang bati sa lahat. Nagsi batian ang lahat sa kanya pero ako mas pinili kong mag laro na lang sa phone ko.

"Good eve guys!"dagdag pa neto ng tuluyang makalapit sa min. Napalingon sya sa gawi ko. "Oh. Hello there!"malakas nyang bati sa kin,di ko intensyon na mag angat ng tingin pero ginawa ko kaya ayan, nakatanggap ako ng isang nakakalokong ngiti na talagang ikinainis ko. Di pa nakuntento kinindatan pa ko! Ewww!!!

"Ingay ingay. Tsss..."bulong ko tas muling umirap.

"Narinig ko yun."

Napalinga ako sa left side ko. Si mich pala.
Nasa ibaba kame ngayon ng dorm pero nasa loob pa rin kame ng eliazo. Gets nyo? Kung hindi, bahala na kayo. Peace tayo!

Dito muna ang tambay namin since wala kaming training ngayon kase may inasikaso ang coaching staff at lahat kame tinatamad gumala kaya eto kame ngayon #TEAMDORM muna! Lol!

Actually inaantay namin sina ate ly at ate amy. Sabe kase nila sila na ang bahala sa dinner namin mamaya,so it means may free food na naman kame!

"Sabe ko, narinig ko yun."si mich pa rin at umusog pa sa tabi ko. Nasa mahabang upuan kame kase at kame lang dalawa talaga ang nakaupo dito.

"Totoo naman ah. Ang ingay ingay kaya nya."sabe ko na di tumitingin sa kanya tas napanguso pa.

"Masayahing tao lang talaga sya."si mich.

"Oo nga."si ate ella tas tumabi rin sa kin pero sa kanan naman sya umupo. So ngayon, pinagitnaan na nila ako.

"Talagang ganyan si BDL----"

"BDL?"putol ko kay ate ella.

"BDL. Di mo kilala?"natatawang balik tanong ni donya sa kin. "Shortcut ng name ni bea! Nukaba?"

Kaya pala di ko alam kase sya pala yun.
"Sus. Dame kaseng arte pwede namang bea na lang,may pa BDL BDL pang nalalaman!"tas muling umirap.

Nagtawanan naman ang dalawa kaya lalo akong nainis. "Ba't feeling ko pinagtatanggol nyo sya?"

"Hahaha....obvious ba?"duet pa talaga! Langya!

Napasimangot ako ng tuluyan.
Bakit lahat na lang ng teammates namin ay gustong gusto sya? Sa company nya?
Maging ang coaching staff like sya agad. Ang dali nyang nakuha ang loob ng mga ito,pati sa team besh kuha nya agad ang "kiliti" especially kay ate den.

"Hoy girl, wag mo naman masyadong ipahalata na di mo sya feel."tukso ni michifu.

"Ah,basta. Naiinis ako sa kanya!"matigas kong sabe.

Nagulat ako ng biglang tumawa ang dalawa. As in tawa na walang bukas.
Dahil sa lakas ng tawa ng dalawa ay napatingin na sa min ang buong team. Pinag sisiko ko naman ang dalawa buti na lang nakahalata ang mga ito kaya tumigil din.

"Sorry."si ate ella tas ng peace sign sa kanila.

Nakaramdam ako ng hiya kaya binigyan ko na lang ang team ng aking signature smile. At kung minamalas ka nga naman, napatingin ako sa gawi ng "mayabang" na yun. At saktong nakatingin din pala ang loka sa kin.... No, I mean sa min pala.
At lalong ikinagulat ko at ikinataas ng balahibo ko ang sumunod na ginawa nya....... Kinindatan nya (na naman) ako!

"Nakita nyo yun?"tanong ko agad sa mga katabi ko pero paglingon ko sa dalawa ay parehong busy sa phone nila. Kaya muli kong binaling ang tingin ko sa KAPREng yun ay wala na sya dun, simpleng hinanap ng mata ko ang babaeng yun at nandoon na pala kina maddie at trey nakikipagkulitan. At tulad kanina tawa sila ng tawa.

"Baka matunaw."

Leche. Di ko napansin ang pag lapit ni jia sa min. Bahagya akong napapitlag ng magsalita sya. Pinagtawanan na naman po nila ako,may dumagdag pa.

"We're here!"masayang sabe ni ate amy ng umentra sila ni ate ly sa eliazo.

Itinaas pa nila ang dala dala nilang paper bags. Yun oh!
Buti na lang nandyan na sila.
GUTOM NA KAME!









Nasa dining area na kame at busy sa mga pagkain. Tahimik ang team halatang mga gutom at syempre dahil napakasarap ng foods namin ngayon.

"Hmm... Ang sarap talaga! Namiss ko 'to." si ate den na di na nakatiis dahil sa sobrang sarap ng foods.

"Pwede next time calderata naman." si ate mae.

"Kare-kare."si ate amy.

"Sinigang na hipon."sabat ni jia.

"Adobo!" dagdag ni ate ella

"Ay oo nga! Adobo! Di ba favorite mo yun.... Jho."sabe naman ni mich.

Kaya napatingin ang lahat sa kin na para bang naghinihintay ang pagsagot ko.
Nilunok ko muna ang nasa bibig ko. "Oo favorite ko nga. Pero eto, ang sarap sarap talaga."puri ko sa food. "Ate ly, san nyo ba binili 'to? Grabe mapapadame ang kain ko."

"Thanks to tita det."sabe ni ate ly. "Ang sarap ng chicken curry nya."

"Ay kaya pala. Si tita det ang nagluto!"masayang sabe ni Kim.

"DA best talaga si tita det!" si gizelle.

"Uhm,guys, sino si tita det?"tanong ko.

Kanina pa sila tita det ng tita det. Eh, di ko naman kilala kung sino si "tita det".

"Bagong resto ba yan?" inosente kong tanong sa kanila habang sumusubo ng food.



Nagtawanan na naman po sila. Hays.Seryoso? May nakaktawa ba sa tinanong ko? Di ba, wala naman?
May saltik ata sa brain ang mga 'to.
Sa sobrang sarap ng dinner namin nagkaganyan na sila? Aba! Di maganda 'to!

"Guy's? Problema nyo?"nagtataka Kong tanong sa team habang patuloy sa pag kain.

"Kase jho, hindi name ng resto si "tita det".sabat ni ate amy.

Yun naman pala! Di pala resto si "tita det".
Pero ba't natatawa sila sa tanong ko kanina?

"Oh, tapos? " ako pa rin habang sumandok uli ng chicken curry at inilagay sa plate ko at pasubo muli ako ng food. Sarap kase eh!

"Actually, mommy sya.........."

"......ni BEA."singit ni ate den kay ate ly.

Nang marinig ko yun ay biglang bumagal ang pagnguya ko tas automatic na napatingin ako sa kaharap ko sa hapag na walang iba kundi si bea.

Nangingiti ito habang inilalagay sa spoon nya ang food. At ng magtaas ng tingin ito ay nagkatagpo ang mga mata namin, bahagya nyang itinaas ang kutsara nya na para bang iniaalok pa 'to sa kin tas nginitian nya pa ko ng mapang asar with matching pawiggle wiggle pa ng kilay bago isinubo ang pagkain.




Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now