45

5.5K 84 5
                                    

JHO


Wala na kameng afternoon training at kanina pang tanghali natapos ang class ko kaya papunta ako ngayon sa supermarket, mamimili ako ng mga ingredients para sa baking session namen ni beatriz mamaya sa house nila. Saturday kase ngayon at uuwi kame sa kanila, doon ako muna magi-stay hanggang sunday ng hapon bago sabay kameng babalik sa eliazo ng gabe.


Palabas na ako ng eliazo ngayon ng makita ko si marci na nasa lobby ngayon, isang malapad na ngiti ang ibinigay nya sa kin ng magkita kame. Napakunot noo naman ako ng makita ko sya na kausap sina ponggay at deanna.



"Eto na pala si jhow jhow." si ponggay ng malingunan ako.


Wala na akong magawa pa kaya nilapitan ko na lang sila. "O-oh, marci, bakit andito ka?" then nag smile ako sa kanya.


"Eh di dinadalaw ka." diretsang sabe neto.


Di ako nakasagot kaya napangiti na lang ulit ako, napatingin din ako kina pongs at wong na tahimik na nakatingin lang sa min.


"Sabe kase nila na aalis ka daw ngayon, aalis ka ba talaga?" si marci.


"Ah oo." sagot ko. "Pero mag susupermarket muna ako,may bibilhin lang ako."


"Tara hatid na kita." aya neto sa kin.


"A-ano kase eh.....Uhm.....nakatawag na kase sila sa uber eh, di ba girls?" sabay baling ko kina pongs and wong.


"Hehehe.....Eh kase......" si ponggay na napapakamot sa ulo.


"Di ka nakatawag?!" si deanna at nahihiyang tumango naman si ponggay then nag peace sign sa kin.


Patay! sa isip isip ko. Si ponggay talaga!


"Ako na lang." mabilis na sabe ni marci. "Saang supermarket ba?"












"Akala ko ba ihahatid mo lang ako dito." tanong ko kay marci.


Nasa supermarket na kame ngayon at nag iikot na para maghanap ng mga kelangan ko mamaya para sa baking session namen ni beatriz sa house nila pero itong si marci ay nakasunod pa rin.


"Sasamahan na kita,baka marame kang bilhin. Para di kana mahirapang magdala ako na ang gagawa nyan mamaya." sabe nya sabay smile sa kin na halos wala ng mata ngayon. Parang si beatriz lang,nawawala ang mata pag masaya at nakangiti ng wagas.


( naisingit mo pa talaga ang wala eh 'no? )


Nasabe ko lang naman, kase pareho silang naniningkit lalo ang mata pag natawa or nakasmile.


( magkaiba kaya sila...... itong isa kase ay no feelings ka pero isa naman na wala ngayon ay dun ka may feel----)



"Shut up!"



"Huh?" si marci with questioning look on his face.


Napalakas kase ang pagsabe ko non tas saktong may sinasabe itong si marci kaya napatingin sya sa kin ngayon. Baka isipin nyang sya yung pinatutungkulan ko ng shut up,kelangan ko ng magandang palusot.


"S-shut up.....Ang mahal naman pala neto." sabe ko sabay pakita ko sa kanya ng hawak hawak kong bote ng wine. "Sensya na,ha. Napapasabe kase ako ng "shut up" pag nagugulat ako eh, imbes na mapamura ako ay yun ang nasasabe ko."


"Ahhh.....kala ko kase, pina tatahimik mo na ako." si marci tas napakamot sa ulo nya. "Sabihin mo sa kin pag naiirita ka na sa kadaldalan ko ha, baka di ka na natutuwa sa kin eh."


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now