75 (Sa bingit ng isang paalam)

3.5K 76 49
                                    

AN:

Sa mga naghihintay ng UD ko dyan, Oh eto na po.
Sorry natagalan.✌✌✌
Sana nabigyan ko ng justice tong chapter na to. Uy! kay hirap po!😥











BEA



"Pag sinabe kong na kina maki lang ako, andun lang talaga ako. Pag sinabe kong kaibigan lang ang kasama ko, KAIBIGAN ko lang talaga. Hindi ko ugaling gumawa ng kung anu anong alibi at gumamit ng ibang tao para paniwalaan lang ako." diretso sa matang sabe ko sa kanya.


"Ano?" si jho na napakunot noo sa kin.



Tumingin ako sa ibang direksyon. "Nevermind."



Saka ko sya iniwan sa kinatatayuan nya. Isasauli ko na sa storage room yung mga ginamit namen kanina sa training. Tulak tulak ko na yung cart pero napahinto ako ng humarang sa dadaanan ko si jho. Nag iba ako ng direksyon pero sinundan lang nya ako tas muling humarang dun.


"Jho, ano ba?" naiirita kong sabe sa kanya. "Gusto ko na ring magpahinga kaya. Pagod din ako, masakit pa ang ulo ko---"


"Ahh, masakit ang ulo mo?" si jho na napatango tango pa. "Sino ba kaseng may sabeng uminom ka ngayon? Wala naman di ba? Ang lakas ng loob mong lumaklak ng alak, alam mo namang may training tayo for the uaap finals di ba? Kagaleng mo naman ban da dyan, De leon." napa cross arm pa ngayon sa harapan ko.



Napailing na lang ako muling nag iba ng daan pero ayaw talaga akong tantanan ng babaeng ito. Nakasunod pa rin sya.


"Sarap uminom no?" sarcastic na tanong pa nya. "Lalong masarap pag may kasama ka, may KAHARUTAN ka." lumapit pa sya ng onte sa kin. "Nag enjoy ka? Masaya ka?" tas biglang sumeryoso ang itsura nya. "Masaya ka sa kaharutan mo? Enjoy na enjoy ka sa babae mo!" si jho na kala mo hinahigh blood ngayon. "Sino yung babae mo?!"


Kumunot ang noo ko sa kanya ng marinig ko na naman yun. Hindi ko na lang pinansin, magaaksaya lang ako ng laway dahil katapos tapusin eh hindi rin naman nya ako paniniwalaan. Nilagpasan ko na lang sya, nakakasawa ng sumagot sa mga tanong nyang mapaghinala.



"Beatriz!" tawag nya sa kin pero hindi ko na inintindi yun, dinedma ko na lang yun at napatuloy sa pagtulak ng cart papunta sa storage room.


Pero sadyang makulit ang isang ito, sinundan nya pa ko at bigla na namang humarang sa daraanan ko.


"Ano ba?!" si jho na halatang nabubwiset na. At dahil pursigidong makausap ako kaya muli syang humarang sa dadaanan ko.


"Ano ka rin ba?!" balik ko sa kanya. "Ilang beses ko ng sinagot yang tanong mong yan,ah. Paulit ulit na lang."


"Sumagot ka kase ng maayos." pagalit na sabe ni jho.


"Sinasagot naman kita ng maayos ah." sagot ko. "Para na nga akong pirated cd na paulit ulit na lang. Pero sige. Uulitin ko sayo." at diretso sa kanyang mga mata ako tumingin sa kanya. "Wala akong iba. Wala akong ibang babae."


Para namang hindi nakumbinsi ang isang ito sa paulit ulit na sagot ko sa mapaghinala nyang tanong.


"Masisisi mo ba ako?" biglang sabe ni jho.


Tama nga ako. Hindi nga sya naniwala sa mga pinag sasasagot ko sa kanya.


"My god!" ako at napasapo na lang ako sa noo ko. "Ano na naman ba to?"


"Masisisi mo ba ako kung maghinala ako sayo?" hindi na nya nalintana yung reklamo ko at nagpatuloy pa rin sya. "Minsan mo ng nagawa sa kin kaya pwedeng gawin mo ulit..... Pare parehas na lang kayo...." saka umirap sa kin.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now