82 (beaddie moments)

2.8K 49 11
                                    


MADDIE


"Ayoko." tipid na sagot ni bea sa kin. Tas tumagilid sa kin at nagtakip ng unan sa mukha.


Nasa room ako ni bea sa bahay nila. Kinukulit ko syang lumabas, nagpapasama kase ako sa kanya na gumala. Pero ayaw talaga ng damulag na itong tumayo man lang sa pagkakahiga sa kama nya.


"Sige na bei." pinalambing ko pa ang boses ko. Di pa ako nakuntento kaya umupo ako kung san sya nakabaling at kinalabit ko sya. "Samahan mo naman ako."


"Ayoko nga mads." si bea na di man lang ako tiningnan.


"Di ka ba naaawa sa kin?" ako. "Mag isa lang ako aalis. Pano na lang pag mangyare sa kin? Pag nabastos ako?"


"Sa taray mong yan? Kayang kaya mo yung babastos sayo." si bea na nakasubsob pa rin sa kama nya at nakatakip pa rin ang unan sa mukha. "At saka marunong ka naman ng wushu eh. Kayang kaya mo ang sarili mo."


Nahampas ko tuloy ang braso ni bea sa sinabe nyang yun. "Ang sama mo!"


Sa paghampas ko sa braso nya ay napa alis ang pagkakatakip ng unan nya sa mukha. "Aray ha." si bea at sinamaan ako ng tingin.


"Ang bad mo kase." ako at nagpout sa kanya. "Wala ka talagang pakelam sa kin kahit mabastos ako?" na may halong pagtatampo ang boses.


Itinukod ni bea ang isang siko neto sa higaan nya at ang mannerism nyang paghawi ng buhok nya ay muli kong nakita ngayon.  Hindi ko alam pero ang hot nyang tingnan pag ginagawa nyang yun. Napatulala na lang ako sa kanya at hindi ko namalayan na nakasandal na pala sya sa headboard ng kama nya. Kung di pa nag snap ng fingers nya sa harapan ko.


"Uulitin ko na lang kase mukhang natulala ka sa kin." si bea.


At sa tinurang yun ni bea ay naramdaman kong nag init ang mga pisngi ko. Alam kong pinamulahan ako ng mukha. At alam kong wala lang yun sa kanya. Ganon naman talaga sya madalas may banat sya sa mga sinasabe nya. Ikaw na lang ang magtatansya kung seseryosohin mo o hindi.


"Bat ako ang napagtripan mong bulabugin ha?" seryosong tanong neto sa kin.


"Duh...Alangan naman si kat? Eh nasa canada pa yun?" mabilis kong sagot. " Si deans nasa cebu pa. Si ponggay nasa bakasyon pa rin---"


"Isa pa yan." putol ni bea sa kin. "Bakasyon pa naten ah. Bakit ang aga mo yatang bumalik ng manila?"


Oo nga. Bakasyon pa nga namen hanggang ngayon pero maaga kong pinutol ang pagbabakasyon ko, panay ang sumbong ni tita det sa kin. Nagpapatulong sya. Natatakot daw si tita, ibang bea na daw kase ang nakikita nya. Naging tahimik na daw ito, mainitin ang ulo at ngayon daw ay di na nalabas ng room nya.


Hindi daw alam ni tita kung pano approach ang gagawin nya para makausap si bea. Mahina ang loob ni tita pagdating sa mga ganto. Kaya hinahayaan nya si tito elmer at kay tito lang rin nakikinig si bea. Yun nga lang nasa bussiness trip pa rin ito hanggang ngayon.


Hindi ko mahindian si tita ng magsabe ito sa kin. Wala rin kase sina maki at cel ngayon, parehong out of the country ang bakasyon nung dalawa. Gusto kong matulungan si tita at syempre miss ko na rin ang babaeng yun. Di kase nasagot yun sa mga chat at text ko sa kanya kaya nga nag alala rin ako nung malaman ko ang mga nangyayare sa kanya.


Nag alibi na lang ako kay mama na kesyo maagang pinatatawag ang buong team para makapagtraining na. Sabe ko nagpatawag na ang coaching staff dahil may off season kameng competition kameng sasalihan. Buti na lang naniwala si mama kaya eto ako ngayon nasa de leon residence at nasa loob mismo ng room ng pasaway na damulag na to.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now