64

4.2K 58 1
                                    

BEA

Napabalik akong bigla ng maramdaman kong di ko na kasunod si jhoana at ang sumunod na nakita ko ang nakapag pawala ng amats sa kin. Mahigpit na hawak ng ogag na yun si jho na nagpupumiglas  na, sinampal naman ni jho ang bastos na yun pero ang di ko kakayanin ay gagantihan nya pa ito.

Nakita kong inaambahan na neto si jhoana at bago pa man yun lumanding sa mahal ko eh nag ala-flash ako sa bilis para makapunta agad ako dun. Nang makalapit ako ay wala akong sinayang na sandali at hinawakan ko rin ng mahigpit ang kamay netong gaganti kay jho.

Di ko hahayaang saktan ng iba ang babaeng halos sambahin ko na, mapapisikal man yan or emotional.Di baleng ako na lang ang saktan, wag lang si jhoana.

"Subukan mo...." mariin kong sabe sa ogag neto at pinanlisikan ko rin ng tingin ito. "Subukan mong padapuin yan sa  girlfriend ko. Sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa unggoy."

Gulat itong napatingin sa kamay kong mahigpit na hinawakan ang kamay netong naka amba na kay jhoana at saka nya ako nilingon.

"Anong sabe mo?!" takang tanong neto. "Girlfriend!?!"

Napasmirk ako. "Oo. GIRLFRIEND." proud kong sabe.

"L-lesbian ka!?!"

"At ikaw naman BAKLA." mabilis kong counter. Wala akong balak na ipaliwanag ang sarili ko sa ogag na to.

Saka ko sya itinulak ng ubod ng lakas para malayo kay jhoana, tumilapon naman to sa mga kasamahan yata neto. Halatang lango na ito kase nahirapan na itong tumayo na inalalayan pa ng mga kasama nya. Nang makatayo ay saka syang  nagpumiglas sa mga nakahawak sa kanya.

"Bitawan nyo ko!" galit na sabe neto kaya binitiwan naman sya. "At sinong bakla?! huh?!"

"Sino ba ang kaharap ko ngayon?" balik tanong ko sa kanya.

Umugong ang katyawan sa paligid, nakaka agaw pansin na kame sa tao dito sa club.

"Iba din ang tabas ng dila mo ah. Baka di mo kilala itong binabangga mo?" maangas na sabe neto.

"Wala akong pakelam kung sino ka man......" saka ako humarang para itago si jhoana. "Unggoy ka...." saka ako ngumisi sa kanya ng mapang asar.

Feeling ko lalong nagpuyos sa galit ang ogag na ito lalo pa at pinagtawanan sya ng mga taong nakakita sa ginawa kong pag tulak sa kanya at dagdagan pa ng sinabe ko sa kanya. Lalong namula at napatiim bagang pa nga ito. Isang dipa lang ang layo neto sa kin, nanlilisik ang mata netong nakatingin sa kin at parang gustung gusto makaganti.

"Beatriz, awat na!" mariin na bulong sa kin ni jho na nasa likuran ko lang. "Tayo na, umuwi na tayo."  saka hinawakan ako sa braso.

"Kala mo ba hindi ako pumapatol sa tulad mo?!" singhal neto sa kin. "Ang yabang neto. Hoy! Babae ka lang!"

"Wag mo ng patulan pa." muling bulong sa kin ni jho.

Hinawakan na ni jhoana ang kamay kong nakakuyom na dahil sa pagkapikon ko sa huling sinabe ng ogag na to. Tumingin ako kay jho na nakiki usap ang mga mata netong lumayo na kame, humugot ako ng malalim na hininga, pilit kong pina pakalma ang sarili ko. Unti unti kong ibinukas ang palad kong nakakuyom na mabilis naman na pinagsalikop ni jho yun sa kanyang palad.

Alam kong inilalayo lang ako ni jho sa gulo at naiintindihan ko yun, nag aalala lang sya sa pwedeng mangyare. Tumango ako at tumalikod na kame para umalis na, di pa man din kame nakakapaglakad ng magsalita na naman ang bastos/hambog na lalakeng yun.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now