35

5.7K 82 2
                                    


JHO

Good news mga bes!
Official national volleyball player na ko!😁
Ipinalit kase ako dun sa isang player na na-injured.Masaya at kahit ilang weeks na akong nakakasama nila ay parang nasa cloud 9 pa rin ako hanggang ngayon.

Pero parang ngayong araw ay may magbabasag ng magandang feeling ko na yun. Actually simula pa lang kaninang umaga ay medyo di na maganda ang araw ko.

Kagigising ko lang tas maaabutan kong may masayang naghaharutan sa sala ng dorm, dumaan na nga ako sa harapan nila pero parang di man lang ako nakita.Ang tinutukoy ko ay sina maddie at beatriz. Tas kanina, di pa kame natapos mag almusal ay may maaga na kameng "mga" bisita. Ang Ravena brothers.Syempre alam na kung bakit andito si manong kiefer at may dala pang food "for us" daw pero alam naman ng team kung para talaga kanino yung dala nyang food. Kahit ang aga ng panliligaw ni manong kay ate ly ay understandable naman pero si thirdy.......Parang ang hirap paniwalaan yung sabe nya sa min na nagpasama/sumabit lang sya sa kuya nya para may kasama itong magdala ng foods.

Eh,isang medium size na tupperware lang na may laman na mac and cheese na gawa daw ni tita moozy at para "daw" sa buong team. Kaya kantyaw ang inabot ni thirdy sa min(sa kanila lang pala) Ito namang s de leon ay panay lang ang tawa at nakikikantyaw din. Di ba neto alam na sila nga ni thirdy ang tinutukso ng team. Tsk! Tsk! Tsk!

Then, nung hapon sabe ng damulag na yun ay susunduin daw nya ako sa dorm at sabay daw kameng pupunta BEG pero mga bes, halos abutin na ko ng pagka-late dahil sa kahihintay sa babaeng yun tas ite-text lang nya ako na di na daw nya ako masusundo kase nasa byahe pa rin daw sya. Syempre, ayokong ma-late sa training namen para sa U23 ay umalis na lang ako at halos patakbo na ang gawin ko para makarating lang sa BEG.

Mej hinihingal at parang nag marathon ang peg ko dahil pawis na pawis na ko di pa man nagsisimula yung training namen. Halos kompleto na kame ng makarating ako,nakita ko na rin sina coach roger at si bundit na nag uusap sa isang tabe ng gym.(sanib pwersa ang peg ng dalawa,hehehehe✌) Sila kase ang napiling mag coach ng national team,si coach roger ang headcoach habang si bundit ay conditioning coach.

Naglalagay na ko ng kneepads ko ng marinig ko ang masayang pagbati ni EJ sa min kaya napaangat ako ng tingin sa gawi nya.
Napataas ang kilay ko ng mahagip ng mata ko yung kasunuran nya, Si beatriz, na nagmamadaling pumasok sa gym na may nakasukbit na gym bag sa magkabilaang balikat nya.

"Hi jhow." ang lapad ng ngiti ni EJ ah! tsss.....

Isang napaka energetic na EJ Laure ang tumabe sa kin kaya tipid ko din syang nginitian.Baka sabihin nyang ang suplada ko at di ko man lang sya pinansin,ayokong isipan nyang di ako nagmamaldita ako which is di naman totoo.....kaya lang minsan nakakapagtaray ako sa kanya lalo na at di ko nagugustuhan kung pano sila ni bea.

(Bakit? Ano ba sila?)

Ba! Malay ko sa nga yun! Sila kaya tanungin mo 'no!

(Ay! ang init ng ulo ng jho-sa nyo!)

"Bea! Dito!" si ej tas kinampayan nya pa ito. " Ang bagal mo naman!"

"Eh, ikaw kaya magbuhat ng dalawang gym bag!" si bea ng makalapit sa min sabay baba ng dalawang bag.

"Sorry naman,bei." pabebe nyang sabe sabay tawa.

Narinig kong natawa rin si bea, pero ako? Hindi! Naiinis ako! Sobra akong naiinis! Tahimik lang ako dito sa isang tabe at di ko sila tinatapunan ng kagit sulyap man lang.Parang gusto ko ng umalis dito kase feeling ko magiging panabla ba naman ako sa dalawang eto tutal tapos na ko na ring isuot yung kneepads ko, pwede na akong um-exit.

"Hi beh!" si bea tas tumabe sa kin sabay akbay. "Kanina ka pa dito." tas tiningnan ako.

Walang emosyon ko rin syang tiningnan.Sana mahalata ng damulag na to na naiinis ako sa kanya.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now