5

5.9K 73 0
                                    

BEA

Hays! Kapagod!
Napasalampak na lang kame sa floor sa sobrang pagod.
Ramdam na ramdam namin ang pressence ni coach tai! Grabe!
Halatang na-miss nya kame. Super ang "lupet" nya sa min ngayon! Okay lang yun, kase sasali ang team sa SVL. Dito mate-test ang chemistry ng team kasama kaming mga rookies. Kaya todo ang pagte-training namin.

"Wala ba kayong morning class ngayon?"tanong ni Ana.

Katatapos lang ng morning training namin at karamihan sa teammates ko ay nagmamadali na kase meron silang klase at mga late na sila.
Pano ba naman late na rin kame dinismiss ni bundit?
Buti na lang ako mamaya pang 11:00am class ko. Kaya chillax muna ako! Hehehe...

Humiga na ko sa lapag.
"11:00 pa class ko."sagot ko kay Ana. "Ewan ko sa mga 'to."sabay turo kina Jamie, gizelle,trey at Kim.

"10:00 pa kame ni Kim."si gizelle.

"11:00 pa ko, di ba bei?"sagot naman ni trey.
Nagkibit balikat lang ako at ninamnam ang pagkakahiga ko. Sakit kase ng likod ko!

"Wala akong class ngayon!"masayang sabe naman ni Jamie.

"AW! Buti ka pa!"sabay sabay nilang sabe.

Nagtsismisan pa sila kaya tumayo na lang ako. Walang kwenta pinaguusapan nila. Mga adik sa k-pop at k-drama! Geez!

Tumungo ako sa shower room ng gym.
Maliligo na nga lang ako kesa makinig sa mga kinaaadikan nila.
Papasok na sana ako ng may narinig akong naguusap sa cr, kaya di na ko tumuloy.

"Sa dorm na nga lang ako."bulong ko.
Paalis na ko ng marinig ko ang name ni.....
JHO. Naging interesado tuloy ako.
Nanatili ako sa pwesto ko sa likod ng pinto ng shower room na bahagya namang naka bukas. (Ba't ang hilig mo sa likod ng pinto magtago?) Umatake na naman si pakelamerong utak. Pake mo ba?

"Will you just stop! For Pete's sake! Maawa ka nga sa sarili mo, jhoana!"

Parang boses yun ni ate ella. Pasimple akong sumilip sa loob pero tanging likod lang ang nakita ko. Pero sure akong si ate ella yun tas binanggit pa nya name ni jho.
JHOANA LOUISSE MARAGUINOT. Ang full name ni "negra".(wow. Lam talaga,ha.)
Shut up,utak!

"Magtira ka naman sa sarili mo."
I think boses yun ni Mich.

"Oo nga naman, bes. Hayaan mo na sya."
Si jia? Nandito rin si jia? Aba't--- wala kayang mga klase 'to? Anong oras na nakababad sa shower room at di pa sila nalabas? Di tuloy ako makagamit. Tsk!

"Nasasabe nyo yan kase di naman kayo ang nasaktan."mahinang sagot ni jho?

Boses din yun ni maraguinot. Hay nubayan? Di kase umalis yung malapad na nilalang na tumatabing. Di ko tuloy makumpirma kung si jho nga yung huling nagsalita.
Para namang narinig ng "chubby"na yun ang reklamo ko kaya umalis na ito sa kinatatayuan nya kanina lang.

At tama nga ang hinala ko. Kumpirmado! Si jho nga yun! At sina jia, mich at syempre si donya nga yung malapad ay este yung "chubby" na humaharang sa pagtingin ko!
Nakatayo lang si jho tas naka sandal sa pader ng shower room,bahagya pa itong nakatungo habang nilalaro ang daliri nya.
Sina jia at mich naman ay nakatayo rin sa left side ni jho habang nakatingin lang sa kanya. Si donya ella ang nasa kanan lang ni jho, naka pameywang pa ito.

"Bes, hayaan nyo muna ako----"

"Anong hayaan ka muna?"putol ng donya kay "negra". "Aba! Kung hahayaan ka namin, mawiwili kang tuluyan! Naku! Maraguinot, kilala ka na namin 'no!"pasigaw na si ate ells. Halatang naiinis na sya. Namumula na eh.

"Kahit ngayon lang?"sabe ni jho na nanatiling nakatungo lang.

"At saan ka naman pupunta?"si jia na kalmado pa rin.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now