9

5.2K 66 2
                                    

JHO

Exact 1 month na mula nung mag cool off kame. Oo. Cool off .Cool off ang tawag ko dun. Ayaw ko isiping breakup  ang nangyare sa min.
Kahit na ang gusto nya ay breakup talaga.
Sya lang naman ang may gusto non,pero di ako pumayag.Ayaw ko nga!

Masyado ko syang mahal para pakawalan ko.Selfish na kung selfish!Pero ayaw ko syang mawala.Ayokong sayangin ang higit apat na taon na pagmamahalan namin.

Di naman naging perpekto ang love story namin.May mga selosan,tampuhan,na di naman maiiwasan.Bihira din ang masasabe kong away talaga pero naaayos din namin,basta nakapagpalamig na kame ng init ng ulo.Di namin matiis ang isat isa............DATI.

Kaya nga lutang ako netong mga nakaraang linggo kase pilit kong iniisip kung saan ba ako nagkamali or nagkulang ba ako?
Inip na inip akong hintayin ang araw na 'to kase ito yung deadline na hiningi ko sa kanya para makapagisip kame.....Sya.
Oo.Sya lang,Kase ako,alam ko kung ano ang gusto ko.

AYOKONG MABASURA ANG LAHAT.
AYOKO SYANG MAWALA.
MAHAL NA MAHAL KO SYA.

Kinakabahan ako habang naglalakad papalapit sa inuupahan nyang apartment.
Dinala na rin nya kase ako dito noon.Bale pinakita lang nya sa kin yung bago nyang place kase dati nag be-bedspace lang sya,
Mabuti na rin ito may privacy sya.

Going back to the topic.
Nandito na ko sa harap ng  gate.Nagaalangan ako kung magdo-doorbell pa ba ako o hindi na?
Mas pinili kong wag na.Di naman na kailangan kase ginagawa ko naman ito "noon" at di naman big deal sa kanya.

( "noon" nga di ba? "noon" yun pero ngayon......)

Shut up! Di ka nakakatulong.
Pati ba naman utak ko di pabor sa ginagawa ko?
Sinusunod ko lang kung ano ang tama!
Mali ba yun?

( Oo.Mali kase para ka ng tanga dyan.)

Shhhhh.....andame mong alam!

Kakatok na sana ako ng biglang magbukas ang pinto.

"Hi?"ako.

"A-ah....H-hi." Alanganin na bati rin neto sa kin.

Kung nagtataka kayo kung sino yung kausap ko.Si Jared yun,barkada ng boyfriend ko.Magkakilala na kame matagal na rin.Pero pansin ko lang parang nagulat pa yata(?) sya sa kin.

"Pre, tara na----Louisse?" gulat din sya oh.

Isang malapad at napakatamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Hello. Aalis kayo?"

Nagkatinginan muna ang dalawa at pansin kong sumenyas si jared sa kanya pero kunware wala akong nakita.

"A-ah....Oo eh.May ano kase eh...."

Sige ipahalata mong magsisinungaling ka.

"May group project kame kase at.....at ano.....late na nga kame eh."pagsisinugaling nya.Alam kong alibi nya lang yun.Tsss....

Natango ako. "Baka naman pwede tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.

"Di pwede eh." Agad netong sagot.

"One month na tayong di nakakapag usap kaya nagbaka sakali ako na ngayon pwede na."ako. "kahit sandali lang-----"

"sa ibang araw na lang kaya kase alam mo nagmamadali talaga kame,di ba pre?"putol nya sa kin.

"please lang.Kahit kalahating oras lang.Kailangan naten i-ayos ang lahat." pagmamakaawa ko sa kanya.

"pero---"

"alam mo,pre,siguro mauuna na ko sayo.Ako ng bahala magpaliwanag sa kanila sabihin ko na lang na male-late ka ng konte."si jared tas tinapik ito sa balikat at may ibinulong. "Ayusin mo na yan ,pre."

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now