63

4.2K 71 21
                                    


BEA

"Wala ka talagang balak na sagutin yan no?" si maki ng umusod palapit sa kin at umusyoso sa phone ko.

Di ako sumagot sa halip ay tumungga akong muli ng beer. Nasa isang high end club kame ngayon at ako ang nag aya sa kanya na pumunta dito, dapat kasama namen si cel kaya lang huminde sya may report daw sya bukas.

Muling nag ring ang phone ko pero tulad kanina eh tiningnan ko lang at hinayaan kong lang mag end ang call. Pagkatapos nun ay itinabe kong muli.

"May LQ kayo no?" si maki pa rin sabay tungga rin ng kanyang beer. "Sige na, you make kwento na, mamaya nyan di na kita makausap ng maayos."

Tumungga muli ako at pagkatapos nun napabuntong hininga. "Maks, sa tingin mo, nakakasakal na ba ako?"

"Hmm....Bilang friend mo, hindi naman. Pero bilang lover?......Di ko sure." sagot naman nya. "Yan ba nag pinag awayan nyo ni jho?"

Nakatitig lang ako sa boteng nasa mesa na hawak ko at pinaglalaruan ko. "Nagkasagutan kame and 5days na kameng di nagpapansinan eh."

"5 days na!?" gulat na sabe neto sa kin na tinanguan ko naman. "Ang taas naman ng pride nyong dalawa! Tsk, di maganda yan, teh."

Napangiwi ako matapos kong simutin ang natirang beer sa bote ko, gumuhit sa lalamunan ko ang pait neto.  "Alam ko naman yun maks, kaya lang kase....." tiningnan ko sya. "Ako na lang ba lage? I mean..... ako na lang ba ang lageng magpapakumbaba sa kanya? Always na lang pag may small fights kameng dalawa ako na lang ang lageng naglalambing para magkabati kame maski sya naman yung na unang magalit sa kin? Pag nagseselos sya, di na ko kinikibo, masyado nyang pinahahalata ang pagiging cold nya sa kin tas pag ako naman ang nagseselos......" napabuntong hininga na naman ako at napailing na lang.



*Flashback*

"Beatriz!"

Narinig kong tawag nya sa kin pero nagpatuloy lang ako sa paglakad, nakalabas na ko ng hall at papunta na ko sa pinag parkingan ko ng maabutan nya ako. Hinawakan nya ang braso ko at pinaharap sa kanya.

"Magpapaliwanag ako." si jho na hinihingal sa pag habol sa kin.

"Hindi na kelangan, sapat na yung nakita ko." mariin kong sabe at muli ko syang iniwan at naglakad palayo sa kanya.

"Wait lang." narinig kong sabe ni jho.

Alam kong hahabulin nya ako at tama nga ako, kasabayan na nya ako ngayon sa paglalakad. Salita sya ng salita pero di ko sya pinapansin patuloy lang ako sa paglalakad, hanggang narating ko na ang kotse ko, di ko pa nabubuksan yun ng pahablot nya akong pinaharap sa kanya.

"Aray, ano ba!?!" nakunot noo kong sabe kase nakalmot nya ang braso ko.

"Wait lang kase di ba, kanina pa ako salita ng salita dito pero parang wala kang naririnig." humarang naman sya agad sa pinto ng sasakyan ko at para bang naiinis ang tono ng pagsasalita neto.

Napakunot noo naman ako, sya pa talaga ngayon ang may ganang mainis!? Tss.....

"Y-yung nakita mo kanina---"

"Wala akong pakelam kung magyakapan man kayo ng LALAKE mo or what, kahit maghapon or magdamag nyo pang gawin yun eh. Pakasaya kayo." sarcastic kong sabe.

Tinabig ko sya ng bahagya para magkaroon ako ng way para mabuksan ko ang kotse ko. Nang magawa ko yun at agad akong pumasok sa loob, ang balak ko eh iwan si jhoana dito pero kaka-start ko pa lang engine ko ng biglang pumasok sa passenger seat si jho.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now