49

4.7K 121 51
                                    

  

BEA



Hinahabol ko ang paghinga ko ng huminto ako sa pagtakbo. Naka ilang laps na ba ako? 10 laps? 15? 20?  Di ako sure kung nakailan na nga ba ako basta kanina pa akong natakbo dito sa moro. Kelangan ko itong gawin para mabawasan yung nararamdaman kong sakit......



Sakit sa puso na dulot ng lihim kong pagmamahal sa bestfriend ko na STRAIGHT at kelan man ay HINDI papatol sa mga TULAD KO. Wow! Ang sakit naman ng realidad! Ang sarap mag mura ng mag mura. Bakit naman sa lahat na pwede akong mainlove, sa bestfriend ko pa? Bakit kay jhoana pa?



Takbo ulit ako kase naalala ko naman sya at lalo lang akong nasasaktan. Takbo lang ng takbo, magpakapagod para pagbalik sa dorm ay tuloy tulog na lang. Binilisan ng binilisan  ko ang pagtakbo, mas mabilis mas maganda! Mas pagod, mas masaya! Mas hingal para di ko maramdaman yung sakit.



Nang magsawa/ mapagod ng bongga ay bumalik na ako ng dorm, pagkapasok ko ay nakabukas na ang ilaw dito sa sala. Nag palinga linga pa ako baka kase andito na sya.



"Stop it bea," saway ko sa sarili ko.  "Kung sakali mang andito na sya sigurado akong nagpapahinga na yun ngayon." tas mapait na napangiti.



Pumasok na akong tuluyan, pabagsak akong sa sofa. Dito muna ako, ayokong munang umakyat kase makikita ko yung room nya na katapatan lang ng room ko,baka kase di ko mapigilan ang sarili kong silipin sya.




Napabuntong hininga ako saka napasandal na lang sa sofa habang nakatulala lang. Di na ako ganong hinihingal ngayon, yun nga lang yung tibok ng puso ko ay malakas pa rin at mabilis gawa nga ng pagtakbo ko kanina sa moro.



"Ano kayang reaction nya nung nakita nya ang room nya?" tanong ko kay self. "Hay naku bea, syempre nagulat yun,kaya lang mas nag enjoy sya kasama yung suitor nya." tas napatawa ng mapait. Napahawak ako sa ulo ko ng thoughts na yun, sinabunutan ko pa nga ang sarili ko. "Bakit ba kase ang tanga mo? Ang tanga tanga mo bea!"



"Beatriz!....."



Napalingon ako sa may pintuan ng dorm at nakita ko nga si jho na nakatayo doon ng magtama ang mga mata namen ay ako na mismo ang umiwas, tumungo ako para di kame magkasalubangan ng tingin. Naramdaman ko ang paglapit nya sa kin pero nanatili akong nakayuko, ayokong magtama kame ng tingin baka kase maiyak ako sa katangahan ko.




"Anyare ba sayo? Kanina pa kita tinatawagan pero di ka nasagot---" halata sa boses neto ang pag aalala.



"Nasira phone ko." putol ko sa kanya na di pa rin sya tinitingnan.



"Yun na nga eh." si jho tas maya maya ay kinakalabit nya ako gamit yung phone kong basag.



Saka pa lamang ako nag angat ng tingin. Nakita ko na naman yung  isang katangahan ko pang ginawa kanina lang, nalungkot tuloy ako ng makita kong as in basag na basag yung phone ko.😭



"May nangyare ba?" si jho.



Sasabihin ko bang dahil sa kanya kaya nabasag yung phone ko, dahil sa nagseselos ako kase si marci yung kasama nya ngayong birthday nya at hindi ako. Mas napaboran nyang puntahan yung pabirthday surprised sa kanya ni marci kesa yung inihanda ko para sa kanya. Gustung gusto kong sabihin yun sa kanya pero nanatiling tikom ang bibig ko at nakatitig lang sa kanya.




Napansin kong napakunot noo si jho. "Ba't pawis na pawis ka? San ka ba nagpupupunta? ha?" nasa tono neto ang pag aalala. Dyan ka lang kukuha lang ako ng towel para makapagpunas ka." si jho na umakyat na sa taas. Di rin nagtagal ay nakababa na ito na may dalang towel. Umupo sya sa tabe ko at pinaharap nya ako sa kanya. "San ka ba nagpunta? Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?" si jho na panay na ang punas sa buong mukha ko. "Hinanap na nga kita eh."



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now