84

2.8K 54 20
                                    

JHO





Wala akong sa mood na lumabas sa building kung san ang last class ko for today. Ewan ko kung dahil ba sa period ko kaya ganto ang mood ko ngayon o dahil sa nalaman kong wala na naman si beatriz sa ilang subjects nya.






May nakakarating na balita sa kin na di nga nagpapapasok sa ilang subjects ang babaeng yun. Di naman direktang may nagsasabe pero may nauulinigan ako. Nakompirma pa yun ng tumawag sa kin si kim para hanapin si bea.








Ayokong isipin na ng dahil sa aming sitwasyon ngayon nagkakaganyan amg babaeng yun. Pero dahil di naman sya ganyan dati kaya masasabe ko ngang dahil ito sa kin. Sa kagagawan ko.








Kanina pa akong kating kati tawagan si bea at tanungin kung asan na sya ngayon. Actually, kanina pang nasa klase ako pasilip silip na ko sa phone ko.
Ngayon ngang tapos na ang klase ko, nagdadalawang isip naman ako ngayon na itxt o tawagan sya.








Nahihiya ako.








Napagpasyahan ko na lang na makikibalita na nga lang ako kina kim at deanna kung asan na ngayon ni bea. Nagmadali akong lumabas ng building at patakbong lakad na ang ginagawa ko ngayon, pupuntahan ko muna si jules, nasa cafeteria ito ngayon sabe nya sa txt nya sa kin kanina lang.








"Love!"








Napahinto ako at nilingon ko ang boses na yun. Si nico, naka pants at white shirt saka cap ito. Usual na get up nya. Lumapit ito sa kin na may napakalaking ngiti sa labe.








Hinintay ko syang makalapit sa kin. Binigyan ko rin sya ng isang ngiti.....Pilit na ngiti.








"Okay sige." si nico at sumunod sya nung papalabas na ko.







Nauna akong maglakad sa kanya papuntang sa may salaming pinto ng greenwich. Kala ko kasunod ko pa sya pero paglingon ko wala naman sya dun. Hinanap ng mata ko ang lalakeng yun.







"Maddie!"







Paktay na! Naisaloob ko.







Iiwasan ko na sana pero nakita naman ni nico. Ay nakooo. Sinundan ko ng tingin at ayun nga lumapit pa talaga ang lalakeng to sa kanila.
Wala na kong nagawa kundi sundan na lang si nico. Hindi na lang ako lalapit talaga.







"Napansin kita kaya lumapit na kame." gusto kong batukan ang lalakeng to dahil sinabe nyang yun. Obvious na magkasama nga kame ang iisipin ng mga to.







Laaahhh....Bat pati yun papakelaman ko pa. Eh ano naman kung malaman nila na magkasama kame. Eh sila nga eh.....Tsss....







"May kasama ka pala date?" dagdag pa ni nico.







"A-ah...Nagutom kame kaya napakain kame dito." si maddie saka nag smile.







Talaga lang ha? Ginawa pang alibi na nagutom sila. Tss...😒
Di na lang sabihin kung nagde date na sila. Mas inuna pa talaga ang pakikipagdate kesa pasukan ang mga subject nya....At ang isa naman ito kinukunsinti para nga naman may moment silang ganto.







Gusto kong pagsabihan ang dalawang to pero magmumukha lang akong bitter kaya wag na lang. Bahala na sila. Tutal naman nasa hustong edad na sila and sana alam nila yung mga tama at mali. Sana di sila masilip ng athletic director.







Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now