29

5K 63 0
                                    





BEA

"Bei!"

Napahinto ako sa paglakad tas nilingon ko yung tumawag sa kin. Si maddie pala at kasama nya sina trey at ponggay.

"Di ka na naman matutulog sa dorm?" si trey ng makalapit silang tatlo sa kin.

Umiling ako tas nag simula muling mag lakad.Tapos na kase ang afternoon training namen at pabalik na ang lahat sa dorm ang lahat maliban sa kin. Di na rin ako nag half bath pa siguro  sa bahay na lang tutal dun naman ang uwi ko.

"10 days ka ng di umuuwi sa dorm,ah!" exaggerated na sabe ni ponggay na nakasunod pala ang tatlo sa kin. "Di mo na kame miss?"

Natawa ako dun sa huling sinabe ng babaeng ito. Syempre nami-miss ko na din naman sila eh kaya lang medyo may iniiwasan ako ngayon eh.

( Anong MEDYO? Eh,SUPER DUPER iniiwasan mo nga! At anong NGAYON LANG? Eh,di ba nga 10 days ka ng  di umuuwi ng dorm! so ibig sabihin matagal mo ng iniiwasan.......Teka sino nga ba yun? )

Ewan ko sayo!

" Hayaan nyo muna ako guys. Sobra ko kaseng nami-miss family ko kaya ganto saka nag paalam naman ako kay ate ly at sa coaches naten."  sabe ko. "Promise,pag malapit na ang season sa dorm na ulit ako." tas nag smile sa kanila.

Di nila ako tinantanan hanggang sa makarating kame kung saan ko pi-nark ang "baby" ko. " Una na ko sa nyo guys ha? ma-traffic pa ako." tas sumakay na sa kotse ko.

"Di mo sana po-problemahin ang traffic kung dito ka na kase mag i-stay." asar na sabe ni maddie.

"Oo nga."segunda pa ni ponggay.

" Aysus! yaan nyo na nga yang si bei.Gusto nya kase nasasayang ang gas nya kaya uwian ang drama." sabat ni trey.

" If i know may iniiwasan lang yan." bulong ni maddie na di ko naman naintindihan. " Sige umalis ka na baka gabihin ka pa ng uwi nyan.At wag ka ng gumimik pa,ha?" ah eto narinig ko na ng malakas at maayos.👍

Nag wave na ako sa kanila bago ko paandarin paalis ang kotse ko. Syempre tulad ng dati, ma.tra.ffic.! Anong bago dito?😔
Naghanap na lang ako ng matutugtog ko sa music library ko sa phone ko.Magpapatugtog na lang muna ako habang naka stuck sa traffic,para di ako mainip at di ako ma badtrip.

Sunday morning ang napili ko,wala eh favorite ko at kahit di sunday ay keri na,sinasabayan ko pa nga habang usad pagong ang peg ng traffic. Kahit papano nababawasan ang pag inis ko dahil sa magandang playlist na pinakikinggan ko,bawat song na magpe-play ay sinasabayan ko. Nasa mood akong kumanta ngayon.😝

Pero bigla akong napatigil ng biglang tumugtog ang BESTFRIEND ni jason cheng!😐 Anak naman ng tinapa,Oo! Ine-next ko sana pero tama namang umusad na ang traffic kaya hinayaan ko na lang. Di ko na lang sinabayan mas gusto kong pakinggan na lang ito tulad ng ginagawa ko 6 days ago. Everytime kase pag naririnig ko ang song na 'to ay di ko maiwasang maisip sya. Para kaseng (for me lang ha.) sakto,tugma yung lyrics neto sa drama ko ngayon.

10 days na pero uwian pa rin ako sa bahay namen.Di na ko magsisinungaling sa inyo kung bakit ganto pa rin  ang drama ko. At dahil nga yun kay jho. Tama kayo guys, umiiwas (na) nga ako kay jhoana. At tama nga si maki kelangan kong bigyan ng boundary yung sa min ni jho kase malinaw pa sa tubig kung ano ako sa kanya pero mas malabo pa sa ilog pasig ang gusto kong mangyare sa min.😞😞😞 Ang sakit guys!

Alam ko naman sa umpisa pa lang na malabo yung gusto ko pero matigas ang ulo ko,sumige  ako.Kaya eto napala ko 💔.Di pa man ako nakakapagsabe  sa kanya ng feelings ko ay ito na  naabot ko!  Wasak. Durog. At kahit huli na  para umiwas ay gagawin ko pa rin para di na madagdagan pa itong sakit na nadarama ko.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now