86

3.6K 64 30
                                    

JHO

Nag excuse ako para pumunta ng cr, iniwan ko muna sina nico, yung kagolf buddy nya at yung girlfriend neto. Nagpangita kase kame sa resto kung san kame nagdidinner, inalok namen na sumalo sa min na di naman tinangihan  ng kaibigan nya.



Masayang naguusap usap kameng apat, kilala ko naman ito dahil nakasama ko na rin sila nung minsang sumama ako para golf. Naipakilala na kame ni nico sa isat isa pati na rin ang gf nun.



Hindi naman ako nagtagal, dahil paalis na rin kame. Ayokong abutan ako ng curfew. Pabalik na ko kung san kame nakapwesto, napansin ko na parang napakaseryoso ng usapan nila. Palapit na ko ng maulinigan ko ang pagbanggit ng name ko.



May kung sa kin na nagsasabeng huminto muna at makinig sa pag uusap nila. Kaya pasimple akong umupo sa isang bakanteng table na may kalapitan sa kanila. Nag busy busyhan kunyare ako sa phone ko.



"Bilib na ko sayo nics." sabe ng kaibigan neto. "Yung pinagpapantasyahan mo ng matagal na panahon, eh girlfriend mo na ngayon. Iba ka! hahaha"



"Anong pinagpapantasyahan?" sangga ni nico. "Pinapangarap bro. Pinapangarap." correction neto tas natatawang nailing to.



"Eto kase eh. Mga salitaan mo talaga." saway nung gf nya. "Hindi ka ba nahirapan na manligaw sa kanya?" tanong naman neto. "Syempre di ba, popular vball player ang pinopormhan mo?"



Umayos ng upo si nico at bumaling dun sa babae. "Hindi naman. Malakeng advantage na yung batangueno din ako kaya nagustuhan ako ng family nya. Boto kaya sa kin ang parents nya, Buong angkan nya." pasimpleng pagyayabang neto.



Totoo rin namn talaga. Botong boto sa kanya ang buong angkan namen both side sa papa and sa mama ko. 😪



"Wow naman bro. Kaya naman pala malakas ang loob kase nakakapit sa mga dapat kapitan hahaha." hirit neto.



"Ganon naman talaga eh di ba?" si nico na bumaling naman dun sa kaibigan. "Tingnan mo naman ngayon bro? Almost 8 months na kame ni jho."



Kita ko ang abot tengang pagkakangiti neto. Ano pa bang inaantay ko at di pa ko lumapit sa kanila at para makauwi na rin. Patayo na ko ng mapatigil ako at muling naupo.



"Sa teammates nya?" tanong ulit nung babae. "Close ka sa kanila?"



"Ah oo." pa cool na sagot naman neto. "Hindi naman sa lahat pero nakakausap ko naman sila and warm naman din akong winelcome. Actually, si deanna yung close ko sa lahat. Sobrang malapit kase sya kay jho kaya napalapit na rin sa kin."



"Eh si bea de leon?" pabiting tanong neto kaya napabaling muli si nico sa kanya. "Close kayo? Hindi ba bestfriend silang dlawa, so it means close din kayo?"



Nanahimik si nico, pasimple kong pinapanood ang conversation nila. Napainom ng ice tea ito habang pinakikinggan ang mga sinasabe nung babae. Kinabahan naman ako dun sa next question nya.



"Wait. Is it true ba?"



Pucha! Parang alam ko na ang itatanong neto.



"True ba yung issue between them?"



Leche!



"Anong issue?" himig chismoso nung kaibigang lalake ni nico.



"Yung secret rela----"



"Wala."mabilis na putol ni nico kaya napahinto sa pagsasalita ang babae. "Walang issue'ng ganon sa kanila. Nabibigyan lang ng iba ng malisya yung closeness nila. Mga malisyoso lang talaga mga tao. Mga walang magawa kaya nagpapakalat ng ganon."



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now