46

5.1K 77 6
                                    

BEA

"Pwede maki share?"

Napatingala ako ng marinig ko yun, isang nakangiting marci ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Di na nya ako hinintay pang sumagot at naupo na ito sa harapan ko, pinagkibit balikat ko na lang yun at nag focus ulit sa pagbabasa ng book para sa next class ko. Nasa bench ako ngayon ng campus at nagpapatay oras habang hinihintay nga ang next class ko.

"Gusto mo?" si marci ulit.

Napa angat ulit ako ng tingin sa kanya kaya nakita kong may hawak syang sandwich sa magkabilang kamay at ang isa nga ay iniaalok sa kin.

Umiling ako. "No thanks." ako tas tipid na nag smile sa kanya.

"Okay, i guess ako na talaga ang uubos neto." sya pa rin.

Sana pala sa dorm na lang ako tumambay eh. Di ko sana makikita ang isang ito ngayon, nag aalangan naman ako na iwanan sya dito, baka isipin nyang iniiwasan ko sya which is totoo naman. Ayokong makita ang karibal ko kay jho.

Nagfocus na lang ako sa binabasa ko pero di ko na magawa, naiilang ako sa presensya nya kahit di naman ito masyadong nagsasalita. Naalala ko na naman yung naging encounter namen sa labas ng supermarket few days ago simula kase noon ay pilit kong inaalala kung saan ko nga ba sya nakita very familiar kase yung face nya sa kin.

( Malamang....atenista rin kaya sya. Kaya familiar sayo ang face nyan kase baka madalas mo na syang makasalubong dito. Pwede ding nakapag paselfie na sya sayo. )

Selfie?...... Ayun! Alam ko na! Sya yung nakabangga sa kin sa mall nung lumabas kame ni pongs! Humingi sya sa kin ng selfie for his kapatid daw. Sya nga yun!

"Bea...."

Napatingin ako sa kanya. "Ha?"


"Uhm.....Yung.....Sinabe ko sayo......Uhm......Gusto ko sanang hingin yung blessing mo para ligawan ang bestfriend mo?" si marci.

BLESSING......LIGAWAN......BESTFRIEND......


Napakunot noo ako. Talagang ipu-push nya yun?

"Sabe kase ni jho ay dapat may consent mo para maligawan ko sya." si marci.


"Seryoso ka?" ako.

"Seryoso pa sa seryoso." tas mataman nya akong tinitigan. "Seryoso ako kay jhoana."


Isinara ko na ang libro tas nakipagtitigan sa lalakeng ito, sa karibal ko. "Pano kung ayoko? Ayokong ligawan mo sya, may magagawa ka ba?" seryoso po yun. Ayokong ligawan nya ang PAG AARI KO......sana......


Natahimik ang loko siguro nagdalawang isip na......aatras na ito kase nga ayoko. Hahahaha......


"Gagawin ko ang lahat para sa blessing mo." si marci. "Bea.....Alam kong di tayo close at mahirap sayo na pagkatiwalaan ako pero bigyan mo ako ng chance para maging kaibigan mo at para malaman mo rin na seryoso ako kay jhoana, seryoso ako sa bestfriend mo."


Ilang beses nya bang kelangan ipamukha sa kin yung word na BESTFRIEND?😠 Saktan ko kaya 'to.(joke!)



"Ayoko." ako tas iniligpit ko ang gamit ko at tumayo na. Di pa ako nakakahakbang ng magsalita muli si marci.



"Anong "ayaw mo"? Ayaw mo akong maging friend or ayaw mong ligawan ko ang bestfriend mo?" si marci na nakatayo na rin.



"Both." ako at tumalikod na sa kanya.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now