65

4.1K 70 9
                                    

BEA



Aaminin ko nasaktan ako sa sinabe ni jho sa kin nung papunta kame sa bahay nila sa batangas para mamiesta, kahit pa nga one month na ang nakakalipas mula noon. Sa kabilang banda eh tama naman sya, kaya kame nagpunta roon ay para maki fiesta lang at hindi para mamanhikan.



Ang OA naman kase ng reaction ko nung nalaman kong andun ang papa nya. May pakaba kaba pa akong nalalaman nun eh kung tutuusin naman ay ilang beses ko na rin naman na meet si tito john, kahit pa nga di kame masyadong nakakapag usap. Pero di ko mapigilan yung kaba ko lalo na nung nagkaharap kameng muli at tulad ng dati, hindi kame nakapag usap ng maayos kase busy sila dahil nagkaroon din ng mini reunion ang family Maraguinot nun.



Iniisip ko nga hindi kaya ako kinabahan ng ganon kase "meron" kameng "secret" ng anak nya?



Siguro nga.



One month na pero wala akong balak na buksan yun kay jhoana, ayokong palakihin pa ang issue'ng yun lalo na at isang buwan na rin naman ang lumipas. Masyado na kameng marameng iniisip ngayon and kakaumpisa na rin ng new season ng UAAP. Busy kameng pareho at halos di na nga kame magpangita kung tutuusin eh. Naulit na naman yung dati. Hays!



"Bei, totoo ba?" si mich na biglang tumabe sa kin.



Nasa dugout na kame at nag reready na kase kame na ang sunod na maglalaro kalaban ang NU. Sandali akong nagulat pero agad din akong nagpatuloy sa pagsuot ng medyas ko.



Umusod pa palapit sa kin si mich. "Totoo bang di sayo boto ang papa ni jhowjhow kaya pinaghihiwalay kayo?" ibinulong na lang nya yun sa kin.



Napahinto ako sa pagsasapatos ko at napatingin kay mich na naghihintay ng sagot ko.



"Ano? Totoo?" si mich pa rin.



Muli akong nagpatuloy sa pagsasapatos ko at di inintindi ang walang kwentang tanong neto.



"Bei---"



Napa ayos ako ng upo matapos kong magsapatos tas ipinadyak padyak ang mga paa ko. "San mo naman napulot yang walang kwentang balitang yan?" putol ko sa kanya at napabaling din, napailing pa ako habang natawa ng mahina.



"Actually.....Hindi ko alam." si mich at napaisip rin. "Hindi ko alam kung sino yung nagpasimuno ng issue'ng yan, basta narinig ko lang na nag uusap usap yung mga estudyanteng babaeng nasa starbucks."



Napafacepalm na lang ako. Kala ko naman eh sa isang reliable source  nya nalaman yun. Tsk!  Kinabahan pa naman ako.



"Seriously?" natatawa kong balik sa kanya.



Napakamot na lang sa ulo si mich habang nahihiyang di makatingin sa kin ng diretso. "Eh kase naman.....These past few days di ko kayo masyadong nakikitang magkasama tas pag nasa dorm naman tayo....Kayo.....eh parang di kayo nagpapansinan. Madalas pa ngang magkasama ngayon si jia at si jhowjhow." nakangusong paliwang neto. "Sensya na. Concern lang po ako sa inyong dalawa."



Napalitan ng pagngiti ang kaninang pagngisi ko. Napabuntong hininga ako at inakbayan ko si mich. "Thank you sa pag aalala mo sa min ni jho, na aapreciate ko naman yun, actually kayong lahat ng girls. Pero kase di naman totoo yun. Were stronger than ever." proud ko pang sabe. Kahit na nga wala pa kame dun sa level na gusto ko pero pasasaan ba at makakarating din kame ni jhoana dun, hintay pa ako.



"Where's jhowjhow?" narinig kong tanong ni jamie sa girls.



"Di pa ba dumarating?" tanong din ni gizelle.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now