83

3.1K 45 19
                                    

BEA




"Ano ba?" at napairap na lang ako.





Isang natatawang maddie ang bumungad sa pagmumukha ko. Nakatulog na naman kase ako sa loob ng kotse ko. Nasa loob pa rin naman ako ng campus at tumambay na muna ako malapit sa moro.






"Kung inaantok ka, umuwi ka sa dorm at dun matulog hindi yung kung san lang padparin ang kotse mo at dun ka matutulog." si maddie na nakasilip sa bintana ng driver seat.






Saka sya mabilis na umikot at binuksan ang pinto ng passenger seat ko. Inihagis nya sa backseat ang dala nyang bag. Saka muling tumingin sa kin na abot hanggang mata ang pagkakangiti.







"Wag mo nga kong mangiti ngitian ng ganyan." medyo naiirita kong sabe saka muling umirap.







"Lah sya oh....Marunong ng mang irap ngayon." si maddie at saka tumawa. Di pa nakuntento kinurot ang pisngi ko.







Tinapik ko ang kamay nyang nakakurot sa isa kong pisngi. "Ano ba? Masakit na ha." at hinawakan ko ang pisngi ko. "Wala ka bang pasok?"







"Ikaw, wala kang pasok?" balik tanong nya sa kin.







Hindi ako nakasagot. Meron naman kase talaga pero napasarap nga ang tulog ko kaya di ko na napuntahan.







"Oh my god. Di ka na naman nakapasok?!" si maddie na sinamaan ako ng tingin.







"Napasarap ang tulog ko----ARAY!"







Nanlake ang mata ko at napasapo sa ulo kong mabilis nyang pinalo.







"Bat di ka na naman pumasok ha?" si maddie na mataas ang boses. "Aba! Nakakasanayan mo na yan bea ha."






"Eh sa nakatulog nga ako eh." katwiran ko.







"Wala ka bang ibang maiisip na alibi?" nakangiwing tanong ni maddie sa kin. "Everytime na lang na di ka makakapasok , yan at yan lang ang alibi mo.  Aba, miss de leon, gasgas na gasgas na po. Kaya para paniwalaan ka ibahin mo naman." sarcastic na sabe nya na sinundan pa ng tawa nyang nakaka asar.







Shit. Huli nya ako. Hindi mo talaga matagal maiisahan si maddie. Mahuhuli at mahuhuli ka nya. Sana pala, iniba ko na lang ang alibi ko.







"Pag ito nakarating na talaga sa atheletic directors, wala na akong magagawa ha." babala ni maddie.







Aamin ko, di ako nagpapapasok lately. Wala lang, sa tinatamad ako. Saka nakaka antok naman eh. Boring ang karamihan sa mga subjects ko ngayon. Madalas din akong ma late sa mga trainings. Kaya madalas din ako makatanggap ng hagupit ni coach tai.







Parang kahapon lang, 2O laps lang naman ang pinatakbo sa kin ni coach dahil late akong dumating na naman nung morning training namen. Tas nag one man pa ko, tas kelangan kong habulin ang mga pinaggagawa ng teammates ko.







Sobrang patang pata ang katawan ko morning training pa lang kaya nakatulog na naman ako at di na nakapasok kahapon sa ilang subjects ko.







"Uy! Nakikinig ka ba?" untag sa kin ni maddie sabay kutos na naman sa ulo ko. "Sabe ko di na kita mapagtatakpan pa pag sina coach na ang nagsumbong sayo sa taas. Kaya please lang umayos ka naman."







Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now