36

6.1K 87 20
                                    

ELLA

"Ano yung nabalitaan ko? ha?" ako.Pagkapasok ko ng room. "Isang araw lang ako nawala kung anu ano na ang nalaman ko."

Umupo agad ako sa tabe ni jho na busy sa phone nya. Sinilip ko kung ano yung gawa nya pero ka chat lang naman pala nya ang beh nya.

"Ay kaya naman pala!" parinig ko. "Hu u si ako kase ka- chat si beh beh." tas umismid.

"Ang aga mo ata donya." si jho na di inintindi yung sinabe ko at patuloy lang sa ginagawa.

"Wala bang klase yang si de leon at nakakapag chat sayo?" ako.

"Meron pero inaantok daw sya eh. History kaya naboboring,hahahaha....." si jho na di man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Sana mahuli ni prof. De guzman." ako at tumawa na mala bruha.

"Ui....." at saka kumatok sa kahoy. "Ang sama neto."

"Luh sya!" ako at kinurot sya sa tagiliran. "Lam mo.....Imbes na payuhan mo na makinig sa klase nya ay kinukunsinti mo pa 'no? Ang galing nyo po!" sarcastic na sabe ko.

Nanahimik si jho sandali tas inilapag na nya ang phone nya. Nahiya siguro sa kin.

"Oh tapos na kayo?" ako.

Pabebe namang tumango ang isang ito kaya hinila ko ang buhok nya kaya sinamaan nya ako ng tingin.Eh naasar kaya ako sa kanya.

"Ang aga mong pumunta para lang manghablot ng hair." si jho saka inayos ang buhok na kala mo naman nagulo talaga.

"Eh ikaw? Walang klase?" balik ko sa kanya.

"Isa lang class ko ngayon tas wala pa si prof kaya chill chill lang ang drama ko ngayon." si jho tas nag smile.

"Kaya pala nang iistorbo ka sa beh mo." ako

"Oi, sya naman ang may gusto mag chat kame during her class kaya." si jho at napa pout pa.

"Whatever!" ako. "Nga pala,ikaw, strike two ka na sa kin,ha."

"Strike two? Saan?" si jho at napakunot noo.

"Ano yung ganap nyo ni de leon dun sa backseat ng kotse nya? Kung di siguro kame bumaba para sunduin na kayo ay malamang sa alamang ay may nangyare ng di inaasahan 'no?" ako at siningkitan ko na sya ng mata. "Naku,maraguinot,ha! Ang landi lang?"

"Ang bibig mo talaga donya!" si jho at pinalo ako sa braso.

"Tas kagabe,inulit nyo pa!" ako at pinaharap ko si ineng sa kin. "Anong ginawa nyo dito kagabe?"

"Ano ba yan,ate ella?" si jho at inalis ang kamay kong nasa magkabila nyang braso. "Sino ba kase ang nagparating nyan sayo ha?"

"Si kim." sagot ko. Nakasalubong ko sya kanina dyan sa lobby at ang loka nagkwento muna sa kin bago pumasok sa class nya.

"Si kimmy talaga."  si jho. "Wala yun donya."

"Anong wala yun? Liwanagin mo nga." ako.

"Walang nangyare,okay." si jho at umirap, umusod ng palayo konte sa kin.

"Parang disappointed ka pa,ha." hinuhuli ko si jho.

"Luh sya oh." si jho na sumandal na headboard ng bed  nya. "Ang berde ng utak mo."

"Gusto ko lang malaman kung ano yung nangyare." kambyo ko agad.

"Nagkatampuhan kame at nakipagbati lang sya sa kin."

Naghihintay ako ng karugtong nung sinabe nya pero wala na palang kasunod yun. "Yun lang!? At pinatulog mo pa talaga dito?
Pag yan nalaman ni alyssa ay yare kayo ng beh mo."

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now