44

5.8K 89 8
                                    

BEA


"Sama ka na lang kaya." sabe  ko kay jho. "Sige na." pilit ko pa.

"Sama ka dyan." si jho at inirapan pa ako. "Tigil tigilan mo nga ako
beatriz, nag aaya ka ng date tas magdadala ka ng alalay mo? Ay naku,di pwede. Ayoko."

Ang taray nya po ngayon sa kin. Kauuwi lang namen ngayon sa dorm at nasa room nya ako ngayon at kinukulit sya.

"Bakit mo naman naisipang isama ako dyan sa date nyo ni jana p.?" si jho na panay ang kain ng dala kong cheetos.


"Wala lang.......Aray!" ako kase ba naman bigla akong kinutusan. Magkatabe po kase kame ngayon sa bed nya.

"Ang sabihin mo gagawin mo lang akong audience nyo ng ka date mo! Tulad nung ginawa mo sa kin nung magkakasama tayo nila EJ, para lang akong panabla sa inyo, ganern!" si jho.

"Ang highblood mo naman!" ako sabay himas sa ulo kong kinutusan nya. "sakit kaya." bulong ko at napanguso pa.

"Sorry naman." si jho at nagpatuloy kumain.

"Pero beh, seryoso. Sama ka na lang sa min." push ko pa baka pumayag.

"Beatriz." putol sa kin ni jho. "Ayokong isipin ni jana na masyado akong "stage bff" sayo na kahit san ka magpunta ay kelangan andun ako. Di naman pwede yung ganon beh, Pano ka makakadikarte dyan sa ka date mo kung andun ako? sige nga?"

"Eh ikaw nga yung gusto kong kasama eh." ibinulong ko na lang. "Di ka naman makakistorbo sa min ni jana eh." ito nilakasan ko na.😄


"Ayoko nga." si jho na parang naiirita na. "May pupuntahan din ako sa sunday eh.Tuloy na kase yung gala namen nila marge,magba bonding muna ako sa kanila."

"Si marge lang?" ako.

"Syempre kasama si Ged." sagot ni jho.

"Eh.....Yung si marci?......Kasama rin sya?" tanong ko ulit.

"H-hindi ko pa alam eh." si jho. Tas nanahimik sya.

"I want to meet her?" ako at nagbukas ulit pero this time pringles naman. "Pakilala mo nga sa kin yang bago mong friend."

"Ha?" si jho na parang nagulat pa ata.

"Si marci, di ko pa sya nakikilala......Di ba sabe mo new friend mo sya so kelangan maging friend ko na rin yang friend mo, rules din naten yun dati di ba?" ako.

"O-o sige...." si jho.

Bakit feeling ko napipilitan lang si jho? Parang nag iba kase yung itsura nya nung sinabe kong gusto kong makilala yung marci na yun.

"Momski......Dada....." si deanna na nakasilip na ngayon sa pinto.

"Deans, pasok ka." si jho. At umupo ng maayos tas tinapik pa ang side ng bed nya para dun umupo si deanna.

Isang nakasmile na wong ang pumasok sa room at nakihalubilo sa min, umusog palayo sa kin ang baby ko dahil pinaupo nya sa pagitan namen ang anak anakan nya. Hay naman! pero hamo na si wongski naman ito, ANAK NAMEN. Shhh...... wag maingay kay kumander baka malaman nya yare ang cool na hokage nyo, hehehe.....

( Baka naman......Torpeng hokage! bwahahaha......)

Ayaw kitang patulan dude.Kaya shut up muna ako ngayon.😀

Inalok din namen sya ng kinakain namen hanggang sa tatlo na kame nag ba bonding ngayon, tawanan at asaran syempre ang bidahan sa min ngayon. At tulad ng dati pinagtutulungan nila akong dalawa na i-bully pero syempre di ako papatalo kaya ang ending napipikon ang baby ko sa kin. Ang cute nya kayang mapikon, katakot takot na irap at sabayan pa nya ng pag pout, ay naku naman jhoana. Sa kakaganyan mo ay malamang nanakawan na kita ng kiss dyan kung wala lang sana itong si deanna!

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now