20

5.2K 74 2
                                    

BEA

"I'm back!"masaya kong bungad sa team.

Kararating ko lang kase galing ako ng house namen,5 days na kong uwian dahil medyo nagtatampo si dad kase bihira na kong umuwi sa min kahit Sunday ay di ko na magawa pa kase nga sasale ang team sa next season ng SVL. Eh malapit na yun at kame agad ang isa sa mga unang maglalaro kaya medyo busy +may acads pang inaatupag. Kaya sabe ko mag uuwian na muna ako. Wala naman ngayon ang parents ko sa bahay namen, may pinuntahan silang gathering. Si kuya naman may lakad kasama mga friend's
nya sa quezon. Kaya dito ako ngayon matutulog! Miss ko na ang mga teammates ko! Miss ko na ang bed ko!

( Parang may nakaligtaan ka yatang ma-miss. Parang si ano.....)

Shut up, brain!

"Bei! Beaaaa!!!"

Hinanap ko agad kung sino yung sumigaw ng name ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong patakbong lumalapit sa kin si..... PONGGAY?!

Di ako nakapagsalita agad kase ba naman ay bigla sumampa sa kin! Muntikan na nga kameng matumba, eh!

"Grabe na miss kita ng sobra!"si ponggay tas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kin. Kaya ginantihan ko din yun.

"Anong meron? Ba't nandito kayong lahat sa lobby?"sunud sunod kong tanong kina trey at maddie na kalalapit lang sa min.

"Bakit nandito 'tong makulit na 'to?"sabe ko ng humiwalay sa pagkakayakap sa kin si ponggay.

Isang napakalapad na ngiti ang ibinigay sa kin neto. Binalingan ko ng tingin sina maddie at trey pero ngiti lang din ang isinagot nila sa kin.

"Isa na kong agila!"masayang sabe neto.

"Weh? Di nga?"ako tas nag make face na di naniniwala.

"Oo nga!"natatawang sabe naman ni ponggay. "Ate ayaw maniwala ng isang 'to." sumbong pa neto kay therese.

Opo. Magkapatid po ang dalawang yan!
Kaya goodluck sa kin talaga.
Kung makulit na si trey ay sumobra naman ang pagiging makulit at pilya netong si ponggay. Tried and tested ko na yang batang yan. Magkakilala na kase kame simula pa ng pagkabata namen kaya kilalang kilala na namen ang pag uugali ng isat isa.

"Ayaw na daw kase nyang maging tigre!"sabat ni maddie.

Nagkatawanan naman kame. Nagkwentuhan at nagkamustahan pa kame. Andameng kwento ni ponggay at sa bawat kwento nya kasunod nun ay ang tawanan namen.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang buong lobby pero di ko sya makita.
Akala ko pa naman ay sya agad ang makikita ko paguwi ko dito, na-disappoint tuloy ako.

"May hinahanap ka, bei?"si ponggay na nakatingin na pala sa kin.

"Parang alam ko na....."tukso ni trey pero sinawalang bahala ko na lang yun.

"Lumabas lang sila, kasama nya yung dalawang rookie."sabe ni maddie na biglang lumungkot ang aura.

Kanina lang halos nakapikit na sa katatawa
Pero bakit biglang nag switch ang mood ni madayag? At bakit alam nila na si jho ang hinahanap ko?

"Oh, nandito na pala sila."si trey tas ngumuso sa may pintuan ng lobby.

Mabilis pa alas kwatro akong lumingon.
Papasok na sila sa lobby habang nagtatawanan. Nauuna ng konte yung maliit na babae kasunod nya si jho na tawang tawa. Dahil sa kasama nya?
Panay kaseng bulong ng bulong yung isang kasama nila kay jho.

"Hala sya! Bentang benta kay ate jhow, oh!"si ponggay

"Ay oo! Ang ganda pa ng smile ni jho."si trey.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now