11

5.2K 72 1
                                    

JHO

Dinala nya ko sa isang ice cream parlor.
Pinaupo na muna nya ko bago sya umalis para umorder,at binilinan akong wag ko daw tatanggalin ang shades ko.
Eh, masunurin ako kaya ginawa ko.

Di rin sya nagtagal kaya maya maya pa ay dala dala na nya ang inorder nya.
Nakangiti itong naupo sa harap ko at iniabot sa kin ang isang malaking baso ng ice cream!
Natakam ako bigla ng inilapag nya ito sa harapan ko.

"Wait. Bakit ang laki naman yata nung akin?" Tanong ko. Eh, kase naman nasa malaking baso yung ice cream ko tas
yung sa kanya parang regular size lang ang baso.

"Okay lang yan. Tutal may iniinda ka naman ngayon kaya mas kailangan mo yan."

Na touch naman ako sa sinabe nya.
She cares about me! Nakakagulat lang kase di naman kame friends, asar nga ako sa kanya pero andito sya para damayan ako.
Kahit di ako magkwento sa kanya ay alam Kong may alam na sya sa nangyayare sa kin.

Nandoon na kaya sya nung nagtatalo kame? Biglang naisip ko.

"Matutunaw na yan kung di mo pa kainin."

Kundi pa sya nagsalita ay di pa siguro ako matatauhan. Halos mangalahati na yung sa kanya pero ako di ko pa nauumpisahan.

Katahimikan.......

Tanging music lang ng ice cream parlor ang maririnig mo. Parang lahat ayaw magsalita. Nag angat ako ng tingin sa kaharap ko at napansin kong paubos na ang kinakain neto.
Biglang nag angat din ng tingin ang "kapre" kaya may ilang segundo rin kaming nagkatitigan. Kahit na may suot akong shades ramdam ko ang mga titig neto.

Alanganin syang ngumiti sa kin.
Ako naman ay nag baba ng tingin.
Bakit parang nahiya ako?

"S-sorry. Di mo ba type yang flavor ng ice cream mo?"

Muli akong nag angat ng tingin.
Anong pinagsasabe neto?
Eto na nga, lagpas kalahati na ang nakakain ko.

"Pinag isa ko na lang din ang flavor kase di ko naman natanong sayo kung anong flavor ang gusto mo? Eh,tinamad na kong puntahan ka kaya cookies 'n cream na lang inorder ko."mahabang paliwanag nya sabay kamot sa batok.

Na cute-an ako sa ginawa ng babaeng 'to.
Di ko maiwasang mapangiti.😏

Kung kanina ay napangiti na ako ay biglang  nawala ito ng marinig ko ang sumunod na song.

Halos di ko na malunok ang isinubo ko.
Parang bumara na ito sa lalamunan ko.

"Hey, are you okay?"

Siguro nahalata neto. Nag angat ako ng tingin at isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya tas tumango.
Parang di naman ito nakumbinse kaya tumigil sya sa pag kain tas seryoso akong tinitigan. Naramdaman ko rin ang paghawak neto sa isang kamay ko.

Sa simpleng paghawak lang ng kamay ko ni "kapre" ay bumigay na ang pinipigilan kong mga luha ko.
Leche naman kase, eh!
Pati naman radio station nakikiramay sa kin?
Alam siguro neto na brokenhearted ako kaya nagpatugtog na naman ng masakit na song. Habang natugtog ang TELL ME ng side-A ay di ko maiwasang maisip ang nangyare sa min.

Ano ba talaga ang nangyare sa min?
Bawat lyrics kase ng song ay akmang akma sa nangyare sa relasyon namen.
Di ko namalayan na umiiyak na naman ako at di ko rin namalayan na nasa tabi ko na pala ang babaeng 'to.

"Hey, tahan na."mahina netong sabe. "Gumagawa ka na ng eksena."

Sa sinabe nyang yun ay pasimple akong tumingin sa paligid. Tama nga sya.
May mangilan ngilan ng tumitingin sa min.
Kinuha ko ang tissue na ibinigay sa kin ni "kapre".

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now