87

6.2K 76 145
                                    

JHO





Ilang minuto na ba ang lumipas mula nung sabihin nya sa kin yun?....






Dito ka na muna....Please?....Akin ka na muna, jho....






Hindi ko alam kung anong nangyare sa kin at kusang tumango ang ulo ko at ito na nga magkatabe kame ngayon.....at hindi lamang basta magkatabe kundi magkatabeng nakahiga ngayon sa bed nya sa kwartong to.






May space naman kame sa isat isa, mula ng tumango ako at mahiga sa kanyang kama ay di na ko tumingin sa kanya although nakikinita ko sya sa pheripeal view ko. Pareho lang kame ngayong nakatihaya at nakatingin sa kisame.






Walang umiimik sa ming dalawa at tanging lagaslas ng tubig sa may bintana na galing sa pag hampas ng ulan. Naulan pa rin....humina na kanina ang pag ulan ng makarating kame dito sa dorm ngunit lumakas na naman ngayon. Ang kaibahan lang ay wala ng pagkulog at pagkidlat.






"Matulog ka na po." basag ko sa katahimikan nameng dalawa. "Need mo ng magpahinga talaga." di pa rin ako lumilingon sa kanya.






Narinig ko ang paghugot ng malalim nyang paghinga. Naramdaman ko ang paggalaw nya, nakinita kong tumagilid ito at ngayon ay nakaharap na sa kin. Di pa rin ako lumingon sa kanya.






"Ayoko." tipid na sagot ni bea.







"Wag matigas ulo." ako. "Tulog na."







"Ayaw." muling sagot neto.







Saka pa lamang ako lumingon sa kanya. "May sakit ka kaya. Matulog ka na."







"Ayoko nga." si bea.







"Bat ba ang tigas ng ulo mo?" naiinis na ko sa kanya. "Matutulog ka lang naman, ipipikit mo lang----"







"Ayokong mawala ka na naman." putol nya sa sasabihin ko.






Natahimik ako. Nakatingin lang ako sa kanya.






"Alam kong pagpipikit ako iiwan mo ko.....Iiwan mo na naman ako." si bea.







Pinatong nya kamay nya sa kamay ko. Bukod sa kuryenteng nanulay sa ugat ko, di maikakaila na may sakit talaga ang damulag na to. Mainit ang palad neto na dumampi sa kin....Sabayan ng mapupungay na mga mata at labe na pulang pula.







Bago ako tuluyang mahipnotismo sa kanyang mga titig ay ipinilig ko ang aking ulo at pinilit na ibalik ako sa tamang wisyo. Napapadalas ang pag pisil nya sa king kamay na nakakapag pawala sa king katinuan. At bago pa mahuli ang lahat  at  mapunta ako sa di tamang sitwasyon eh kelangan kong umalis dito.






"Uhm....Wala naman ng kulog....S-siguro naman....Kaya mo ng magisa dito." nauutal kong sabe.






Saka ako bumangon....Di pa man ako tuluyang nakakabangon ng husto ay napasigaw ako. Pano ba naman bigla akong ihaltak ng pasaway na to buti na lang malakas pa rin ang ulan sa labas kaya di naman siguro ako nakabulahaw sa mga teammates namen.







Naramdaman ako ang paghapit nya sa bewang ko saka ko lang din napagtanto na patagilid pala akong bumagsak sa bed nya at ngayon nga ay magkaharapan kame at sobrang lapit namen sa isat isa. Dinunggol ako ng kaba at di makagalaw dahil sa kanyang brasong  naka yakap sa kin.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now