47

4.7K 78 18
                                    

BEA


"Bye bye." si jho at tuluyan ng lumabas ng dorm.


"Mukhang nagmamadali si jho ah." si ate ly. "San ang punta non?"
at tumabe sa kin sa sofa.



One week pa lang ng makabalik kame galing sa thailand training namen, ramdam na talaga na malapit na ang UAAP at ibig sabihin rin neto ilang games na lang ang nalalabi at ga-graduate na sina ate mae, ate amy at si ate ly. Nalulungkot  na ako agad.🙁


Pero mas kinalulungkot ko ngayon ay yung pag bawas sa kin ng time ni jho. Simula kase nung gabeng nalaman nya na pinayagan ko na si marci na ligawan sya ay medyo nabawasan na yung time namen, yung bonding namen. Lalo na ngayong bagong taon mas lumala pa ngayon. Hays! 😧


"May away na naman ba kayo ha?" si ate ly.


"Ha? wala ah!" ako at isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni ate ly.



"Kala ko kase......" si ate ly. "Pansin ko lang bei, di na kayo masyadong gumagala ngayon ni jho, pero madalas syang umaalis mag isa.......ay di pala,mas madalas na nyang nakakasama si marci."


Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ko naman yung name na yun.



"May problema ka ba, bei?" si ate ly tas hinipo ang ulo ko.



Napabuntong hininga ulit ako. "Wala naman.......Masyado....."


Inalis ni ate ly ang ulo ko sa balikat nya tas tiningnan ako pasandali at maya maya ay walang pasabeng kinaladkad ako papuntang room nya. Pagkapasok namen ay agad nyang ni lock ang pinto. Humarap sya sa kin tas mataman nya akong tiningnan, nailang ako kaya sa iba ako tumitingin.



"Alam mo ate ly, ang weird mo." ako at pekeng tumawa. "Para namang may nagawa akong masama nyan sa tinginan mo eh."



"Ikaw ha, matagal ko ng napapansin ito sayo pero nanatili akong tahimik kase baka speculation ko lang ito kahit mej marame na akong nababalitaan sa inyo......." huminto si ate ly at tulad kanina ay tinitigan ulit ako habang marahang lumalapit sa kin.



Napaupo na lang ako sa kama. Mukhang meron na namang makakaalam ng lihim ko ah. Napaparame na sila at di na magandang sign ito baka makarating na talaga ito kat jho.



( Sa tingin mo ba wala pa ring hint ang baby mo sa feelings mo sa kanya? Aba naman, sobrang tanga/ manhid naman ni jho! )



"May gusto ka sa kanya 'no?" mahina pero sapat na para marinig ko.



Di ako makapagsalita. Ito ang mali sa kin eh, kapag binibigla akong tanungin tungkol kay jho or sa real status namen ni jho ay naurong ang dila ko kaya madali akong "mahuli" kaya ang ending mapapatango na lang ako.




"Nililigawan mo si jho!?" si ate ly na katabe ko na pala na di ko namalayan ang pag upo neto sa tabe ko.




"Hindi ate." sabe ko sabay iling. "Maniwala ka sa kin, Hindi talaga......Meron ng nauna  eh...."



Mahina ko ng sinabe yung huli para sana di marinig ni ate ly pero narinig naman pala kaya kutos ang inabot ko sa kanya. Napahawak ako sa ulo kong kinutusan ni phenom at napatingin ako sa kanya.



"Eh ano naman kung may nauna na...."



A-ano daw???



"Ikaw rin naman ang may kasalanan at the first place. Hinayaan mong mapalapit ng husto si jho kay marci, hinayaan mo sya agad agad sa karibal mo. Alam mong may gusto si marci kay jho syempre grab the opportunity na sya nung pinayagan mong ligawan nya ang babaeng gusto mo kaya gagawin nya ang lahat para lang makuha nya ang OO ni jho." si ate ly na para bang hina high blood ang datingan eh kung magsalita. "Pano na lang kung sagutin na sya ni jhoana?  Eh ano ng mangyayare syo? Eh di #WasakAngPuso."



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now