66

3.3K 45 0
                                    

BEA



Netong mga huling linggo may napapansin ako kay jhoana, may napapansin akong pagbabago sa kanya.


Madalas syang tulala at lutang kaya madalas syang mapagalitan ni coach tai, wala syang focus sa training and nadadala nya yun minsan sa mga games namen.


Tinatanong nga ako ng girls kung may away kame or tampuhan ni jho kase ako ang sinisisi ng teammates namen kung bakit ganon si jho these past few days/weeks.


Pero wala eh. Wala kameng pinag awayan, ni tampuhan nga eh wala akong maalala...... basta wala talaga.


"Ba't di mo tanungin?" si ate ells.


Aksidenteng nagkita kame ng donya sa isang mall at syempre sa sobrang pagka miss DAW nya sa kin eh nagpalibre sya sa kin ng merienda kaya pumasok kame sa starbucks.


Ako lang mag isa ang pumunta dito ngayon. Wala naman akong pasok ngayon at medyo nabobored ako sa dorm, ako lang kase ang walang class for today at halos lahat sa kanila ay nakapasok na sa klase nila. Ang iba ay busy sa paggawa ng homework or project, kesa naman kulitin ko pa ang mga yun eh gumala na muna ako mag isa tutal may bibilhin din naman ako.


"HUY!" untag sa kin ng donya kaya bumalik ako sa tamang wisyo.


"Kaw yata ang may problema eh, kaw tong tulaley." si ate ells.


"May naisip lang ako." sabe ko at natawa na lang ng mahina.


"Baka naman may problema sa kanila.....Sa bahay nila.....You know family matters." si donya.


Napaisip ako bigla. Siguro nga 'no.


Kase minsan naabutan ko si jho na may kausap sa phone nya, matutulog na nga kame. Hindi ako dalawin ng tulog kaya bumaba ako para magtimpla ng gatas, naabutan ko nga si jhoana sa sala na may katawagan, narinig ko ang pagsabe nya ng "papa" so i assumed na si tito john yung katawagan nya that time.


Wala naman akong balak na makinig sa usapan nilang mag ama kaya tumuloy ako sa kusina na di namamalayan ni jhoana. Nakatalikod kase ito sa may hagdan kung san ako bumaba.




*flashback*

Pagkatimpla ko ay agad kong ininom yun, napahinto ako ng maulinigan ko ang boses ni jho na tumataas pero pilit nyang hinihinaan. Sinilip ko sya at ganun pa rin ang ayos nya nung nakita ko sya kaninang pagka baba ko.


Nakataas ang dalawang paa neto sa sofa at nakapalumbaba sa tuhod nya. Narinig ko ang paghikbi nya na pilit nyang ikinukubli para di maging malakas yun.


Umiiyak si jho? Pero bakit?


"Pa.....Makinig ka muna sa kin....." si jho na parang nakikiusap.


Gusto ko syang lapitan at alu-in pero baka makaistorbo ako sa usapan nilang mag ama at parang seryoso yun at di kelangan muna ako umepal. Pabigat ng pabigat ang pag iyak nga, ang pag alog ng mga balikat neto at ang halos sunud sunod ng paghikbi nya na ang naririnig ko.



"W-wala naman....k-kameng ginagawang masama eh......" naitawid nya yun kahit nahikbi sya ng sobra.


Hindi ko na narinig na nagsalita pa si jho tanging ang mabigat netong pag iyak ang maririnig mo. Nang inilapag nya ang phone nya ay dun pa lang ako lumapit sa kanya.


Nagulat si jhoana ng makita nya akong nakatayo ngayon sa harapan nya habang may hawak na isang basong tubig.


"K-kanina k-ka pa?..."


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now