55

4.5K 91 44
                                    


JHO


".......Umamin ka nga sa kin, beatriz. Ilang beses ka bang nagsinungaling sa kin para sa EX mo?" tanong ko.


"Ex?" ulit ni bea pagkatapos ay napakunot noo ito sa kin. "Wait lang. Its not what you think, jho. Hindi naging kame, okay? MU lang kame dati at hanggang dun lang ang naging relasyon namen. P-pano mo---"

"Pano ko nalaman?" alam ko na ang umiikot na tanong sa ulo netong pasaway na to. "Kay maki, actually, pinilit ko lang ang kaibigan mo, alam ko namang di mo sasabihin sa kin ang totoo kaya no choice ako. And please lang wag mong pagalitan si maki kase ako naman ang namilit sa kanya. So, anuna?"


Napabuntong hininga ito. "Busy kase----"

"BUSY?" putol ko sa kanya at sarcastic na tumawa. "HUWAW! Busy talaga eh noh." tas napa iling na lang habang natawa pa rin. "Sa diname dame ng friends nyo, Ikaw pa talaga ha. Ikaw pa talaga na student-athlete ang favorite nyang puntahan para magpasama sayo."

"Always kaseng may mga ginagawa sina maki and cel. Pati rin yung iba nameng friends kaya---" si bea.

"Kaya ikaw na lang?" ako at napameywang na, pinakalma ko ang sarili dahil naiinis na ako sa pinagsasagot ng damulag na to. "Ayokong isipin mo na pinagdadamot kita dyan sa.....dyan sa....." bakit nahihirapan akong sabihin ang name ng babaeng yun. Hmp! "......babaeng yun. Pero kase para namang IKAW lang yung taong pwede nyang haltakin kung gusto nyang gumala." biglang may pumasok sa isipan ko. "Bakit di mo na lang sabihin sa kin na nagde date kayo."

"OF COURSE NOT!" mabilis na sagot ni bea. "Walang date na nangyayare sa min ni janna, okay?" napataas ang tono ng boses neto. "Sinasamahan ko lang talaga sya."

"Okay, sige." ako na tumaas din ang boses ko,pinapantayan ko lang ang taas ng boses ng pasaway na to. "Wala ba nyang mga kamag anak dito para dun sya magpasama at hindi ikaw yung iniistorbo nya."

Tumingin sa kin si bea. "Meron naman kaya lang.....nasa province silang lahat, wala dito sa manila." bumaba ulit ang tono ng boses neto.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sagot na yun ni beatriz. Talaga naman noh, ka galeng naman talaga! At kung sinuswerte nga naman ang damulag kase always may magandang alibi na sinasagot sa kin.

"Jho....." tumayo si bea at akmang lalapitan ako pero sumenyas na wag kaya huminto ito. "Yung mga labas labas namen ni janna, wala lang yun. Sinasamahan ko lang talaga sya,yun lang yun. Please maniwala ka." si bea na nasa tono ng boses ang nakikiusap.

"Ang dame mo namang time for her no?" sarcastic pa rin po yun. "Nagagawan mo naman pala ng paraan pag gugustuhin mo Nakakapag adjust ka talaga sa kanya ng oras at panahon pero yung sa ting dalawa......" umiling ako at mapait na ngumiti sa kanya. "Hindi ko alam pero feeling ko parang nababagot ka na......Nagsasawa ka na. Andame mong excuses na ngayon, andame mo na ring alibi pag magkasama tayo. Kesyo pinapauwi ka sa inyo, papaayos mo ang kotse mo at kung anu ano pa. Diretso mo na nga lang ako----"

"Kelanman di ako mababagot at nagsasawa sayo." putol ko sa kanya. "Masaya ako sa kung anuman meron sa ting dalawa."

"Pero kuntento ka ba?" mabilis kong tanong sa kanya, di sya umimik pero nanatiling nakatingin lang sa kin. "Kase feeling ko .....Hindi." naninikip ang dibdib ko. "Okay. Para klaro sayo, nagseselos ako. Nate-threaten ako ngayon, kase bumalik yung kauna unahang babae na nagturo sayo kung pano magmahal. Kaya nga di ko maiwasan ngayong maikumpara ang dati at ngayon......Ang AKO at SYA."

"Jho, di naman kelangan eh." si bea. "Di mo naman kelangang ikumpara ang dati at ngayon pati na rin yung Ikaw at si janna, kase magkaiba kayo. Jho, maniwala ka sa kin please......"

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now