3

6.6K 80 1
                                    


JHO





"Ahhhh........yun naman pala."

Yung totoo? Trio ba sila? Kailangan sabay talaga sila magsalita? At natango pa talaga.

"So, yun pala nangyare."si mich. Tumango ako.

"Kaya pala inis na inis ka kay De leon."si ate ella naman. Tumango uli ako.

"Pero di ba, nag sorry rin naman sya?"paalala naman ni jia.

"Oo nga."duet nila mich at ate ella.

Oo naalala ko.
Nagkita ulit kami ng araw ding yun.
Kase naman po sa iisang lugar din pala ang punta nya. Sa BEG!
Kung minamalas ka nga naman ,oo!
Isa pala sya sa mga ROOKIES ngayong season! Di ba ang saya? Hay naku naman.

Nagkagulatan pa kame pareho ng magkita kame sa gym. Lalo na ng pinakilala na sya bilang isa sa mga rookie.
Kaya good luck sa kin dahil 4-5 years ang pagsasamahan namin!
Imagine, 4-5 years? Kasama ang mayabang na nilalang na 'to?

"Oi, girl, tulala ka na dyan."si jia tas nag snap ng fingers sa kin. Dun lang ako bumalik sa realidad.

"Kahit na."sabat ko. "Oo nga nag sorry sya pero alam nyo yun.... yung nabwiset ka muna tas yun lang ang masasabe nya, diba?"mahabang sabe ko.

"Eh, ano ba ang gusto mong sabihin nya sayo?"tanong ni mich.

"Michifu, ang ibig sabihin ni marag, na first impression na last na sya kay Bea. Kaya parang natabangan na sya agad di pa man nya "natikman",gets nyo?"paliwanag ni ate ells.

"Anong "natikman" ate ella?"natatawang sabat ni jia.

Dun lang nag sink-in sa kin yung "natikman"kaya nahampas ko agad ang donya.

"Ano ba yang pinagsasabi mo donya?"nakasimangot kong tanong sa kanya tas hinampas ko ulit.

"Aray ha!"daing ng donya. Habang natatawa ang JIAMICH.

"Pero seryoso, jho, okay naman si Bea eh."si jia. "I mean mabait naman sya yun nga lang maingay at makulit."

"Not to mentioned na ang cute pa nya."dagdag pa ni mich.

"At... At malaki ang maitutulong nya sa team para maka back to back champion tayo. Malaki ang tiwala sa kanya ni coach tai, sa mga rookie sya yung may SWAG.Palaban yung bata."si ate ells.

Yung totoo, ate Ella? Ikaw ba ang manager ni De leon? Kung Maka build up kala mo talent mo ang babaeng yan.
Tsk! Tsk! Tsk!

Natapos lang ang tsismisan namin ng bumaba na sina ate ly at ate den. Kaya inumpisahan na namin ang movie.


BEA

"Hoy De Leon, ano ba ang ginawa mo ba't asar sayo si marag?"tanong sa kin ni Jamie

"Marag? You mean si Maraguinot?"balik tanong ko sa kanila.

Nasa cafeteria kame ngayon at magla lunch kasama ko sina Jamie, Maddie, ate Mae at ate aeriel.(Tama ba ang spell? Hehehe....sorry na)

"Oo."sagot ni ate aeriel.

"I really don't know?"ako tas nagkibit balikat.

"Siguro may ginawa ka 'no?"si ate Mae.

"I know you too well, bei. Ano yun, ha?"si Maddie.

Binigyan ko sila ng questioning look.
"Anong ginawa ko sa kanya?"napataas ang kilay ko. Tas inatupag ko na ang lunch ko. Gutom na ko.

"Eh, Bakit para kayong aso't pusa? Laging nagbabangayan?"si ate aeriel ulit.

"Ewan ko dun."sagot ko tas nagkibit balikat pa. "Mainit ang dugo sa kin ng JHOSA nyo."tas bahagyang natawa.

"Oi, mabait naman si ate jho ah."si Maddie. "Sa kin mabait sya at kay trey."

"Baka sa nyo lang. Kase sa kin Malabo guys."ako tas sumubo ng food.

"Eh, kase naman binubwiset mo lage."singit ni ate Mae.

"Di ah!"mabilis kong sagot. "Alam nyo kase guys, may lihim kaseng........"pabitin ko sa kanila.

"Ano? May lihim na ano sayo si marag?"si Jamie.

Hahaha! Halatang nabitin ang mga loka!
Di na sila nakain kase nakatingin na sila sa kin at inaabangan ang susunod na sasabihin ko.

"Hoy! Anuna?"pukaw ni madz.

Sumenyas ako ng sandali kase feeling ko mabibilaukan ako sa itsura nila! Lol!

Uminom muna ako ng water. "May lihim na.... Na "pagnanasa"kase sya sa kin." cool kong bulong sa kanila.

"WHAT!?"gulat na sabe ni ate mae.

"Oi, umayos ka de leon, ha?"banta ni ate aeriel.

"Ew ka talaga!"si maddie.

Halos sabay sabay na nakatanggap ako ng hampas sa tatlo. Kaya natawa na ko ng tuluyan.

"It was a joke, okay!"sabe ko habang natatawa pa rin.

"Pag yan nakarating kay jho, bahala ka."warning ni ate aeriel.

"Magbabangayan na naman kayo nyan."si maddie.

"For sure."duet nina ate mae at jamie.

Nagkibit balikat na lang ako tas tinapos na ang lunch ko. Late na ko sa next subject ko!







3:00 PM.
Nandito ako ngayon sa Rizal library.
Wala kaming prof kaya naisipan ko na lang dito tumambay. Ayaw ko kaseng umuwi sa dorm, tinatamad ako. (Baka kamo magkita kayo ni jho)
Eh, ano naman kung magkita kame ni "negra"? (Eh, kase nga po, nag aalala ka na baka nakarating na sa kanya yung sinabi mo kanina sa lunch date nyo nina ate aerial, ate mae, jamie at maddie.
AKO? Matatakot sa NEGRAng yun?
Oh, come on? SI BEA DE LEON MATATAKOT KAY JHO MARAGUINOT?
Tsss...... NEVER! AS IN N.E.V.E.R.!
(Talaga lang, ha? Sige, kaw bahala)
Itong utak ko talaga. Walang magandang sinasabe. Kainis!

Pababa na ko ng building ng makasalubong ko si Kim, ka teammate ko.

"Oh, why are you in a hurry?"naitanong ko sa kanya. Halos patakbo na kase syang bumaba.

"Punta ako ngayon sa national bookstore. Kailangan ko bumili kase ng materials na gagamitin ko para sa project ko. Sige bei ha, una na me. Byeeee."nagwave pa talaga sya sa kin tas umalis na.

Sinundan ko sya at tulad ng ginawa ni Kimmy gurl ay tumakbo din ako para maabutan ko sya. At dahil sa likas kong mabilis tumakbo (ay, di nga?) at sa haba ng mga biyas ko ay naabutan ko sya.

"Samahan kita. You want?"ako na hinihingal pa.

"Wag na, bei. Kaya ko naman eh."tanggi ni Kim. "May class ka pa ata eh."

"Wala na."sagot ko. Tiningnan akong mabuti ni kim. Alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin neto kaya inunahan ko na. "Wala na kong next class. Wala rin si prof kaya kanina pa ko loner. Sige na please, sama na lang ako sayo. And i have a car, di ka na mamamasahe."

Sana pumayag sya kase nabo-bored na ko. Wala rin naman akong pupuntahan,masyado pang maaga kung pupunta na ko sa BEG.

"Okay. Tara let's."si Kim. "Where's you're car?"

Halatang nagmamadali si Kimmy.
Yown! Gala muna ng slight, pamatay oras!




























Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now