78

3.4K 55 25
                                    

JHO




"Sigurado ka na ba dyan talaga?" malungkot na tanong ni mich kay jia.



Tumango naman si jia. Nasa dining area kame at nag aalmusal, bale ito na yung huling araw ni jia dito sa dorm. Nauna ng umalis kahapon si gizelle, uuwi kase sya sa bacolod kasama ate bea nya.




"Ate jia naman eh." si deanna na niyakap paside ways si jia dahil katabe lang nya ito ngayon. "Baka naman pwede isa pang year? One more year ate jia."



Nalulungkot kame pero di namen mapigilan na matawa kay wong sa inaasal nya ngayon. Para itong bata kung umasta at kung makakapit kay jia ay parang linta. Kapit na kapit eh.



"Huy!" si ponggay tas hinampas sa braso ang kabatchmate nya. "Para kang ano dyan eh....di na makakain sayo si jia oh."



"Sakit ah." reklamo ni deanna at umayos na ng upo.



"Para kaseng tanga lang." bulong naman ni ponggay.


"Girls, tama na yan okay." awat ni jia sa dalawa. "Ito na nga ang huling almusal na kasama ko kayo tas magkakapikunan pa, ay naku ha." paalala na naman nya sa min. "Mag mature na kayong pareho wong, pongs."



"Yes ate jia." sagot ni deanna.



"Okay cap." si ponggay at sumaludo pa.



Natawa naman kame ng slight tas nagpatuloy kameng kumain na.



"Masaya sana kung andito lang si dada----i mean si ate bea." si deanna tas muling sumubo ng pag kain.



Napahinto ako sa pag kain at napabagal na rin sa pagnguya ng marinig ko ang pangalan nya.



"Oo nga." si ria. "Asan na pala yung bully na yun."



"Umuwi muna sila sa tarlac." si jules na biglang sumabat kaya lahat kame ay napatingin sa gawi nya. "Pagkatapos kase nung misa naten dumiretso na sila dun. Nagpalamig lang siguro si bea pero sabe sa kin kanina baka mamaya after lunch pa sya makabalik dito sa manila."



"Ay dapat lang no, may guesting pa kame sa cnn bukas ng umaga." sabat naman ni mich.



Napatango na lang ang iba nameng teammates sa mga nalaman namen ngayon. Nagkatinginan naman kame ni jia.



Pagkatapos nameng mag almusal ay nagpresinta akong tulungan sya sa pag iimpake ng mga gamit nya dito sa dorm. Pumayag naman si jia kahit iilan na lang yung ililigpit namen kase nung isang araw pa nakapag ayos ng mga gamit nya ang babaeng ito.



Alam na nya kung para san yung sinabe kong alibi sa mga teammates namen. Kaya nagsabe syang kame na lang dalawa ang magtutulong dito at salamat naman di na sila nag pumilit pa.



"Bakit mas alam pa ni jules kung asan ang damulag na yun kesa sa tin?" wala sa loob kong bulalas pagkasaradong pagkasarado ni jia ng pinto ng room nya. "Hindi naman sa ano ha, pero parang nakakainis lang...." at umupo ako sa bed nya.



"Naiinis ka kay jules?" si jia na nanatiling nakatayo lang sa may pinto.




"Hindi kay jules, okay." correction ko kay jia. "Naiinis ako dun sa pasaway na babaeng yun."



"Naiinis ka kay bea kase mas pinili nyang makipagcommunicate kay jules kesa sayo na EX nya? Ganon ba?" si jia.



Napakunot noo akong napatingin kay jia na ngayon ay papalapit sa kin. "Pinag sasabe mo, ju. Baka may makarinig at isipin nga nilang.....Ex ko nga si beatriz." hininaan ko na lang yung mga huling sinabe ko pero sapat na para sa ming dalawa.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now