26

4.5K 73 0
                                    

JHO

5:45 PM

Di ko na matutupad yung pinangako ko kina ate ly. Mag aala-sais na ng gabe at hanggang ngayon andito pa rin ako! Kaharap ang di pa rin nagsasalitang si baham. Yung kaninang sinabe nya yun na ang huli at di na rin nasundan pa.

(Ano ba yung huling sinabe nya sayo?)

Na.... Ano....miss daw nya ako?

Hay naku! Kasasabe ko lang di ba? Wala ng epekto sa kin yung mga ganung litanya nya sa kin. Wala na kong maramdamang kilig sa kanya kahit nung una kameng nagkita after our bad breakup more than a year ago. Oo. Aaminin ko nakaramdam ako ng kaba pero, alam nyo yun,yung kabang parang wala lang? Gulo ko ba? Kase di na katulad nung dati. Yung para bang makita ko lang sya parang di na ko makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

Pinakikiramdaman ko nga ng mabuti ito ngayon, kung meron pa rin bang ganung feels at sa tingin ko........

"Di kita masisisi kung di mo na ako paniwalaan." sa wakas nagsalita rin ang lalakeng ito! "Sa mga ginawa ko sayo, alam kong mahihirapan akong ibalik yung trust mo sa kin pero......gusto kong magbakasakali kaya.....pwede ba nateng ipagpatuloy-----"

"w-wait!"ako na naguguluhan sa mga pinagsasabe neto. "wait nga lang! Ano bang ibig mong sabihin?"

Humugot sya ng malalim na hininga. "Gusto kong manligaw ulit."

Ano daw?

( hala! nabingi? )

"Alam kong di mo 'to magugustuhan pero gusto ko ulit sumugal para sa trust mo.Para sa pag ibig mo."seryoso po talaga sya!

"Pumapayag akong makipag meet sayo kase sabe mo gusto mong maging friends ULIT tayo at para na rin magcatch up sa mga nangyare sa tin.Pumayag ako kase bago naging tayo NOON ay naging mabuti rin tayong magkaibigan at para respeto na rin sa mga pinagsamahan natin NOON." ako.

"Oo alam ko.Yun dapat talaga ang plano ko maging friends tayo ulit,pero nung magkita tayo ulit,lahat bumalik sa kin.Yung masasaya nateng memories,yung mga times na super inlove tayo sa isat isa,mga awayan,selosan then yung mga pagbabati naten pagkatapos nun.....at yung......yung mga araw na niloloko kita,yung mga iyak mo na ako ang may dahilan at yung araw na.....na di ko dapat ginawa sayo....." halos naging pabulong na lang ang mga huling sinabe nya. "sinaktan kita.....ng sobra."

Malambot ang pagkakatingin nya sa kin na para bang nagi-guilty sa ginawa   nya dati.Ako naman,ay napa ayos ng upo.Di ko  akalain na mangyayare ito kase  noon pinapangarap ko na gagawin nya ito NOON,pero huli na eh.

"Louisse, im sorry.Im so sorry."nangingilid na ang luha neto. " Gusto kong itama ang lahat.Ibalik yung dating tayo,yung dating
akin lang at sayo lang.Gusto kong---"

"Stop." di ko na kayang pakinggan pa ang mga pinagsasabe ng lalakeng ito.

"Kung kinakailangang pati magulang mo,si jaja,liligawan ko.Gagawin ko.Kung kinakailangang pati sa kanila hihingi ako ng tawad----"

"Di ba sabe ko tama na?  Tama na baham!" mariin kong sabe.

"Gusto kong patunayan sa family mo na seryoso ako.Seryoso ulit ako sayo at this time pangangatawanan ko na." sya pa rin.

"Hindi mo na kailangang gawin yun."

"Gagawin ko."pursigido talaga ang isang ito.

"Walang alam ang parents ko sa  "totoong"  dahilan ng breakup naten." nakita ko syang napakunot noo kaya nagpatuloy ako.  "Ang sabe ko lang sa kanila na wala na tayong time for each other.Lalo na ako  kase student-athlete ako at madalas marame akong ginagawa at di na kita maisingit sa schedule ko.Nakakatawa kase pinagsabihan pa ako ni mama,sabe nya dapat daw marunong akong pagbalansehin lahat,time management.Sinabihan din ako ni papa na makipag ayos ako sayo agad at bawiin yung breakup naten." tas bahagyang natawa ng maalala ko yun.  "Wala silang alam sa mga pinaggagawa mo sa kin noon.Ayokong siraan ka sa mga magulang ko kase alam kong mahal ka nila at masasaktan sila ng sobra.Lalo  na  si papa kase para sa kanya,ikaw yung perfect na  "son in law"  nila.Kaya kahit gustung gusto kong magsumbong sa kanila dahil niloko mo ko.....Di ko ginawa  kase may respeto pa rin ako sayo."pati ako nangingilid na  rin ang luha.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now