Prologo

3.4K 128 10
                                    

Hindi lingid sa kaalamanan ng lahat ang tungkol sa mga Dyosa na nagsisibling tagapangalaga nila.

Marami ang sumasamba lalo na sa Dyosa na si Serene ito ang Dyosa ng pagkabuo.

Anak ito ng Dyosa na si Hera ang pinakamataas sa lahat ng mga Dyosa, may dalawa itong anak at iyon ay ang Dyosa na si Serene at ang Dyosa na Selina.

"Mahal na Dyosa Hera may ibabalita po kami sa inyo"lahat ng mga kawal na anghel nandoon ay napatingin pati na din ang mga dama.

"Ano iyon Kahel?"tanong agad nito sa pinakamataas na kawal ng langit.

"Mahal na Dyosa nang gulo po ang mahal na Dyosa Selina sa ibabang mundo na ginawa ni Dyosa Serene"naghihintay ang lahat sa gagawin ng kanilang Dyosa dahil alam nila kung paano ito magalit at maging mahigpit lalo na sa mga anak nito.

"Kahit anong gawin natin ay hindi na mapipigilan pa ang ginawa ni Selina sa mundong ibaba"tila kalmado na sabi nito.

"Hindi lang yun mahal na Dyosa Hera"natahimik ang kawal na si Kahel dahil alam niya na mas magagalit ang Dyosa kapag nabanggit nito ang pinakamamahal na anak nito.

"Ipagpatuloy ang pag uulat Kahel"may pagbanta sa boses nito kaya napayuko ito.

"Tungkol po sa Mahal na Dyosa Serene"napalunok pa ang nag uulat dahil sa naging tutok ang tingin nito ng banggatin ang bunsong anak nito.

"Ano meron kay Serene?"madami ang biglang napayuko ng maramdaman ang kakaibang aura nito.

"Nawawala po ang mahal na Dyosa Serene"nagkaroon ng malakas na pagkidlat ng tumayo ang Dyosa.

"Scarlet"sigaw ng Dyosa at halata sa boses nito ang galit.

Mabilis na dumating si Scarlet halatang galing pa sa pagkakatulog dahil humihikab ito.

"Ano po yun mahal na Dyosa?"yumuko ito at parang baliwala lang ang galit ng kaharap.

Tinignan muna ni Hera ang mga nandoon at mukhang nakuha ng mga kawal at dama ang ibig sabihin nito.

Nagbigay galang ng mga ito at mabilis na umalis dahil alam nila na mag uusap ang dalawang naiwan.

"Nasaan si Serene?"tanong agad ng Dyosa kay Scarlet.

"Hindi ko alam mahal na Dyosa"sabay hikab ulit nito at tinignan ito ng masama ng Dyosa.

Kaya hindi takot si Scarlet sa kaharap na Dyosa ay dahil magkapatid ang dalawang ito. 

"Umayos ka Scarlet kaya hindi sayo binigay ang posisyon dito kahit na mas matanda ka dahil ang tamad mo"umirap ito sa kaharap at napansin na ito ni Hera kaya napailing na lang siya.

"Nasaan na ba ang anak ko Scarlet?"tila sumuko na tanong na ng Dyosa dito. Ngumisi ito sa kapatid at nakita yun ng Dyosa.

"Ayun binabantayan ang kakasilang na sanggol"sabay tawa nito sa kapatid at may lumabas na isang Cyrstal sa harap ng Dyosa.

"Nasa mundong ibaba siya?"gulat na sabi ng Dyosa at nakita nito ang anak na tila masayang masaya na kinakausap ang sanggol na may marka ng buwan.

"Ang batang yan ang magpapabago sa ating mundo"tila may pahiwatid na sabi ni Scarlet sa kapatid.

"Kahel"mabilis na dumating pinunong kawal ng mga anghel.

"Ano po yun mahal na Dyosa Hera?"nakayukong sabi ng kawal nito.

"Sunduin niyo si Serene sa mundong ibabaw"utos nito at mabilis na sumunod naman ang inutusan nito.

-----

"Serene ano ang ginagawa mo sa mundong ibaba?"napayuko ang Dyosa na kaharap na nito ang kanyang Ina.

"Ina sinilang na ang sanggol na iibigin ko"masayang balita ko dito at nakita ko si Ina na naging malungkot ang mga mata nito.

"Serene alam mong hindi maaari hindi ba? Lalo na ikaw ang magiging tagapagmana ko dito"nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Ina sa akin.

"Ngunit Ina ilang daang taon ako naghintay sa kanya"mahinang sabi nito sa kaharap na Dyosa.

"Serene ikaw na lang ang maaaring maasahan ko dito lalo na at hindi maaari ang kakambal mo ang maging tagapagmana ko"naging seryoso ang Dyosa sa anak nito.

"Hera, hayaan mo ang anak mo ang pumili sa gusto niya"napatingin ang mag ina sa nagsalita at walang iba kundi si Scarlet.

"Alam mong may kapalit kapag mas pinili niya pumunta ng mundong ibaba"sabi ng Dyosa sa kapatid nito na si Scarlet.

"Anong ibig mo sabihin Ina?"tanong ko dito at nakita ni Serene ang paglihis ng tingin ng kanyang Ina sa kanya.

"Handa ka sa magiging kapalit Serene? Kapag mas pinili mo siya? Handa ka rin ba sa magiging kahihinatnan ng gusto mo kung sakali man?"naging seryoso si Scarlet ng sabihin ito sa pamangkin niya.

"Opo basta makasama ko lang siya"matapang na sagot nito sa kaharap at napangiti si Scarlet sa naging sagot ng pamangkin.

"Hera, mukhang hindi mo na mapipigilan pa ang iyong anak"sabay tapik dito at tinignan naman ng Dyosa ang anak at ngayon niya lang nakita ang anak na nagkaroon ng sariling desisyon lalo na tutulan siya nito.

Tumango ang Dyosa at ilang sandali lang ay tumayo ito para puntahan ang anak na si Serene.

"Sana lumigaya ka mahal kong anak"hinalikan niya ito sa noo at nagkaroon ng liwanag.

----

A/N:

Heiress Series #2 Forgotten Memories

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now