HFM 1

3.2K 137 20
                                    

Aishelle Yesha Autumn Arcavia (AYA)

"Aya"napatingin ako sa tumawag sa akin, nandito ako ngayon sa distrikto 2 ng Arcavia.

"Tita Jade"yumakap ito sa akin kaya gumanti din ako sa yakap niya.

"Bakit naparito ka?"tanong nito sa akin habang naglalakad kami sa isang silid kung saan nagsasanay ang mga kawal ng distrikto 2.


"Inutusan po ako ni Ina mag libot raw po ako"sagot ko dito habang nagmamasid ako sa mga kawal ni Tita Jade.

Si Tita Jade ay ang kapitan ng distrikto 2 isa ito sa mga kaibigan ni Ina. Nalaman ko din na muntik na pala maikasal ito si Ina kay Tita Jade.

Kahit na hindi sila ang ikinasal ay masaya na pala noon na kasal si Tita Jade sa isang ikalawang kapitan nito na si Tita Lira.

"Aya nandito ka pala"napahinto sa pag tuturo si Tita Lira ng makita ako nito. Yumakap agad ito sa akin kaya gumanti din ako ng yakap.

"Aya tama nga si Tita Antonette pupunta ka dito"napatingin ako sa lumapit na babae na kasing edad ko.

"Reina ikaw pala"bati ko dito at nakita ko na napasimangot ito. Mabilis na yumakap ito sa akin at gumanti din ako.

Si Reina Janne Hollar ang anak nila Tita Jade at Tita Lira, 18 na ito habang ako naman ay 17 palang.  Mas nauna kasi itong ipanganak sa akin noon kaya mas matanda siya.

"Reina bumalik kana sa pagsasanay"nataranta naman si Reina ng magsalita ang mama nito na si Tita Lira. Strikto kasi sila dito lalo na at ito ang papalit sa pwesto ni Tita Jade sa pagiging kapitan.

"Tita Jade at Tita Lira, mauna na po ako mag 9 na din po"sabay tingin ko sa orasan na bigay sa akin ni mama.

"Akala ko naman magtatagal ka, aayain sana kita maglaban"sabi sa akin ni Tita Jade pero nginitian ko lang ito.

Matapos ay nagpaalam na ako, paglabas ko sa silid na yun ay sumalubong sa akin ang mga kawal at dama ko.

Nasa limang kawal at limang dama lang ang sinama ko dahil ayaw ko din masyado madaming kasama.

"Ang mahal na prinsesa aya nandito pala"

"Si prinsesa aya oh"

"Tara lapit tayo para makita natin ng malapitan"

Puro ganun bulungan ang naririnig ko pero hindi ko sila inintid, hindi ko alam pero sabi ni Ina at Mama sa akin ay tila nung tumuntong ako ng Ikalabing lima ko na edad ay tila nagiging kaugali ko na daw si Mama Raine. Minsan naman daw ay kaugali ko si Ina.


"Aya"sasakay na sana ako ng sasakyan ko ng may tumawag ulit sa akin kaya tinignan ko ito.

"Kenna anong ginagawa mo dito?"nagtatakang tanong ko sa pinsan ko. Anak ito ni Tita Heria at Tita Fiona mas mangingibabaw dito ang itsura ni Tita Heria.

"Pinuntahan ka, si Tita Antonette tinanong ko kung nasan ka kaya nandito ako ngayon"sabay kapit nito sa akin at napailing na lang ako dito.

Masyado itong madikit sa akin kahit nung bata palang kami, kada bumibisita sila Tita Heria sa amin ay hindi maaaring hindi kasama ito.

"M-mahal na prinsesa Kenna ang bilis niyo naman po"humihingal na sabi ng dama niya at kawal. Napatingin ang iba nandito sa distrikto 2 dahil dalawang prinsesa ang nasa harapan nila ngayon.

Kenna Hearth Silvestre Atlancia ang prinsesa ng Atlancia ang anak ni Tita Heria at Tita Fiona.

"Alangan hintayin ko pa kayo, muntik na ako iwanan ni Aya"medyo maldita na sabi nito sa dama niya. Laki kasi ito sa luho din katulad ko kaya ganyan na lang din ang ugali niya.

"Kailangan ko na umalis"walang gana na sabi ko sa pinsan ko sabay alis sa kapit nito.

"Sandali sasama ako"napairap na lang ako dahil sa pagiging makulit nito at sa pagiging mapilit.

"Huwag na, hindi mo magugustuhan ang pupuntahan ko"walang gana na sabi ko dito at nakita ko na napanguso nanaman ito.

"Basta kasama kita ayos lang sakin"nauna pa itong pumasok sa sasakyan ko.

"Paumanhin po mahal na prinsesa"hingi ng tawad sa akin ng dama at kawal nito.

Sumenyas lang ako sa kanila at pumasok na din sa loob ng sasakyan ko.

"Dalhin mo ako sa distrikto 10"utos ko sa kawal na mag mamaneho at sabay ngisi ng makita ko na napasimangot ang pinsan ko.


"Aya, talagang sa Distrikto 10 ka pupunta? Kung saan ang halos lahat ay mga alipin"may pandidiri na sabi nito pero inirapan ko muna siya bago sagutin.


"Akala ko ba kahit saan ako pumunta sasama ka? Kaya kung ayaw mo pwede kana lumipat sa mismong sasakyan mo at magpahatid papunta sa palasyo"hindi ko mapigilan ang inis ko dito habang sinasabihan siya natahimik naman ito.

Ilang oras din ay natahimik ito, nakaramdam ako ng konsensya dahil kahit papaano ay kalapit ko din ito.

"May alam ako na kainan sa distrikto 10, kumain kana ba?"sabay hawak sa kamay nito at napansin ko na ngumiti ito pasimple at alam ko na mukhang binalak talaga niya inisin ako.

"Hindi pa ako kumakain, kaya papayag ako sa pag-aalok mo"sabay ngiti nito ng malaki at yumakap pa sa akin.

Nakarating din kami sa distrikto 10, wala talaga sa plano ko na pumunta dito pero dahil sa iniinis ko ang pinsan ko ay pumunta ako.

Ang Distrikto 10 talaga ay karamihan dito halos mga alipin ang nakatira, kahit na ganun ay hindi sila hinahayaan ng pamilya ko kaya kada buwan ay may rasyon kami binibigay.

Pagbaba ko ay napansin ko ang gulat sa mukha ng mga kawal na nandoon, Nataranta ang mga ito ng makita kami mabilis naman kumilos ang mga kasama ko na kawal.

Napansin ko na may kakaiba sa mga kinikilos dito ng mga kawal. Dahan dahan ko tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni Kenna.

Tututol sana ito ng sumenyas ako sa kanya kaya hindi na nito ginawa tumutol.

Pumasok ako sa tarangkahan ng mismong lugar ng distrikto 10 at halos magdilim ang paningin ko sa nakita ko.

"Anong nangyari dito?"hindi ko mapigilan na magalit sa nasaksihan ko.

Huminto ang gulo ng mga tao at mamamayan pati ang mga kawal na tila nakikipaglaban sa mga nandoon.

"Mga lapastangan, magbigay sa mahal na Prinsesa Aya at sa Prinsesa Kenna ng Atlancia"galit na sabi ng punong kawal ko at mabilis na yumuko ang mga nandito ngayon.

Ngayon ko lang nakita na ganito ang itsura o kalagayan ng distrikto 10 tila hindi sila binibigyan ng mga pagkain at lalo na ang mga itsura nila.

"Mahal na prinsesa tulungan niyo po kami"

"Mahal na prinsesa"

"Prinsesa Aya tulungan niyo po kami"

Napahawak ako sa noo ko tila hindi kinaya ang nasaksihan ko, sobrang gulo ng bayan at halos sira sira ang mga kabahayan lalong lalo na tila ang mga kawal dito ay puro pagpapalaki ng tiyan ang alam.

"Aya anong nangyari dito? Akala ko ba nagbibigay ang palasyo ng mga pagkain dito"gulat na sabi sa akin ni Kenna at napailing na lang ako.

"Tawagin ang Kapitan ng Distrikto 10"utos ko sa punong kawal ko at mga nahuli na kawal na mga nakainom at tila nanakit ng mga tao dito ay pinaluhod ko.

Mas lalo sumakit ang ulo ko ng makita ko ang mga nag iiyakan na mga bata at mga nahihirapan na matatanda.

"Humanda sakin ang nagpabaya dito"galit na bulong ko at naramdaman ko na hinawakan ako sa kamay ng pinsan ko.


Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now