HFM 45 [Julian&Krystal]

986 60 7
                                    

Julian Arcavia

Nandito kami ngayon sa Lumeria Town kung saan ay walang masyadong pumupunta dito.



Ang Lumeria Town ay kilala ito bilang black town dahil sa lahat ng mga napupunta dito ay nababalitang hindi na nakalabas.



"Bakit hindi sila lumalabas? At talaga tinitignan lang tayo sa mga pintuan at bintana"inis na sabi ko habang nagmamasid kami sa kapaligiran.




Binigyan kami ng 1 week para matapos ang mission namin, lalo na kailangan namin mahanap ang isang bagay at iyon ay ang isang magical cape na pag mamay ari ng isa sa sinaunang nilalang Atlancia.




Ang lugar na ito ay sakop ng west tribe Atlancia pero dahil sa may kakaibang pangyayari dito ay pinabayaan na ang lugar na ito.




Lalo na at hindi rin nakikisama ang mga nakatira dito na ikinapagtaka nila.





"Ayun, may isang inn na maliit baka pwede tayo doon"pinuntahan agad namin ang tinuro ni Krystal.






"Kin's Inn"basa ko sa nakalagay na pangalan ng maliit na bahay. Lumapit si Krystal dito at kumatok.




Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan at bumungad sa amin ay isang babae na may edad na.



"Magandang umaga po, may space pa po ba kayo na pwede namin matuluyan?"tanong ni Krystal dito at napansin ko na tila tumingin muna sa pligid ang babae at sabay pinapasok kami.




Bumungad sa amin ang medyo kaliitan na bahay pero maayos at malinis naman.




"Alam ko na hindi kayo basta nandito lang para maghanap ng matutuluyan"naging alerto ako ng makita ko na tinignan kami ng masama nito.





"Tama po kayo, Ako nga po pala si Krystal at itong kasama ko naman si Julian"nakangiting sabi nitong kasama ko at natigilan saglit yung babae.





"Leora yun ang pangalan ko"ngumiti ulit itong kasama ko at pinaupo naman kami ni Leora sa isang maliit na sofa.





"May hinahanap kami na isang bagay na nandito sa lugar niyo"sabi ko agad dito at tinignan ako nito ng may pagkagulat dahil sa sinabi ko agad sa kanya iyon.




Nilabas ko sa bag ko ang isang larawan ng cape na hinahanap namin at pinakita sa kanya.





"Ito ang hinahanap namin"mabilis na kinuha niya sa kamay ko ang larawan at nakita ko kung paano ito magulat.





"Bakit? Hindi niyo ba alam matagal ng tinago ang bagay na yan, lalo na yan ang nagbigay ng kakaibang sumpa dito sa amin"galit na sabi nito at sabay tumayo at may nilabas itong kahon na maliit.




Binuksan niya yun at hinagis sa amin na sinalo agad ni Krystal. Nagulat ako ng makita ko ang cape dahil kapareho ng hinahanap namin.





"Dapat hindi kayo nagpunta dito dahil lang sa bagay na yan. Lalo na at kung sino man ang pumasok sa lugar na ito ay hindi na nakakalabas ng buhay"sabi nito at napansin ko na nag iiba ang kulay ng mata nito.




"Krystal"hinawakan nito ang kamay ko at mabilis na sinabit ang bag namin sa likod.





Halos masuka ako sa nakita ko dahil napupunit balat nito at nag iibang anyo ito.




Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon