HFM 7

1.9K 93 3
                                    

Aya Arcavia

"Ariel"tawag ko sa kapitan ng distrikto 10. Mabilis na lumapit ito habang kinausap ang mga kawal na mag patuloy sa pagsasanay.

"Ano po yun mahal na prinsesa?"yumuko muna ito sabay sagot sa akin.

"Gumawa ka ng limang pangkat ng mga kawal, habang nandito ang ibang mga kasama ko para may magawa naman sila"walang gana na sabi ko kay Ariel sabay tingin sa isang gilid na may mga nakaupong limang nilalang.

Napansin ko na tumingin din si Ariel sa gawi na yun at mukhang nakuha niya ang sinabi ko.

"Magsusunod po mahal na prinsesa"nagpaalam ito at nakita ko na kinausap na nito ang mga kawal.

Napangisi ako ng makita ko na tila nakatingin sa akin yung lima habang papalapit ako.

"Aya, ayan nanaman ang kakaibang ngiti mo"sabi sa akin ni Kenna ng  makalapit na ako sa kanila.

"Isang linggo na ng simula pumunta kayo dito, para magkaroon kayo ng silbi sa akin may papagawa ako"sabay ngisi ko at nakita ko na tila napalunok sila ng sabihin ko yun.

"Wala ako sa mood ngayon Aishelle"nakasimangot na sabi ni Sabrina sa akin pero hindi ko ito pinansin.

"Mahal na prinsesa aya"hinarap ko agad si Ariel ng tawagin ako nito at nakita ko na nagawa nito ang utos ko.

Tinignan ko ang limang pangkat na ginawa ni Ariel at napatango ako dahil maayos ito.

"Kenna ikaw ang hahawak sa unang pangkat"sabi ko dito at nakita ko na tututol sana ito ng tignan ko ito ng malamig.

"Ate Julian ikaw naman ang hahawak sa ikalawang pangkat"ngumiti naman ang pinsan ko at alam ko na gusto nito ang sinabi ko.

"Sabrina,  ikaw ang hahawak sa ikatlong pangkat"malamig na sabi ko ng makita ko na nakasimangot ito.

"Belle ikaw naman sa ikaapat"walang gana na sabi ko at tumango na lang ito sa akin.

"Gabriel ikaw naman sa ikalimang pangkat"utos ko dito at ngumiti na lang ito sa akin.

------

Pumunta na sa kanyang kanya na hahawakang pangkat ang lima, hindi na din sila nakatutol sa utos.

"Aya kung hindi ka ang cute inaway na kita"inis na sabi ni Sabrina at nagtawanan ang mga kawal na nasa harapan niya.

"Inutos ko bang tumawa kayo?"galit na sabi nito sa mga nandoon.

Mabilis na tumahimik bigla ang mga kawal na hawak nito ng makita na galit na tinignan sila.

Sa unang pangkat naman ay makikita ang takot sa mga mata at medyo panginginig ng mga kawal na nandoon.

Sino ba naman ang hindi matatakot sa ginawa nito sa unang pagkikita nila sa Prinsesa ng Atlancia.

"Unang una gusto ko lang sabihin sa inyo, Ako ang hahawak sa inyo alam niyo kung paano ako magparusa lalo na sa mga taong lumalabag sa utos ko"madami ang napayuko sa sinabi nito. Dahil ramdam pa din nila ang ginawa nitong paglalatigo sa kanila.

Ang ikalawang pangkat naman ay napapangiti dahil nasa harap pa nila ang isang prinsesa ng Arcavia.

"Ang swerte natin sa atin napunta ang isa pang prinsesa ng Arcavia"bulong ng mga kawal na nandoon. Madami ang sumang ayon sa sinabi nito.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now